CHAPTER 2 - Evan Lee & His Past

1640 Words
EVAN LEE Kanina pa ako nakatitig at nakangiti sa picture ng babaeng na nasa gallery ng phone ko. Makailang beses ko na 'yun natignan pero I kept on staring on that particular picture of her. Ewan ko ba. Marami naman siyang picture sa akin na naka-save sa phone ko. May mga picture na solo siya with different poses. Meron din na kasama niya ako. Kahit ilang beses akong mag-scroll still I keep on coming back. Ang ganda-ganda niya sa picture na 'to. Buhay na buhay. May kakaiba talaga sa picture nito na hindi ko mai-explain. Yung tipong hindi siya nakakasawang titigan. Yung mapapatulala ka na lang dahil sa ganda niya. Makikita din sa picture na ang saya-saya niya. Careless and free. Enjoying every moment of her life. Ang mukha niya na may hawig sa artistang si Jessy Mendiola. Ang ngiti niyang parang nakangiti din sa akin. Ang mga mata nito na parang nangungusap and the way she look para siyang nakikipagtitigan sa akin at tutunawin ako. And the thought that I love her. The whole her. Siya si Catherine Sevilla. My one and only girlfriend. That's her real name. "Cathy" for short. Yan ang tawag ng mga kaibigan at nakaka-kilala sa kanya. Pero I called her "Love" as our endearment sa isat-isa. Kuha ang larawang iyon two years ago ng akyatin namin ang Mount Salvacion o mas kilala sa tawag na UFO Mountain at Aliens Nest. Out of curiousity ay doon namin napiling umakyat to celebrate para medyo may thrill. Bali-balita kasi na may mga UFO at Alien sightings daw ang nagaganap doon. Kaya ay naging interesado kami. Isa pa ay gusto din namin makakita nun kung totoo ba ang mga kwento. If they really exist. Pareho kasi kaming adventurous at mahilig sa mountain climbing. Kung saan-saang din kami nakakarating. Kung ano-anong extreme activities ang sinusubukan namin together. And that is one thing I love her the most. Game ito sa lahat. Hindi ito mabilis na umaayaw at nag-gi-give up. Lalong hindi ito takot na sumubok ng mga delikado. Kahit medyo scary at risky ay handa ito masubukan lang. I found my special buddy in her. At masaya akong gawin ang mga bagay na iyon kasama siya. Tuwing anniversary namin ay umaakyat kami ng bundok to celebrate together. Panata na namin iyon. Sa tatlong taon naming relasyon ay hindi pa kami pumalya. At dahil doon ay mas lalong naging solid ang foundation ng relasyon namin. But everything turns into disaster. And I keep on blaming myself dahil dun. Naiiyak na lang ako tuwing naaalala iyon. TWO YEARS AGO "Love, bilisan mo na. Malapit na tayo," tawag ko sa girlfriend kong si Cathy. Konting-konti na lang kasi ay nasa summit na kami. Past four o'clock na ng hapon at maganda ang panahon. Gusto ko kasing maabutan ang sunset mula sa doon. "Wait lang, Love. Medyo masakit na ang paa ko," sagot nito sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at muli akong lumingon sa kanya. Nakita kong nakahinto ito sa gilid ng daan. Napaupo sa isang malaking bato. Halatang pagod at habol ang hininga. Medyo malayo na ang distansya ko sa kanya. "Okay ka lang, Love?" sigaw ko. "Kailangan ko lang huminto saglit. Sige na, mauna ka na. Susunod na lang ako," aniya, at nakita kong tinatanggal nito mula sa pagkakatali ang sintas ng sapatos nito. Napilitan akong bumalik sa kinaroroonan niya. "San masakit sa'yo?" tanong ko at inagaw ko ang ginagawa nitong pagluwag sa buhol ng sintas. Nang magawa ko iyon ay tuluyan kong tinanggal ang sapatos nito. Tumambad sa akin ang napakalaking paltos nito sa may hinliliit. Yun pala ang dahilan kaya tumigil ito sa paglalakad. Natanggal na kasi ang balat niyon kaya medyo mahapdi. Bigla akong nag-alala dito. "May band-aid ka ba diyan?" baling ko sa kanya. "Meron dito sa bag ko," sagot niya. Agad kong binitawan ang paa nito at tinanggal sa likod nito ang backpack. "Asan dito?" tanong ko habang hinahalughog ang loob ng bag nito. "Andiyan sa loob ng kit." Ilang saglit pa ay nakita ko na ang hinahanap ko. Muli kong kinuha ang paa nito at inangat. Hinipan-hipan ko pa iyon para mawala ang hapdi saka maingat na nilagay ang band-aid. "Feeling better?" tanong ko kay Cathy. Tumango ito bilang sagot at ngumiti ng napakatamis. "Thanks, Love." "Anything for you, Love," sagot ko sa kanya. Tuluyan na akong tumayo at inayos ang bag nito. Muling sinuot ni Cathy ang sapatos niya. "Kaya mo bang mag-lakad?" baling ko sa kanya. "Oo, naman. Okay na ako. Ang galing kaya ng nurse ko." Sabay ngiti sa akin at humalik sa pisngi ko. "Correction, engineer po ako," pagtatama ko. "I know what I mean is pwede ka na ring nurse," paliwanag nito. "Basic," kako at tumawa. "Yabang nito." "Wala ka bang bilib sa boyfriend mo?" tanong ko sa kanya. "Syempre, meron." "Yun naman