bc

Luha ng Isang Mahirap

book_age18+
30
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
fated
arrogant
drama
twisted
bxg
city
nanny
selfish
like
intro-logo
Blurb

Isang laki sa kahirapan si Kiana. Lumaki siya sa kanyang tiyahin. Ito na ang umampon sa kanya matapos na maulila ng kapwa mawala na ang kanyang mga magulang. Isang araw may Ale na bumili sa tindahan ng kanyang tiyahin. Nagtanong ito kung dalaga pa siya at inalok siya na maging artista o model. Isasali raw siya sa isang audition. Ngunit una pa lang ay pinaalalahan na siya ng kanyang tiyahin. Subalit hindi siya nakikinig. Pinakinggan pa rin niya ang paniniwala na hindi totoo ang sinasabi ng kanyang tiyahin na baka mabiktima lang din siya tulad ng mga na-biktima na.

Ngunit nagkamali si Kiana sa kanyang paniniwala na nagsasabi ng totoo ang Ale na kumuha sa kanya. Dinala siya nito sa isang napakalaking bahay upang maging taga silbi lang pala ng isang lalaking walang nakikita kundi ang naiisip nito kung ano ang kanyang itsura. Pinakiusapan siya ng Ale kung maaari na siya nalang muna ang maging tagapag-alaga ng napag-alaman niya na kapatid pala nito.

Kakayanin kaya niya at makatatagal kaya siya sa antipatiko niyang boss, si Senior?

Hanggang kelan itatagal ng pasensya niya sa bawat pang aalipusta nito dahil sa siya ay isang mahirap. Tatagal pa ba si Kiana, o tatakbo na lang habang umiiyak?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Luha ng Isang Mahirap Chapter 1 "Neng, toyo 'nga, isang bote pabili ako." nagbayad ng isang daang piso ang Ale. Inabot nito sa tindera ang isang papel na isang daang piso ang halaga. Kinuha naman ng tindera ang isang daan. Kinuha din ng tindera ang isang arenola na naglalaman ng mga barya at perang buo na pinag bentahan niya sa tindahan. Hapon na rin at pa-kagat na ang dilim. Iilan nalang ang kanilang mga customer na kumakain sa tindahan. Ang ilan naman ay mga makukulit na mga nangungutang. Wala naman magawa ang tindera dahil kung hindi siya nagpapautang tiyak na ang kanilang tindahan ay hindi mauubusan ng laman. Sa madaling salita ay mawawalan sila ng benta sa araw-araw. Mawawalan sila ng pagkakakitaan kung mawawala ang mga customer nila na halos karamihan ay mga galing sa construction site. Mawawalan din sila ng ikabubuhay na pinagkukunan nila ng kanilang mga gastusin sa pang araw-araw. Kaya para makasabay sa takbo. Nagpapautang sila sa mga regular customer nila lalo na pagdating sa mga customer na mahusay sa pagbabayad. Puro construction workers ang mga madalas na kumakain sa kanilang maliit na canteen at tindahan. Tiyahin niya ang kasama niya sa pagtitinda at isang kasama na binabayaran ng kanyang tiyahin sa pagsisilbi nito at pagtulong sa kanilang negosyo. Stay out ang babaeng kasama niya at kung minsan ay mayroon din na lalaki na binata ang nagtutungo sa tindahan nila upang tumulong at mag part time job. Nakiusap ang batang lalaki na mamasukan at tumulong sa tindahan upang may mai-pandagdag sa mga gastusin nito sa eskwelahan. Pumayag naman ang kanyang tiyahin. Hindi naman ito maramot at mabilis din lumambot ang puso nito sa mga kagaya ng binatang 'yon. “Neng, ang sukli ko?" tanong ng Ale na nakalimutan na niya na suklian sa kakaisip niya. Matumal kasi ang araw nila ngayon. Marami sa mga construction workers ang hindi mga nakapasok at ang ilang tao naman mga umalis sa baba ng sahod sa kanilang ng kanilang mga amo. Maging benta nila sa tindahan naging malaki ang epekto ng mga mawala ang ilang customer nila. Muli siya bumalik pinokusan niya ang pagbibilang ng panokli sa pera ng Ale at sa pagbibigay ng sukli para sa isang daan na pera ng Ale na ibinayad sa kanya. Habang nakaharap na nagbibilang ng pa-nukli ang dalaga. Namataan ng tindera ang mata na nakatingin sa kanya. Nagkasalubong ang kilay ng Ale habang hindi inalis ang tingin sa babaeng tindera. "Neng, dalaga ka 'pa?" ikina-angat ng mukha nang babae. Tama ang hinala niya ng mapansin at maramdaman ang mata ng Ale na nakatingin sa pagbibilang niya. Una naisip ng dalaga na baka sinisiguro lang ng Aleng babae na tama at mabilis ang pagbibilang niya sa barya. Napahinto sa pagbibilang ng pera na barya ang dalaga. Tiningnan niya ang Aleng nagtanong. Minumukhaan niya ito. Ngunit hindi niya makilala. "Bakit nyo po tinatanong?" takang natanong ng dalaga. Nagtataka din siya ng napaisip bakit hindi inaalis ng Ale ang mga mata na nakatingin sa kanya. Sisitahin niya sana ito sa hindi maalis na titig nito sa mukha niya. Subalit bigla ito sumagot. Nagulat pa siya. "Gusto mong mag-artista? Mag-model kaya?" tanong nito nang muli mapahinto sa pagbibilang ng baryang pera ang dalaga. Tama ba narinig ko? Inaalok niya ako mag-artista o mag-model? natanong niya ng bumubulong siya sa isip niya habang nakatingin sa mukha ng Aleng babae. Baka naman niloloko lang ako nito? Hindi kaya? tanong muli niya sa sarili niya ng napabuntong hininga ulit siya ng mapatigil na muli ang mga daliri niya sa pagbibilang. Mukhang niloloko talaga ako nito. Bakit ayaw niya ako alisan ng mga tingin? Nakakaloka, bakit titig na titig siya sa 'kin? tanong muli ng hindi na tuluyan na makapag-hintay ang Aleng babae na naghihintay ng kasagutan mula sa kanya. “Ano payag ka ba? Gusto mo?" siya naman ang hindi maalis ang tingin sa Ale. Pinag-aaralan ng mga mata niya ang itsura ng Aleng babae habang ito ay sunod-sunod na nagsalita.Totoo ba talaga ang inaalok niya? tanong ulit niya sa kanyang sarili ng maisip… Hindi naman siya pangit at maganda siya sa tulad ng iniisip niya na iniisip din ng Aleng babae sa kanya. Bata pa lang siya talagang maganda siya at dala-dala na niya ito hanggang sa magdalaga siya at tumuntong sa kanyang edad. Mabilis mapansin ng marami ang natural niyang ganda. Maging ang natural niyang makinis na kutis. Maputi nga ang kanyang kilikili. Pwede siyang magmodelo ng deodorant products. Hindi rin niya shinishave ang kanyang kilikili. Kahit ang kutis niya walang kasing wangis. Makinis ito at kayumanggi. Hindi maputi pero hindi rin diya maitim. Pag-inilaylay na niya ang pagkahaba niyang buhok. Kasing ganda na siya ni Lovi Poe. Mahahaba din ang wangis ng kanyang pilik mata. Ang taas nya— ilang inches nalang nasa anim na talampakan ang taas niya. Kaya madalas talagang madalas siyang napagkakamalan na artista ng channel dos sa kanyang ganda at itsura. Iyan si Kiana ang beauty queen sa kanilang lugar. “Sa totoo lang Neng, kanina pa kita natititigan. Napansin ko na magandang bata ka pala. Sexy rin! At ang mukha mo pang artista. Mukhang papasa ka naman sa audition kung aayusan kita at pagandahin pa. Maliit lang ang diperensya ng mga beauty queen sa itsura mo. Kaya natitiyak ko na papasa ka. Kaya naman sa konting ayos at babaguhin ng konti ang itsura mo once maayusin ka. Palagay ko pwede ka na luminya sa maraming beauty queen sa bansa." nakangiti ito habang wika ang daliri nito nakapilantik at nakaturo sa kanya Nag-iisip ang Ale. Kumunot ang mukha nito habang mayroon