One

1055 Words
Chapter 1 NANGINGIBABAW ANG kanta ni Elvis Presley sa loob ng bahay nila Jasmine. Napapailing na lang siya habang pinagpapatuloy ang pananahi ng mga order na damit sa kanya online. Isa siyang profesional na mananahi, as she think to herself she is a professional. Sa loob ba naman ng mahigit sampong taon na pagtatahi niya hindi pa ba siya magiging professional. Hindi lang siya nakatapos ng collage, pero kung ihahanay siya sa mga magagaling na mananahi sa Pilipinas nakakaangat naman siya. May sarili na nga siyang tahian, lima ang tauhan niya na nagtatahi kasama niya. Pero nasa stall sa bayan ang mga iyon samantalang siya naman ay nasa bahay lang. Nagpupunta lang siya doon sa tuwing kailangan na mag-restock ng mga tela o sinulid, may mga bago siyang design at may tanggap silang bagong mga order. "Anak, tumayo ka d'yan dali! makisayaw ka na sa amin." Muli na naman siyang napailing, hindi na niya kailangan na tignan ang mga ito. Ang Mama niya, at ang tatlo niyang Tiyahin niya. Sigurado siyang nagsu-zumba lang ang mga ito, libangan na kasi ng mga ito. Extended family sila, magkakasama silang lahat sa iisang bahay. Siya ang Mama niya at tatlo pa niyang Tiyahin. Puro sila mga babae, wala man lang kasing naligaw na lalaking pwedeng makasama nila like ng Tatay na lang niya. Maaga kasi siyang naulila sa Ama, nasa sinapupunan pa lang siya nang mamatay ang tatay siya. Nasagasaan daw ng bike, tumama ang ulo sa simento at namatay. Funny right? Pero iyon talaga ang ikinamatay ng Tatay niya. Hindi pa naman nakakasal ang mga magulang niya kaya ang gamit niyang apelyido ay sa Nanay niya na hindi na naisipan pang mag-asawa. While all her Aunties, si Tiya Salud niy ay hiwalay sa asawa tatlong buwan mula nang ikasal ang mga ito. Ang Tiya Cresencia naman niya ay namatay ang mapapangasawa isang araw bago ang kasal, hindi na naghanap ng bago. Samantalang ang Tiya Krising naman niya na-broken hearted ata nang iwanan ng jowa para sa ibang babae. Sa pamilya nila parang sumpa ang salitang pag-ibig, wala ni isang successful sa pag-ibig. Kaya siya hindi siya naniniwala sa pag-ibig o poreber na iyan. Mga kalokohan lang ang mga napapanood sa TV at mga nababasa sa mga romance book. Kaya nga hindi siya nanonood kapag drama na may halong romance at mas lalong hindi siya nagbabasa ng mga romance books. Mga tipo niya ang thriller, suspense at mga action. Para sa kanya sakit lang ng ulo ang mga lalaki, kaya nga sa edad niyang thirty-one wala siyang kabalak-balak na mag-asawa man lang. Pero may crush naman siya, si Dylan. Ang heartthrob ng bayan, tinitilian ng mga kababaihan in all ages. At hindi siya exempted doon, kapag nakikita niya ang lalaki minsan kinikilig siya. But don't get her wrong, hanggang crush lang siya, wala pa rin naman siyang balak na maging jowa si Dylan. Although nagpapapansin siya minsan sa binata. "Ang KJ naman ng pamangkin kong maganda, halika na anak join us!" yakag ng Tiya Salud niya. Huminto siya sandali sa pananahi para tignan ang mga ito, napangiwi siya habang nakikita ang mga ito. "Ano po ba ang pupuntahan ninyo at naka-multi-color ang mga outfit ninyong ang sakit sa mata." Pinaghalong orange, mint green, yellow, sky blue ang suot ng mga nagmumurang kamyas. At ang mga face parang mga inginudngod sa krayola sa kapal ng mga make-up. Nagmumurang kamyas talaga ang mga ito. "Magsu-zumba lang anak! Dito lang naman sa bahay," ang Mama na niya ang sumagot. Napangiwi na lang siya habang nakatitig sa mga ito na parang kiti-kiti na sa pagsayaw. "Madami pa po akong gagawin," tanggi niya. Para siyang kinilibutan habang pinapanood ang mga ito, napaisip tuloy siya. Kung ganito rin kaya siya 'pagtanda niya? Mas lalo siyang kinilabutan, ilang beses siyang napailing bago nag-concentrate na lang sa ginagawang damit. ................................ ''BAKIT HANGGANG ngayon wala ka pa ring jowa?" Tanong sa kanya ni Tanya. Kaklase niya si Tanya noong High School siya, nag-usap-usap kasi silang magkaka-klase na magkita-kita ngayon araw para sa mini reunion ng class navermind the year. Lima nga lang silang nagpunta dahil ang iba nasa ibang bansa o bayan na naninirahan. Iyong iba naman mga busy at big time na kaya ang hirap nang ma-reach. "Alam naman ninyong wala na akong kabalak-balak sa mga jowa-jowa na iyan since the world began. Kaya please lang huwag ninyo akong tanungin bakit wala akong jowa." Para naman siyang hindi napansin ng mga kasama niya, bakit ba naman kasi naisipan niya rin na pumunta. Hindi naman mini reunion ang pinunta ng mga ito, mini day care yata. Dala ba naman ng mga ito ang mga anak-anak ng mga ito, ayan tuloy kanya-kanya sila ng pag-aalaga ng mga anak nila. Malalim siyang napabuntong hininga bago uminom ng milktea na in order niya. Napatigil siya sa pagsipsip sa straw nang makitang nakatingin sa kanya ang baby ni Francesca. Napangiti siya nang ngumiti sa kanya ang bata. Ano kaya ang pakiramdam nang may anak? Napatingin siya sa mga kaklase niya na busy sa mga anak na kita na masaya naman ang mga ito. Tapos napatingin siya sa mukha ng anak ni Francesca na nakatingin pa rin sa kanya. Bigla pumasok sa isipan niya na paano kung mag-anak na lang siya. Para naman sa pagtanda niya may makakasama siya, at hindi siya tatanda na lang na mag-isa. Tulad ng Mama niya, hindi man nag-asawa at least kasama siya nito at alam niya sa sarili niya aalagaan niya ang Mama niya hanggang sa pagtanda nito. Habang papauwi, may nabuo siyang plano na alam niyang hindi sasang-ayunan ng Mama niya. Ang gusto kasi nito ay mag-asawa siya at magkapamilya, na alam niyang malabo nang mangyari. Plano niyang magbuntis na lang, na hindi na ikinakasal. Anak lang ang habol niya, iyon lang at wala nang iba pa. At mangyayari iyon kapag nakipag-one night stand siya. Ang problema hindi niya alam kung paano gawin ang bagay na iyon. Dahil sa totoo lang isa rin naman siyang dakilang VIRGIN!. Kailangan niya na maplanong mabuti ang lahat, dahil wala siyang balak na umulit. Isang beses lang niya itong gagawin at dapat mabuntis siya. One time big time. ...........................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD