Kabanata 22

1197 Words

HINDI mabilang ni Raquel kung ilang beses na siyang bumuntong hininga. Araw-araw na lang ay naroon siya sa bintana ng kwartong tinutuluyan at nakatanaw sa labas. Isang linggo nang lumipas mula nang umalis si Drake upang pumunta sa ibang bansa. Ang tanga nga niya, hindi man lang naitanong kung saang bansa ito patungo. Nabanggit sa kanya noon ni Aling Tonyang na may bahay sa San Ruiz si Drake. Gusto niya itong tanungin tungkol sa binata ngunit nagdadalang hiya naman siya. Ikakasal siya kay Arthur tapos magtatanong siya rito ng tungkol kay Drake. Ano na lang kaya ang iisipin sa kanya ni Aling Tonyang? Kaysa tanungin ang matanda ay nagpasya na lang siyang araw-araw mag-abang sa bintana. Umaasa siyang isang araw ay makita niya ang kotse ni Drake na paparada sa malawak na lawn at bababa ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD