"Buti pa kayo nakapasyal sa Baguio." Napangiti ako kay Patrick na sarap na sarap sa kinakaing strawberries na pasalubong ko sa kanya. Nilalagyan pa niya ito ng whipped cream bago kainin. Hindi ko Naman alam na paborito Pala niya ang strawberries. Eh, di sana binilhab ko siya ng isang sako. "Hindi n'yo man lang ako naalalang isama," paniningil pa niya sa akin. May patalim-talim pa siya ng kanyang singkit na mga mata. "Pasensya na, Patrick. Hindi ko rin alam na balak ni Daddy Samuel na mamasyal sa Baguio kasama ang pamilya ko. Biglaan na lang niyang sinabi na aakyat kami noong nasa bahay na kami. At saka kahit siguro imbitahin ka namin, hindi ka rin naman papayagan ni Gob, eh. Sa mall pa nga lang, 'di ba? Hirap ka nang magpaalam. Paano pa kaya kung sa Baguio ang tungo mo?" pagpapaliwana
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books