Kabanata 10

1134 Words

NALIGO si Raquel at nagpasalamat siya dahil may cold and hot water sa shower. Napakaginaw ng panahon at tiyak na mangangatog siya kapag malamig ang ipinaligo niya. Binuksan niya ang isang maleta at kumuha ng isusuot. Nagbihis siya ng pambahay at nagsuot ng sweater. Inilipat niya sa dresser ang mga damit niya. Pagkatapos ay saka pinagmasdan muli ang loob ng kuwarto. Malinis ang bedsheet at pillowcases. Parang laging nakahanda ang mga ito sa magiging panauhin. Lumabas siya ng kuwarto at pumanaog. Nalanghap niya ang masarap na aroma ng pagkain. Sinundan ng pang-amoy niya ang pinanggagalingan nito. Bigla siyang nagutom nang makita ang pagkain sa mesa. Pakbet, inihaw na isda at ensaladang talbos ng kamote na may ginayat na kamatis at sibuyas. May ginisang bagoong alamang pa. “Hmmm, ang sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD