Tahimik akong nagsusulat sa aking notebook. Hindi ko pinapansin ang mga bulungan ng mga kaklase ko kahit alam ko na ako ang pinag-uusapan nila. Simula pa kaninang umaga na pumasok ako sa gate ng aming eskuwelahan, halata ko na ang mga pag-iwas sa akin ng mga schoolmates ko. Ang iba siguro sa kanila ay nasaksihan ang gulo sa pagitan namin nina Carla at Kuya Ruben. Ang iba naman ay nabalitaan ito. Wala akong magagawa. Wala akong lakas ng loob na magpaliwanag sa kahit sino man. Wala naman kasing may lakas ng loob ring magtanong. Maging ang mga guro ko ay iwas rin na makibalita sa akin tungkol sa nangyari kahapon. Naghihintay nga akong ipatawag ng aming school president o ng aming dean ngunit wala, walang nagsisiyasat sa naganap kahapon. Hindi ko alam kung nakausap na nila si Carla o kung