Prologue
This is a pure imagination and idea of the author. All events, names and places are created by the writer's idea. If any things, places, or person alive or death matches in this story, it's a pure coincidence. Noted that some strong words can also be read in this book. No further concern of any matured content for young readers. This book is kept cleaned for them. Please no plagiarism.
NO reposting, translating, uploading, scanning, or story distribution in any means of soft or hard copy without the author's legal consent.
Remember: It is a crime to plagiarize.
Don't forget to vote or add this to your reading list if you like it. Thank you!!!!!
Enjoy!!!!!
Title: KOLAS
___________________________________________________________________________________
Nicolas's POV
"Teka! Ano ang mundo ito?!" buong puwersa kong sigaw habang tumatakbo. Paspasan ang mga paa ko, pawisan ang batok, nababalot ng init, ngunit sa unang beses---wala akong pake! Basta kailangan kong makaalis dito!
"Pwede ba, wala kang dapat katakutan!!!" gigil na sigaw nung babaeng gumising sa akin kanina. Nasa likod ko siya at pilit na pumantay sa akin. "Sinabi ko na sayo! Mundo to ng Liwblus! Nararapat ka lang dito!"
Liwblus?! Baliw 'tong babaeng to!
"Walang ganung mundo!" nanikip ang dibdib ko sa sobrang pagod. Sa tala ng buhay ko ngayon lang ako tumakbo ng ganito. Pero walang pagod pagod muna ngayon, kailangan kong makabalik sa katinuan!
"Meron! Wag ka ngang tumakbo! Nahihirapan akong magpaliwanag kung tatakbuhan natin ang mga kalaban!"
Ayos lang siya? Hindi lang yung humahabol sa amin ang tinatakbuhan ko, pati siya kasama dun! Wala akong balak magpahabol sa kanilang lahat!
Matino ako, natural na tatakbo ako sa mga taong nagbanta sa akin! Lalo na't kung ang mga taong yun ay may mga kapit na espada!
"Ayaw ko!"
"Duwag na lalaki ka! Harapin natin sila!"
Nagulat ako sa pagbabago niya ng tono. Ang kaninang mahinahon na boses niya ay naging marahas at tunog galit. Alam kong pikon na siya kanina pa pero sa dinami-dami ng pagpapahirap ko sa kanya, ni hindi man lang siya nagreact kanina. Tapos ngayon hindi pala siya babaeng babae?!!!! Ibig sabihin kanina pa siya nagpapanggap na mabait sa akin?! Tama nga ako, puro kasinungalingan yung mga sinasabi niya.
Walang propesiyang ganun! Siya lang ang nag-iisip nun!
"Ikaw na tao ka! Puputulan talaga kita ng paa! Sabi na't wag kang tumakbo!" sigaw niya pa sa likod ko. Nakaramdam ako ng kilabot sa pagbabanta niya.
Kung kaya niyang gumawa ng kung ano-anong kwento sa utak niya tungkol sa kabaliwang mundong to, at panwalaan yun. Paniguradong kaya rin niyang gawin ang sinabi niya. Grabe, sobrang nakakatakot. Di ako ligtas sa kanya. Baliw siya!
Sa sobrang kadesperaduhan, di ko na inisip pa kung ilan pa silang humahabol sa akin. Basta binigay ko ang lahat ng lakas ko. Di ko kontrolado ang bawat paghakbang ko, di ko rin alam ang pupuntahan. Di ako pamilyar sa lugar na to. Bakit kasi puro puno? Nasaan na ba talaga ako?!
"Oh! Wag!!!!!" nangilabot ako nang makita siya malapit sa likod ko. Nakaunat ang kamay niya at pakiramdam ko mamatay ako kung makakapitan niya ako ngayon! Grabe ang takot ko, ni hindi pa ako nakakaranas ng ganito noon. Ngayon palang, ngayon pala talaga!
"Tumigil ka kasi!"
Paano ako titigil?! Kahit pumikit ako hindi ako magising gising!!!! Ano ba naman kasing mundo ito?!!! Bakit dito ako nagising?!
Panaginip lang to diba?! Nabarog lang ang ulo ko sa pagkakalaglag sa hagdan. Oo, tama! Ganun ang nangyari, magigising ulit ako sa mansyon!
"Hoy! Taong lupa, kaya natin silang kalabanin! Magpakatapang ka nga!" umuusok sa galit ang namumula niyang mukha, ngunit mas nanlaki ang mata ko sa nakataas niyang kamay. M--may BATO siyang kapit!!!! Babatuhin niya ako?!!!! Ang laki nan!
Naku! Mamaya na lang ako magigising! Oo, mamaya na lang! Mas importante ngayon na makatakbo muna ako!
"Ah!!! Ayaw ko na!" binatak ko ang natitira kong lakas at pumikit para sa puwersahang panalangin. "Diyos ko, tulungan Mo po ako!!!!! Magbabagong buhay na po ako, ibalik Mo lang ako sa dati!"