Mavis Nhea's P. O. V. Patay na ang ilaw dito sa kwarto ni Ardel pero hindi ko pa tapos basahin ang bagong published na libro ng paborito kong author. Gumamit ako ng flashlight ng cellphone ko at nagtalukbong ng kumot para magbasa. Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang pagtawa ko ng alas-dose ng gabi, wala namang pasok bukas at sabado kaya nagpupuyat ako ngayon. Dahan-dahan kong nililipat ang pahina ng libro para hindi makagawa ng tunog. "Hhmmm... Da..." rinig kong halinghing ni Ardel. Tinangal ko ang kumot na nakatakip sa akin at tinignan si Ardel. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pawis nitong tumutulo sa kaniyang sentido at leeg. Nakahiga ito ng tuwid at nakabuka ang palad nito. Tila ba nanginginig ang mga kamay at paa nito kaya agad akong tumayo para tapikin ang pisngi