siyang iniisip. Si Kiana napapaisip din sa mga nausal ng Aleng babae. Tama ang kanyang conclusion sa iniisip ng Ale ng makita siya. Iisa pala ang nasa utak niya sa pang aalok nito ng isang hindi kapanipaniwalang proposal. “Ano? Gusto mo?" napalunok ang dalaga. Nahihiwagaan pa rin siya sa inaalok ng Ale. Hindi niya ito kilala. At baka mamaya sa pagpayag niya ay mapahamak siya. Iniisip niya lang habang hindi rin inaalis ang mata sa babaeng nag-iisip din at naghihintay ng kanyang kasagutan. Pinag isipan niya na maigi. Ayaw niya ang magkamali siya sa isasagot sa Aleng babae. Dapat niya pag-isipan dahil sa talamak ngayon ang goyo. Manggagantso mga tao at mahilig mabiktima ng mga gaya niya at tulad ng marami ng naloko. "May bayad po ba 'yan? Kasi kung meron... Wala po akong ibabayad sa inyo." direkta na sagot ng dalagang tindera. Hindi na siya nagsinungaling. Wala naman talaga siyang ipambabayad kung sakali na kukuhanan siya ng fee. Karamihan sa mga naririnig niya ay mayroon kinukuha na fee bayad sa mga transactions na gagawin from agent and agency. May mga agency na siyang garapalan ang paglikom ng pera illegally. Kaya takot din si Kiana ang sumugal kung may pera na siyang nakapagitan sa pag-uusap nila ng taong kausap. "Wala" mabilis agad na tugon ng Aleng babae. "Ako na bahala sa lahat. Sa mga isusuot mo at sa pagpapa-salon sa'yo. Ang gagawin mo lang. I-text mo lang ako at ako na bahala mag-asikaso lahat ng kakailanganin mo. Ano payag ka ba?" inulit na tanong ng babae. Hindi alam ni Kiana kung matutuwa ba siya o hindi sa sinabi ng diretsahan ng babae. Ikina-buntong niya nang mapaguhot agad siya ng kanyang hininga. Tulad ng una na iniisip at pinag-a-aralan ni Kiana. Papayag na ba ako? tanong niya sa sarili. Nagdadalawang isip pa nga siya eh. Hindi makapag desisyon. "Kung wala naman 'ho akong magiging problema. At gagastusin. Sige, 'ho. Payag ako." sagot niya na ikinatuwa agad ng Ale. Sa wakas ay nasagot niya sa tagal ng ilang minuto na nag-isip siya. Nilunok niya ang kanyang laway sa bibig. Kinakabahan at hindi pa rin mapakali. Ngunit dahil sa nasabi niya na payag na siya. Wala na siya magagawa lalo't nakikita niya ang malawak na malapad na ngiti ng Aleng babae. "Mabuti naman payag ka." masayang-masaya ito. “Bukas magkita tayo sa may hangganan. Duon tayo magkita ng sa gayon ay masamahan kita sa lugar ng sinasabi ko sayo. Sabay na tayo na magtungo sa pupuntahan natin para sa gagawin sayo sa pag-audition mo." sabi nito. Binilinan din siya ng ilang gagawin n'ya sa pagkikita ulit nila. Pinag dadala siya nito ng mga extrang damit na ipinag-taka. “Kailangan po ba talaga 'ang magdala pa ako ng damit? Hindi po ba siya uwian? Stay In po ba? Bakit po ganun? Hindi po ba mag audition lang po ako tulad ng sinabi niyo? Bakit po needs pa ang magbaon ng gamit?" madami at sunod-sunod niya na tanong. "Oo, audition kasi iyon. Kaya baka hindi ka makauwi agad ng ilang araw. Kailangan natin mag-praktis at ayusin ang mga galaw mo ng sa ganun pagdating ng audition. Hindi ka na mahihirapan na magbalik-balik sa area. Gusto mo bang gumastos sa pamasahe mo araw-araw o don ka nalang tutuloy sa boarding house? Saka mas maganda nga iyon. Mas matututuhan mo ang paghahanda sa gaganapin mo ang pag-audition. Hindi ang mag-uuwian ka tapos ay magastos pa sa pamasahe. Pero kung may budget ka naman. Bakit hindi?" nananakot, naniniguro lang ang babae na hindi siya aapila pa sa mga sinabi nito. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Nag-iisip pa rin siya kung dapat ba talaga ang pagkatiwalaan ang sinasabi ng Aleng babae, sa kanya. Ngayon niya lang nakita ang Ale sa kanilang lugar. Kahit minsan ay talagang hindi niya pa ito nakita sa mga eskinita sa kalsada o kaya naman sa lawak ng lugar nila halos ng lugar ay naikot na ni Kiana. Kaya napakaimposible na hindi niya ito makikilala. Nagulat pa nga siya. Naisip niya rin na baka bagong kapitbahay lang ito o kaya naman ay bisita ng isa sa mga taga roon sa lugar nila. Maaari na ganun. Hindi imposible ang maging bisita ito ng ilan sa mga ka lugar niya at kapitbahay. Sure siya talagang hindi pa niya ito nakikita pero iniisip niya naman na hindi masama ang sumugal at subukan. "Pag-isipan mo. Kung okay sayo." pahayag nito ng mapansin ang malalim na kanyang pag-iisip. “Bukas magkita tayo sa hangganan. Maghihintay ako sa 'yo don hanggang sa dumating ka." pahayag na turan ng Aleng babae. Napaisip ulit ang dalaga. Hangganan? medyo malayo ito mula sa kanila. Dalawang sakay. Tricycle at jeep bago makarating sa hangganan na nabanggit ng babae. "Wag ka mag alala. Libre naman lahat pag anduon ka na. Hindi mo kailangan ang magdala ng extra money. Sagot namin don sa agency. Damit lang ang dalhin mo. At once na makapili na sila sa audition. If pumasok ka. May bonus ka agad na makukuha. Libre pa ang tirahan. Kasama ang pabahay sa mga empleyado na nakapasa. Kaya no regrets. Basta pagbutihin mo 'lang nang sa ganun— Anong malay mo andun pala ang future mo sa amin." pahayag muli nito. Hindi niya nakuha at magets baka mamaya ay pinagloloko lang siya. Kaya ang utak niya kabi-kabila hindi magkasundo. Gusto ng dalaga iyon. Gusto niya ang offer ng babaeng kausap niya. Ang offer ng Ale sa kanya. Ikinakakaba pero napapaisip pa rin siya. Kailangan pa naman niya ang pera ngayon. Kaya dapat lang siya na pumayag sa alok ng babae sa kanya. "Malaki po ba ang bonus?" natawa ang Ale. "Oo naman" sagot nito. "Kung ganon 'ho. Sige payag na ako. Sure na pOH! Bukas magkita tayo sa hangganan sa lugar na nasabi niyo. Pupunta po ako. Pangako." sure na pahayag ng pagpayag niya muli sa alok. Mas ikina-luwang pa ng ngiti ng babae ang sure na sagot niya na talagang nabuo niya at bukas makipagkita siya dito. Wala na siyang pagdadalawangisip. Sure na talaga siya at bukas sasama siya sa sinasabi nito. Hindi na siya nagpapakahirap pa kahit magulo ang ipinahahayag ng utak niya habang kontra ang nararamdaman niya na dulot ng kanyang kaba. “Sige, bukas ay magkita tayo na dalawa okay. Basta, alas kwatro ng hapon tayo magkita. Bukas sa hangganan sa sinabi ko sayo na lugar. Maghihintay ako hanggang sa dumating ka ron. Masaya ako pumayag ka, Neng." Ani na pahayag ng masaya ang mukha. Pinag katitigan siya ng babae. Ngumiti ito ng may naniningkit ang mata halata ang kasiyahan ng pumayag siya. Binilang niya ulit ang barya sa kanyang kamay at sa nabilang na niya. Binigay na niya ito sa babae. “Salamat" sabi nito kinuha ang iniabot niyang sukli sa nabili nito. Totoo kaya talaga? tanong pa rin nang hindi pa rin makapaniwalang sasabak siya sa isang audition na kahit minsan hindi pumasok sa isipan niya kahit alam niya na malaki ang chance niya sa maraming babae sa lugar nila. Bahala na 'nga! Inalis na sa isipan ang mga pabago-bago niyang pagdedesisyon. Maging ang agam-agam na nararamdaman niya ay tinanggal na rin niya. “Sige, bukas na lang." “Opo" tugon niya at nginitian ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook