SOFIA: ILANG minuto din kaming nagkaiyakan ni Haden. Alam ko namang katulad ko ay durog na durog din ito. Mas malala pa ang kanya dahil hindi lang ang kasintahan niya ang nawala kundi maging ang buong pamilya niya. Tandang-tanda ko pa ang mga katagang binitawan ng pamilya niya sa kanya. Kung paano nila maliitin si Haden dahil. . . ampon lang siya. Lalo na si Hades na buong akala ko ay kabisado ko na. Hindi ko lubos akalaing sa loob ng kanilang tahanan ay may tinatago pala silang baho sa publiko. At 'yon ay ang hindi maayos na pagtrato nila kay Haden. Magkayakap kaming nakaharap sa kalmadong dagat. Tila nakahanap ng karamay sa piling ng isa't-isa. Ang sabi ko ay dudurugin at pagdudusain ko si Haden sa mga kamay ko oras na makasal ako sa kanya. Pero sa mga nalaman ko ay naglahong parang