Mavis Nhea's P. O. V. Nakuha ko na ang lunch na binili ko. Hawak ko ang aking plato at ang bottled water, handa na sana akong bumalik sa classroom nang bigla akong may marinig na bulungan ng ilang estudyante na nasa lower level. Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko. "Umiika si Mavis, totoo ang balita," ani ng isa. Napalunok ako at napatingin sa paa ko na nakabalot ng benda. Dahil sa gamot na binigay sa akin ng doktor na kaibigan ni Daddy kagabi ay mas naging maayos ang pakiramdam ko, kalahati na lang ang sakit na nararamdaman ko pero maga pa rin ito. "Huwag na kayo mag-isip, imposibleng magustuhan ni Ardel ang kagaya niyan," ani pa ng isa. Nakayuko ako kaya hindi ko makita ang mukha nila at tanging boses lamang ang binibigyan ko ng pansin. "Tama ka, kasama nama