"Pero okay kana talaga ha?" Natawa nalang talaga ako kay Ellyse. The last time I check, bad mood siya nang huli kaming magkausap. Ngayon naman ay back to normal na siya. Naikwento ko na kasi sa kanila yung nangyari nung Friday kaya hindi ako nakarating sa Foundation night. Alalang-alala din kasi sila pati na si ma'am Kath. Akala nga nila hanggang ngayon ay hindi pa rin ako okay. Eh sa lahat ba naman ng nangyari nung weekend paano pa ako hindi magiging okay? "Alam mo bessy, ang kulit mo. Okay na nga ako, hindi pa ba halata? Eto na ako oh." She just rolled her eyes. Ayan nanaman yang paikot-ikot niya ng mata. "Concern nga kasi ako. Akala ko naman kasi nung gabing yun, kung saan kana napunta! Ano bang malay ko kung na-rape kana, naholdap o naaksidente diba?" Nahampas ko naman siya sa bra