pala eh." Yumakap ito sa leeg ko. "Kaya nga love na love kita eh." Humalik ulit ito sa pisngi ko. "Bola." "Totoo nga." "Oo na, sige na baka kung san pa 'to mapunta eh." "Eh, totoo naman ah. Hindi ka ba naniniwala?" Hinarap ko siya. "Love, I know and I believe you. Okay?" saka ako naman ang umakap sa kanya. "Let's go!" aya ko sa kanya. "Gusto ko maabutan ang sunset." "Okay," sang-ayon niya. "Mauna ka na maglakad. Ako na ang magdadala ng bag mo. Be careful, Love." Nagpatiuna na ito habang nakasunod ako sa likod niya. Hindi ko na alintana ang bigat ng bitbit ko. Seeing her happy and okay ay okay na din ako. Lahat ay kakayanin ko para sa girlfriend ko. Cathy is half of my life now. And I want to spend the rest of my life with her. More mountain to climb for us. Excited na ako sa naghihintay na tanawin sa taas. Halos nagtatakbo si Cathy ng makita ang napakagandang tanawing iyon. Narating na namin ang peak niyon. Napatigil ako sa sobrang ganda. "Careful, Love!" sigaw ko sa kanya. "Love, bilisan mo ang ganda." Agad kong inilapag ang mga bag na bitbit ko sa tabi saka ko siya sinundan. Nakakasilaw ang sinag ng papalubog na araw. Napa-wow ako ng makalapit sa kinaroroonan ni Cathy. Tanaw na tanaw ang iba pang bundok na nakapalibot mula sa pwesto namin. Plus the golden sunset that makes it more special. Instantgram worthy. "Love, let's have pic," sabi ko kay Cathy. "Sure, Love. Let's capture this amazing moment." Inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa saka in-open ang camera. Inakbayan ko si Cathy saka inangat ang phone para kunan kami ng picture together. Kuntodo ngiti kami. Perfect ng background at lalong nag-compliment iyon. Buti na lang at hindi na mainit. We're being sunkissed by the sunset rays. Ilang shots pa ang ginawa namin with different poses. "Solo naman, Love. Kunan kita." suggestion ko. "Sige, Love. Pagkatapos ko ikaw naman." At muli ay pumwesto ito ng solo. Napapatulala na lang ako habang kinukuhanan ko siya ng picture. Kahit anong pose nito or expression ng mukha nito lutang na lutang pa rin ang ganda nito. Aminado talaga ako na isa sa mga reasons kaya ko siya nagustuhan ay dahil sa angking ganda nito. Dagdagan pang maputi din ito at well-maintained ang body figure nito. Health conscious din kasi ito tulad ko. Kahit sabihin pa na may hawig siya kay Jessy Mendiola but for me mas maganda pa siya roon. And I'm so proud of her. Napaka-sweet at napaka-down to earth. Wala na akong mahahanap na tulad niya. From the first time that I saw her from the crowd sa isang concert sa UP. Nakuha na niya atensyon ko. Kahit sobrang dami ng tao nun still nag-stand out pa din ito. Kaya ayun hindi ko na siya nilubayan ng tingin at lalong hindi ko na siya pinakawalan pa. Kinapalan ko na ang mukha ko na lumapit at nakipagkilala sa kanya kahit pa nga na may mga kasama siya. Kahit hindi ako sure na baka kasama nito at isa doon ang jowa niya but luckily she's single. Buti na lang baka nasapak ako ng wala sa oras dahil sa kapangahasan ko. Naging epic pa nga ang naging introduction ko kasi medyo nautal pa ako dahil sa kaba buti nalang at malakas ang music kaya hindi nahalata. After that I get to know her. Tinukso pa kami ng mga kaibigan nito na sobrang pabor sa akin. After ng concert I ask for her number kung okay lang and binigay naman niya. I also search and send friend request sa f******k account niya. Hanggang sa fi-nollow ko din siya sa **. Stalker lang ang peg ko di ba? Only to find out na were both have the same interest. Pareho pala kaming adventurous at mahilig sa extreme sports. Maging sa mountain climbing ay ganun din. Dahil dun ay mabilis kaming nag-click. Naging compatible kami sa isat-isa. Palagi na sabay kaming sumasali at nagkikita sa mga events. Until I decided to persue and court her and finally she said yes. Yes, I do all the first move but it's all worth it. She's my girl now and wala akong pinagsisihan dun. And the rest was history. "Hoy, Love? Ayos ba mga kuha ko? Kanina ka pang tulala diyan," untag niya sa akin. "Huh? Ah, yes, Love!" nasagot ko. "Don't worry kahit ano mang maging itsura mo dito maganda ka pa din sa paningin ko." Tumigil ito sa pag-pose at tinignan ako ng kakaibang tingin. Tuluyan itong lumapit sa akin. "Ikaw naman ngayon ang nambobola. Akin na nga yang phone, ikaw na. Pumwesto ka na dun." "I'm just saying the truth, Love." "Whatever. Sige na, mawawala na ang araw. Alam ko you've been waited for this." Napilitan akong pumunta sa pwesto nito kanina. I did some serious poses at after nun ay puro wacky na. Tawa ng tawa si Cathy sa pinag-gagawa ko. Nakakatuwang marinig ang mga halakhak nito. Lively and natural.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD