I woke up in an unfamiliar place. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi pero ang unang pumasok sa isip ko ay yung Foundation night. Napabalikwas ako ng bangon nang makita kong alas-otso na ng umaga. Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ako nakapunta sa Foundation night. Oh my God, ano kayang nangyari? Hindi ako nakapagpaalam, baka nag-aalala na sila sa akin. Nakita ko yung bag ko sa sofa na naroon kaya agad akong bumangon para kunin ang cellphone ko. Gusto ko nang maiyak nang makita ko kung gaano kadami ang missed calls at mga texts. Yung iba ay galing kay Ellyse at yung iba naman ay kay kuya. Geez, baka nag-aalala na talaga si kuya. Alam ko kung paano mag-alala 'yon, he can throw up a search and rescue operation without a joke. Napabalik ako paupo sa kama nang bumukas ang pinto. Hindi