Simple lang ang pangarap ni Sophia — magkaroon ng magandang trabaho upang makatulong sa kaniyang pamilya na nasa probinsya. Wala sa plano niya ang magkaroon ng ‘love life’.
Ngunit tila ba iba ang plano ng tadhana para sa kaniya. Nagising na lamang sa siya sa isang kama— katabi ang isang napaka-guwapong lalaki na hindi niya kilala. Dala na rin ng kaba sa nangyari, dali-dali niyang nilisan ang lugar, na walang ibang iniisip kundi ang sana’y huwag nang mag-krus ang kanilang landas.
At tila ba hindi pa nakontento ang tadhana sa laro nito. Ganoon na lamang ang gulat ni Sophia nang muli niyang nakaharap ang lalaking nakaniig. At hindi lang ito kung sino-sino, ito pala ang kanilang CEO!