Kabanata 6

1072 Words
SUMANDAL si Raquel sa railing ng balkonahe upang may sumuporta sa nanlalambot niyang katawan. Nagpapahiwatig ang tono ni Zeus na hindi maganda ang sasabihin nito sa kanya. “Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin?” “Stay away from my brother, opportunist!” “Ano ulit?” tanong niyang nabingi sa sinabi nito. “Darn it! Sabi ko layuan mo ang kapatid ko. Hindi niya kailangan magpakasal sa isang hampaslupang katulad mo!” matigas na sabi nito. Napatuwid siya nang tayo. Humigpit ang hawak niya sa telepono. “Sandali, Mr. Del Prado! Sumosobra ka na,” sagot niya sa kontroladong boses. “Ang iyong dila ay parang tabak at tulis. Hindi dahil mahirap ako pwede niyo na akong pagsalitaan ng masakit. Ni hindi niyo nga ako kilala.” Inaasahan na niyang palalayuin siya nito kay Arthur subalit hindi niya inaasahang tahasan na iinsultuhin nito ang pagiging mahirap niya. Ayaw niya sa lahat ay ang mga mayayaman na kung umasta ay pag-aari ang buong mundo. Na ang mahihirap ay parang kasing liit lang ng langaw na madaling itaboy. “Hindi ko alam kung saan ka napulot ng aking kapatid. Ngunit natitiyak ko na hindi ikaw ang babaeng nababagay sa kanya. Ni hindi ka nga yata nakatungtong sa kolehiyo,” panunuya nito. Marahil noong nasa sinapupunan palang ng ina nito ay pinaglihi ito sa sama ng loob! Nag-inhale at exhale siya upang pigilan ang sariling sumambulat ang galit sa lalaking kausap sa kabilang linya. Hindi siya nakatapos ng kolehiyo dahil nasa ikatlong taon pa lang siya sa kursong Bachelor of Science in Secretarial Administration (BSSA). Biglaan ang paghinto niya sa pag-aaral, sabayan pa ng biglaang pagkakaroon ng malubhang sakit ng nakababatang kapatid na si Mark. Kailangan niyang mailigtas ang kapatid sa tiyak na kamatayan at kalimutan muna ang sarili. Ninais niyang magtrabaho para itaguyod ang kapatid upang patuloy silang mabuhay, subalit pinipigilan siya ni Arthur. Gusto nitong mag-focus siya sa nalalapit nilang kasal. “Hindi ganyan ang sukatan ng pagiging tao Mr. Del Prado. Dukha nga siguro ako pero hindi ako katulad mo na naturingang may pinag-aralan at mayaman pero masama naman ang ugali. Were you not taught good manners at the International school you attended? Maybe you should go back to school to learn good manners.” Malakas na napamura ito na halos ikabingi niya. “Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi magbabagong wala kang karapatan na magpakasal sa kapatid ko. Titiyakin ko na hindi ka makakatapak sa simbahan. Pipigilan kita, babae!” Kampante siyang humalukipkip dahil unti-unti na niyang nakikita ang tagumpay. Kontrolado niya ang sitwasyon. “Kahit ikaw pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo, hindi mo ako pwedeng tapak-tapakan. Lalabanan kita, Mr. Del Prado!” mariin niyang sabi. Sa sobrang lapit ng mouthpiece ng telepono sa kanyang bibig, kulang na lang ay lunukin niya ito nang buo. Maaaring totoo ang akusasyon ng lalaki dahil hindi niya mahal ang kapatid nito. Subalit may mabigat siyang rason kung bakit kailangan niyang pakasalan ito. Ganoon din si Arthur. Kung pakasalan man siya ni Arthur, itong si Zeus din ang nagtulak sa kapatid para gumawa ng bagay na ikinagalit nito ngayon. Dapat niyang ipaglaban ano man ang interes mayroon sila ni Arthur sa isa’t isa. She will not allow anyone to ruin their plans, not even Zeus del Prado! “You just declared war, Raquel,” wika nito sa mapanganib na boses. Kahit hindi niya ito kaharap, tila nakikita niya ang mabangis na mukha nito. “Ikaw ang nagsimula.” “I’m not stupid tulad ni Arthur. You can't fool me! Isang malaking pagkakamali ang pagkalaban mo sa ‘kin. Huwag ka nang umasang ikakasal ka pa sa kanya. I will destroy you hanggang bumalik ka sa putikang iyong pinanggalingan!” “Hihintayin ko ang pagkakataong ilulublob mo ako sa putikan. Labanan mo ako hanggang gusto mo. I'm going to marry your brother and you can't stop me. You have to accept that a scumbag like me will be your sister-in-law," malambing subalit mapang-inis niyang tugon dito. “Time will tell,” makahulugang sabi nito bago siya binagsakan ng telepono. “Sh*t ka! Bastos!” Sumakit ang tainga niya sa ginawa nito. “Walang modo!” “Problem?” Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses. “Arthur!” bati niya rito. Pinilit niyang ngumiti kahit ang hirap baguhin ng kanyang emosyon. “Hindi ko napansin na dumating ka. Kumusta ang lakad mo?” Nakangiting lumapit ito sa tabi niya at tinanaw rin ang direksyong pinagmamasdan niya. “Nakausap ko na ang abogado ni Mama para imbitahan sa kasal natin. Hmm, nabanggit sa ‘kin ni Dianna na tumawag si Kuya Zeus para kausapin ka. Anong sinabi niya sa ‘yo?” Nagkibit-balikat siya. Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ng kaharap, batid niyang nababahala ito. “Tinawag niya akong gold digger,” kaswal niyang sabi. Na parang hindi masakit sa pandinig ang mga sinabi sa kanya ni Zeus kanina. Mapait siyang ngumiti. “Arthur, gold digger naman talaga ako. Hindi ako magpapakasal dahil sa pag-ibig at alam naman nating dalawa ‘yon. Ginagawa ko lang ito para kay Mark.” “Pasensya ka na kay Kuya Zeus. Huwag mo na lang siyang pansinin. Ganoon talaga ‘yon. Lahat ng gusto kong gawin ay lagi niyang kinokontra. Pati ang pagpapakasal natin, tinututulan niya.” Ginagap nito ang mga kamay niya at masuyong pinisil. “Pareho lang tayo. I’m also marrying you to get my inheritance. Para matupad ko ang hiling sa ‘kin ni Mama.” Gustong gawin ni Arthur na flower farm ang malawak nitong lupain sa Baguio. Iyon ang pangarap ng nasira nitong ina. Subalit para maisakatuparan ang balak ay kailangan nito ng pera. Hindi nito pwedeng pakialaman ang income ng Healthy Meat Corporation dahil business partner ang kapatid. Tinangka nitong kumuha ng loan subalit gusto ng mga investor na gawing guarantor ay si Zeus Del Prado. Nang hingin nito ang tulong ng kapatid ay pinagtawanan lang ito. Ayon kay Zeus ay para sa babae lang ang mga bulaklak. Tutulungan lang daw nito si Arthur kung hotel, resort, o restaurant ang ipapatayo sa halip na flower farm. Pinayuhan pa nito si Arthur na mag-focus na lang sa pamamahala ng Healthy Meat Corporation. Gustong tuparin ni Arthur ang gusto ng Mama nito na punuin ng mga bulaklak ang lupaing iniwan nito. Mas sentimental si Arthur kaysa kay Zeus. Kaibig-ibig ang isang tulad ni Arthur, nakapagtataka na hindi niya iyon nararamdaman para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD