Chapter 3
DALA ANG lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili, sinadya niya si Dylan sa kung saang lupalop ng ka-Maynilaan ito naroon ngayon araw.
Ngayon niya gagawin ang planong one night stand sa lalaki. Sana palarin siya, kumunsulta pa siya sa doctor para malaman kung kailan mataas ang chance na magbuntis siya at ito ang araw na iyon.
"Nand'yan po ba si Dylan?" Tanong niya sa guard.
Nasa tapat siya ng bahay nila Dylan, actually nagka-chat na sila ni Dylan.
Pumapanig sa side niya ang lahat ng Santo kung mga Santo nga ba talaga ang pumapanig sa kanya o kampon si Satanas. Isang araw kasi nag-message sa kanya si Dylan sa f*******: niya. Nagtatanong nang tungkol sa mga damit na tinatahi niya.
Alam niya business ang dahilan kung bakit siya kinausap nito pero hindi niya maiwasan na mag-isip ng iba. Lalo pa at may balak siyang iba sa lalaki bukod sa business na gusto naman nito sa kanya.
Kaya ang totoo niyan, may usapan talaga sila ni Dylan na magkikita ngayon araw. Kaya hindi niya talaga kailangan na halughuhin ang buong ka-Maynilaan makita lang ang lalaki.
"Sino ba sila?" Mataray ang matabang guard na nasa harapan niya.
Pinagtaasan niya ito ng kilay, "Jasmine po ang pangalan ko. May usapan kami ni Dylan na magkikita kami ngayong araw, pinapunta niya ako dito."
Tinignan lang siya nito mula ulo hanggang para bago ito nag-radio sa loob ng bahay. Bukod naman kasi sa pagiging hearthrob ni Dylan, mayaman din ang pamilya nito. Isa sa pinakamayaman na pamilya sa baranggay nila sa tingin niya o baka hindi nga lang sa barangay nila. Baka sa buong city na rin, basta mayaman ang pamilya nila Dylan.
"Pasok ka!" Malakas ang boses na sabi ng matabang guard.
Nakairap niya itong nilagpasan, kung siya sana ang papipiliin hindi na sana sa bahay nila Dylan sila nagkita. Hindi niya sana nakaharap ang matabang guard na masungit na rin, hindi sana masisira ang araw niya.
"Jasmine right?" Sinalubong siya ni Dylan.
Hindi na naman maalis ang ngiti niya sa mga labi, parang naghuhugis puso ang mukha ni Dylan habang tinitignan niya ito.
Uulitin niya, hindi siya naniniwala sa love. Ang sa kanya lang ay crush, paghanga at hanggang doon lang iyon.
"Yes, Jasmine Baustista." Pagpapakilala niya dito.
Isa itong patunay na hindi siya pansin ng lalaki. Dahil naging magkaklase sila noong elementary, kaya nga nakilala niya ito at naging crush. Pero kahit na ganon, hindi nga nito kilala ang isang katulad niyang below average lang.
"Sitdown," itinuro nito ang single sofa sa tabi niya.
Kinakabahan na siya, parang ngayon nagsi-sink in sa utak niya ang mga plano niya. Na kinakabahan siya na baka hindi niya magawa nang maayos o worst hindi niya talaga magawa.
"Regarding sa mga designs mo, may iba ka pa bang mga designs? para sana kasi sa uniform ng mga tauhan namin ang kukunin ko sa 'yo," simula nito.
Paano ba siya sasagot, para na siyang na-star struck habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Napahiya lang siya at na-realize niya na nakatitig na lang siya sa lalaki ng tumawa ito at pumitik sa harapan niya.
"Sorry, masyado ka kasi nakaka-distract ang gwapo mo naman kasi masyado."
Napatakip siya sa sariling bibig nang sabihin niya iyon, although kasama sa plano ang mga sinabi niya. Mukha namang kinagat ni Dylan ang pagpapapansin niya tumatawa kasi ito.
Pinag-usapan na nila ang tungkol sa totoong ipinunta niya sa bahay nito. Nag-sketch siya para sa mga damit na tatahiin niya para sa mga tauhan nito.
Nalula pa nga siya sa dami nang order nitong mga damit. Isang libong pares para sa lalaki at isang libong pares din para sa mga babae. Habang nag-uusap sila nawala sa isip niya ang isa pang pakay niya sa lalaki. Napunta na kasi sa pagku-kwenta ang utak niya sa kung magkano ang kikitain niya sa dami ng damit na gagawin nila. Maging ang ilang araw nilang gagawin ang mga damit na iyon.
Kailangan niya ng dagdag na tao at makina para mapabilis ang pagtatahi niya.
"Ang sakin lang, pwede bang ikaw na ang mag-deliver ng mga damit sa mga tauhan ko. With in the city lang naman ang iba, magdadagdag na lang ako ng bayad. Hassle kasi sa part namin kung sila pa ang isa-isang pupunta sa shop mo para kunin ang mga uniform nila. And maybe pwede mo rin bang dalhin muna dito ang lahat ng mga matatapos mo. Kami naman ang mag-pack ng mga damit para sa kanya-kanyang pangalan ng mga tauhan ko. Ikaw lang ang magdadala sa kanila."
Kahit sa tingin niya matrabaho ang gusto nitong mangyari, oo ang naging sagot niya.
Marami pa silang napag-usapan ng binata tulad ng sizes, kailan ang dead line at kung paano ang p*****t. Nabigla na lang siya na halos fully paid na ang ibibigay sa kanyang paunang bayad.
"Bibigyan na lang kita ng bonus kapag natapos na lahat ng trabaho." Sabi pa nang lalaki.
Para siyang tumama sa loto habang papalabas na siya ng bahay ni Dylan. Panay ang compute niya sa utak ng mga gastos at kita niya sa trabahong ito.
Nakasakay na siya nang taxi papunta ng shop niya nang maalala ang isa pa sanang pakay niya kay Dylan.
Naiinis na napakamot na lang siya saulo habang iniisip na nasayang ang araw niya na fertile siya. Kung bakit ba naman kasi hindi niya naalala na ayain ang lalaki para sana makipag-inuman sa kanya at mamaya nga pababagsakin niya na ang Bataan sana.
"Kapag usaping pera kasi nawawala na ang ibang parte ng utak mo Jasmine, nagiging pera na lang ang takbo ng dugo papunta sa utak mo. Sayang ang isang buwan!" Sermon niya sa sarili niya.
Binulong lang niya baka kasi isipin ng taxi driver nababaliw na siya at kinakausap niya ang sarili niya.
Maghihintay na naman siya ng isang buwan para sa plano niyang pag-aaya kaya Dylan. Siguro nga binigyan din siya ng time para magkapag-prepare, emotionally, mentally at financially.
Mag-focus na muna siya sa trabaho, marami-rami rin ang dalawang libong pares na damit na order ni Dylan. Baka sakali kapag natapos na niya itong tahiin pwede na ang plano niya sa binata.
"Maghintay ka lang Dylan, matitikman mo ang alindog ko," muli na naman niya bulong sa sarili.
Medyo napalakas yata ang kasi nilingon siya ng driver, at nakakainsulto ang pagkakatingin nito sa kanya. Parang sinasabi ng tingin nito "saan ang alindog d'yan?" look.
Binalewala na lang niya at inisip na naman ang kikitain sa trabahong kanyang sisimulan ngayon araw.