KABANATA 1
= Simula=
Nagmamadali na ako nagtungo sa banyo dahil mag aalas siyete na ng umaga at mahuhuli na ako sa unang araw ng pasok ko sa bagong trabaho ko,alas otso pa naman ang pasok ko.kung bakit ba kasi hindi ko mapigilang hindi magpuyat sa gabi dahil sa kakanuod ko ng korean drama,.naging libangan ko na siya gabi gabi simula ng masawi ako sa pag ibig.
''Casey hindi ka man lang ba kakain anak''
alalang sabi ni Mama sa akin na nakatingi sa akin habang sinusuot ko ang sapatos ko.
''Ma hindi na po mahuhuli na po talaga ako sa trabaho ''
sabi ko,lumapit ako sa mesa para inumin ang gatas na tinimpla ni Mama kanina at ngayon ay malamig na.
''Bakit ba kasi nagpuyat ka pa alam mo naman ang aga ng pasok mo''sermon ni Mama sa akin.
''Hindi naman ako masyado nagpuyat Ma sige na Ma alis na po ako malalate na po kasi talaga ako''
Sabi ko Kay Mama at humalik sa pisngi niya.
''Oh siya magiingat ka sa biyahe''
Kahit ano madali ang gawin ko pag talaga inabutan ka ng kamalasan sa daan wala ka ng magagawa,nalate na ako sa trabaho ko dahil sa traffic sa kalsada, andito ako ngayon sa loob ng office ng Boss kong si Mrs.Fuentilla,nakaupo ito sa swivel chair niyang nakaharap sa akin,nakatingin siya sa akin na para bang ang laki ng nagawa kong kasalanan nakataas ang kilay niya sa akin.
''Sorry po Maam''
Kinakabahang hinging paumanhin ko sa kanya habang nakayuko.
''Bakit ka late?ang dami trabaho nag aantay sayo dito alam mo ba yun?.''
Sabi nito sa akin na seryoso ang mukha
''Sorry po talaga Maam di na po mauulit,sobrang traffic lang po sa daan''
hingi paumanhin ko uli dito
''Dapat lang na hindi na mauulit dahil ang ayaw ko sa lahat ang mga nalalate sa trabaho Miss Paz unang araw pa naman ng pasok mo ngayon,kinuha kita bilang Secretary ko dahil may nakapag sabi sa akin maaasahan ka sa trabaho..so prove it'' ..Seryoso sabi nito sa akin na tumayo sa kinauupuan niya.
''Opo Maam promise po hindi na po talaga ako malalate at pagbubutihan ko po ang trabaho ko sa inyo, sorry po talaga sa araw na ito''..Nakayuko sabi ko hindi ko magawang tignan siya dahil mukha talaga siyang matapang.
''Siya heto mga files paki ayos mo lahat ng yan pag natapos mo balik mo agad sa akin,check mo mabuti dahil mahalagang papeles ang mga yan,huwag padalos dalos sa trabaho gusto ko maayos at malinis Miss Paz ''
Masungit na sabi sa akin nito, siguro kaya ganun din siya kasungit dahil sa katandaan na rin niya,sinulyapan ko siya at napagmasdan ko ang kabuuan niya puti na ang buhok niya,may wrinkles na rin ang makinis niyang mukha pero napansin ko na maganda pa din si Madam,meron din siyang maputi at makinis na balat sigurado ako mabait naman siya kahit nagsusungit siya..
''Opo Maam,gagawin ko po na maayos ang trabaho ko sige po mauna na po ako para po magawa ko na po ito'' Sagot ko sa kanya,sumenyas lang siya sa akin na makakaalis na ako.
lumabas na ako ng opisina ni Mrs.Fuentilla at nagtungo agad sa table ko nasa di kalayuan sa labas ng pintuan ng opisina niya at doon lang ako nakahinga ng maayos ,agad ko na sinimulan ang pinapagawa sa akin ng boss ko para bumawi sa pagkalate ko at mukhang mag oovertime ako sa unang araw ng trabaho ko dahil ang dami papeles ang ibinigay sa akin para iencode at ayusin ko..
''Hi..,nasungitan ka ba ni Mam,by the way I'm Mina'..'pakilala nito sa akin sabay lahad ng kamay nakipagkamay naman ako sa kanya at nginitian siya .
''Casey nga pala,(sabi ko sa babaeng katabi ko medyo malapit lang din ang table niya sa akin),oo nasungitan nga ako ni Maam ako din naman kasi ang may kasalanan na late ako ''.sagot ko dito.
'' sa una lang siyang ganyan pero mabait yan si Maam ,sige na naistorbo na kita maya na lang tayo mag-usap sabay na tayo maglunch a,''sabi nito na bumalik na sa sarili niyang table,napangiti naman ako dahil hindi na ako mahihirapang humanap ng kaibigan dito sa bago kong trabaho dahil meron na agad akong isa at mukhang magkakasundo din kami nito.
Alas nuebe na ako nakalabas ng building namin sa sobrang dami ko trabaho nanakit ang balikat ko sa maghapong pagkakaupo mapapabili pa ata ako ng salonpas para malagyan ang nangalay kong likod at makakapagpahid na lang ng oil sa mga nangalay kong binti mamaya pag-uwi ng bahay,kung di lang si Mace ang naghanap ng trabaho para sa akin hindi ko talaga tatanggapin ang trabahong ito dahil una sa lahat wala ako experience sa pagiging Secretary,pangalawa ayokong nakaupo lang sa trabaho pero pumayag na din ako sa trabahong ito dahil malaki din ang magiging sahod ko nahihiya din ako sa kaibigan ko dahil talaga ng effort siya para ako ang makuha secretarya ni Maam Fuentilla hindi ko nga alam kung sino kinausap niya para maiaaply niya ako sa trabaho hindi ko na lang siya natanong dahil bihira lang kami magkita sa personal magkakaibigan,Si Mace ay isa sa mga kaibigan ko na dating kasamahan ko sa hospital na pinapasukan ko bilang nurse sa totoo niyan apat talaga kaming magkakaibigan si Mace,Trish,Ako at si Glenda ,si Glenda na nagkaroon ng malaking kasalanan sa akin,ewan ko ba sa dami ng taong pwedeng manakit sa akin bakit ang kaibigan ko pa na itinuring ko na rin sarili kong kapatid pero ganun siguro talaga pag ang isang tao ay nagpatukso babaliwalain na lang ang lahat,Since College magkakasama na kami sa iisang Unibersidad at sa aming apat si Glenda lang talaga ang malihim never pa kasi siya nagkwekwento sa amin tungkol sa buhay niya, kilala namin ang pamilya niya at kung ilan silang magkakapatid kung saan sila nakatira pero hanggang doon lang ang alam namin sa buhay niya bukod doon ay wala na,siya din ang mahilig makipagrelasyon sa aming apat kaya di na kami magtataka kung marami na siyang naging boyfriend ,nalulungkot pa din ako sa tuwing naiisip ko na nasira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang walang kwentang lalaki at iyon ay si Max na taksil.Hindi ko din maisip kung ano ba nakita namin kay Max at nauto kaming dalawa magkaibigan sana kung nasaan man siya ngayon maging maayos na rin ang buhay niya, may pinagsamahan pa rin naman kami at matagal ko na rin naman siya napatawad sa naging kasalanan niya sa akin..
Sa wakas nakasakay na ako ng jeep,iniabot ko ang bayad sa tsuper buti na lang din at hindi puno ang nakasakay sa jeep na nasakyan ko kaya nakakalanghap pa din ako ng sariwa hangin sa labas pagkatapos ko maiabot ang bayad ko ay kinuha ko naman ang phone ko sa bag para matawagan si Mace para pasalamatan.Pag ka ring ng phone niya agad naman ito sumagot nasa bahay na siguro siya galing trabaho kaya di na siya busy.
''oh girl napatawag ka,nakapasok kana ba ngayon?'' - tanong agad sa akin ni Mace sa kabilang linya.
''Oo pauwi pa lang ako,salamat nga pala kung di dahil sayo hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng trabaho'' sagot ko dito
''wala iyon sabi ko naman sayo akong bahala maghanap ng work para sayo,ano naman balita mabait ba ang Boss mo?''napanguso ako sa tanong niya
''hmm,parang pero mukha siyang mataray gusto ko na nga sana umatras na lang kaso nahihiya naman ako sayo tsaka naghihinayang din ako sa magiging sahod ko''
''di ba parang dinaig mo pa kami ni Trish kaya go ka na diyan para naman maka pag move on kana ng tuluyan doon kay ex at isa pa para di kana masundan ng lalaking yon alam mo naman stalker mo na siya ngayon''.ang tinutukoy nito ay si Max na walang ginawa kong hindi guluhin ako saan man ako magpunta .
''move on talaga?'' naka move on na ako sa kanya siya itong hindi umaasa pa siya magkakabalikan kami dalawa na malabo ng mangyari kahit sa panaginip,sana nga di na niya malaman kung saan ako nagtatrabaho ngayon para wala ng susunod sunod sa akin nababaliw na ako kung ano ng gagawin ko para di lang niya masundan,naiirita na ko sa pagmumukha niya''
''kasalanan mo nainlove ka sa lalaking yon,di naman kita masisi gwapo e kaso may pagkabaliw pala sahuli''..napatawa pa sabi nito sa kabilang linya.
'' akala ko kasi matino siya, huwag na nga natin siya pag-usapan ang mahalaga nakalayo na ako sa kanya,sige na malapit na rin ako bumaba,mag-ingat kayo ni trish at salamat uli bawi na lang ako sa inyo dalawa..''paalam ko dito, pinagtitinginan na ako ng iba pang nakasakay sa jeep kaya medyo nahiya ako.
''okey,ikaw din mag-iingat''rinig ko pa sagot ni Mace sa kabilang linya ..binaba ko na ang tawag binalik ko na ang phone sa bag ko,this is it matatakasan ko na ang lalaking walang ginawa kung hindi sundan ako kung saan man ako pumunta ngayon hindi na ako makakapayag na magulo pa niya ako lalo sa trabaho ko,sana sa bagong trabaho kong ito ay maging maayos na ang lahat para sa akin.Alam ko naman sa sarili ko naka move on na ako sa ginawang pangloloko sa akin ng ex ko kaya sa ngayon magpopokus na muna ako sa trabaho ko at maging sa sarili ko.