Chapter 22

1282 Words

Hindi ko alam na nakatulog pala talaga ako. Paggising ko, madilim na sa labas, mukhang gabi na. Gaano ako katagal nakatulog? Napatingin ako sa mga paa ko, wala na ang sapatos ko at nakamedyas nalang ako. Nakakumot na rin ako at may unan sa magkabilang gilid ko. Luminga ako sa paligid sa pag-aakalang nandito rin si Ken sa loob pero hindi ko siya nakita. Bumaba ako sa kama, isinuot ko ang tsinelas na nakalagay sa ilalim ng kama katabi ng sapatos ko. Nagtungo ako sa pinto at nilisan ko ang silid. Maliwanag sa buong unit ni Ken, sa bawat sulok ay mga ilaw. Hindi nakakasilaw at tama lang ang mga ito para makita ko ng maayos ang lahat ng sulok. Pumunta ako sa kusina para tignan kung nandoon siya pero walang tao doon, maging sa sala. Naisip kong baka nasa kwarto siya kaya pumunta ako doon. Kum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD