Kabanata 14

1018 Words

NAKASUOT si Raquel ng jeans at sweater. Mabuti na lang at dala-dala niya ang kanyang paboritong sneakers, ‘yon ang isinuot niya. Nakasuot ng denim at checkered long sleeved polo shirt si Drake nang magkita sila sa hardin at akay nito ang isang malaking kabayong kulay itim. “Si Hagibis,” sabi ng lalaki na hinimas ang likod ng kabayo. “Mabait ito at marunong sumunod.” Binuhat siya ni Drake at isinakay sa likod ng kabayo. Sumampa na rin ito at pumuwesto sa likuran niya. Nagtungo sila sa gilid ng pinakamalapit na bundok at pumasok ang kabayo sa isang gubat. “W-wala bang wild animals dito?” nababahalang tanong ni Raquel. “May mangilan-ngilan na baboy-ramo, nagtatago ang mga ito kapag may nangangabayo rito. But there are many wild birds and wildflowers here.” Parang paraiso ang lugar na i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD