Kabanata 17

1120 Words

DUMISTANSIYA si Raquel kay Drake pagkatapos ng gabing pinagsaluhan nilang halik. Hindi na rin siya sumasabay rito kapag kumakain. “Iniiwasan mo ba ako?” minsa'y tanong sa kanya ni Drake. Imbes na sagutin ang tanong ng lalaki ay tinalikuran niya lang ito. Tumanggi na rin siyang sumama sa pamamasyal sa lalaki. Pati na sa pangangabayo. Naging mailap siya rito. Dapat sana ay naging ganito siya noon pa mang una silang magkita. Naging ugali na niyang manatili sa gubat kapag walang ginagawa. Ayaw niyang manatili sa asyenda. Ayaw niyang laging nakikita si Drake. Pero hindi rin naman siya nakatiis. Tulad ngayon. Nakatalungko siya sa bintana ng kuwartong kanyang tinutuluyan at mula roon ay tanaw ang flower and vegetable plantation. Inaasahan niyang makikita niya ang lalaki pero bigo siya. Nasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD