Mavis Nhea's P. O. V. Habang nagsusulat ako ng lecture ay laking gulat ko nang biglang umupo sa tabi ko si Gale. Ngumiti ito sa akin at nagsulat. Nginitian ko rin ito pabalik saka ko pinagpatuloy ang pagsusulat ko. "I see that mataas ang grado mo sa mata," aniya. Napatitig ako sa kaniya at hindi makapaniwala na ako ang kinakausap niya. "A-Ah, oo." "Book worm ka?" "S-Sa pocketbooks. Mahilig ako magbasa ng novels," ani ko. Nanlaki ang mga mata niya. "When did you start reading? Ako noong last year lang, I only have five books," aniya. "Nag-start ako nung elementary ako," ani ko. "That long? Grabe! How many books do you have?" tanong niya. "Shelf? H-Hindi ko po sigurado yung bilang," ani ko. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkamangha dahil sa sinabi ko. "Would you mind kung kukuha