Chapter 4 My Job

2180 Words
Jazlyn * * Iha! Gusto ko ikaw ang humanap sa anak ko. Naku nakidnap ang dalaga ko. May pasok ka ba ngayon? " tanong ni ma'am che-che sa kabilang linya " Pwede po mamaya pagkalabas ko ng school?" magalang na sagot ko Ah Sige! Paglabas mo sa school bibigay ko sayo ang location," sagot ni ma'am " Pwede ko ba silang patayin?". i asked Oo patayin mo huwag kang maaawa sakanila." mahinahon utos ni ma'am che-che sakabilang linya. Napabuntong hininga nalang ako naalala ko ang utos ni ma'am che-che kanina umaga, Tapos na klasi ko nandito ako sa school hinihintay tawag ni ma'am. " Bakit kaya hindi pumasok si Hayden? nakakahiya naman kung tatanungin ko si ma'am che-che. " Napatigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang phone ko. " Iha nand'yan na ang address ng pinagdalhan sa anak ko pinapatubos ng sampong million. May Ducati bike sa labas ng campus regalo ko yan sayo." mahinahon wika ni ma'am che-che sa kabilang linya " Yes! Bigay mo saakin ang bigbike?" excited na tanong ko " Huwag mong ibibinta babatukan na talaga kita. Magtransfer ako ng pera sa bank account mo huwag mong tatanggihan." Kunway galit na wika ni ma'am che-che " Kaya love na love kita boss! " sagot ko pinatayan na ako ng phone Masaya akong tumakbo palabas ng campus. May nakasandal na lalaki sa Ducati bike nagmamadali akong lumapit inabot saakin ang bagpack at susi. walang imik na naglakad palayo.. " DUCATI STEERFIGHTER v4 SP. Sh*t Ang pagkakaalam ko 2.6 M ang presyo nito " manghang wika ko sumampa ako inayos ko ang bagpack medyo mabigat alam kona ang laman ng bagpack. Sinuot ko ang helmet binasa ko muna ang pinadalang address ni ma'am che-che. Bago ko pinaharorot paalis sa campus Yohoo.... Astig..." sigaw ko ang Ganda ng tunog, Ang sarap edrive ng bike nato. Hinding-hindi kona ito ibibinta." masaya sigaw ko habang nagmamaneho Siguro nagtataka kayo kung bakit kilala ko si Cherry Alcalan. Ang mga magulang ko ay isa sa nakaligtas sa assassination na kagagawan ni Rowan Chinxie. kwento saakin nila tatay matagal nilang hinanap ang anak ng Boss ng Alcalan Clan naging palaboy pala at kalaunan napangasawa ng isang mafia lord na si Harris Holland. Ng bumaba sa pwesto si ma'am che-che naiwan ang pamamahala ng Alcalan Clan kay Yohan Chua First cousin ni ma'am cherry, magkapatid ang nanay ni ma'am che-che at tatay ni Yohan . Nangako sila Nanay na habang buhay na katapatan kay ma'am che-che. Si ma'am che-che din ang isa sa mga naging guro ko sa pakikipag laban. Nag iisa ang pamilya namen na nanatili sa tabi ni ma'am cherry. Ako ang tumanggap sa pagiging assassin. Ako kasi ang mahilig sa baril at malakas ang loob. Lahat kaming magkakapatid marunong makipag laban ako lang ang nagtratrabaho kay ma'am che-che, Tinatawagan lang ako o kaya pinapadala lang sa email ko ang magiging trabaho ko..Yon ang dahilan kaya hindi ako kilala ni Hayden. Secret assassin ako, it's my job to kill all my boss' enemies. I may be just an ordinary person but I was a demon when I started my job. My identity is secret. No one knows I'm a murderer." Tatlong oras ang inabot narating ko ang address na binigay saakin ni ma'am che-che. Naghanap ako ng masukal na damohan nag aagaw palang ang liwanag at dilim. Binuksan ko ang dala akong bagpack inayos ko muna ang school bag ko bago ako naglagay ng baril sa magkabilang bewang magazine naman sa magkabilang hita knife sa binti. Sinuot kodin ang night glasses.. Naglakad ako palapit sa bahay na pinagdalhan kay Heyley, matataas na kakahuyan ang nakikita ko sa paligid nasa gitna ng kakahuyan ang bahay na pinagdalhan kay Heyley. " Ano kaya ang drama ng isang yon? Marunong naman siya makipag laban bakit kailangan ko pa siyang iligtas?" naiinis na kausap ko sa sarili ko " Sa pagkakaalam ko si Magaling makipag laban ang kambal. Pero hindi ko alam kung bakit nakagawian nilang ako pa talaga ang magliligtas sa kanila. " Hoy! Bunsot na pangit Huwag kang lalapit saakin. Eww hindi kaba naliligo? Gosh Pogi paalisin mo yang mga pangit nayan." Narinig kong wika ni Heyley Natawa ako kahit kilan talaga mapaarte ni Heyley. Laging nakikidnap hindi ko nga alam kung bakit lagi siyang nagpapakidnap. Habang papalapit ako kinakasa kona ang baril sa magkabilang kamay ko. Akmang papasok na ako ng makarinig ako ng kalabugan at sunod-sunod na putokan sa loob. " Eww yuck! Kadiri! eww bad smell." Maarti na sigaw ni Heyley napapailing na pumasok ako sa pinto nakita kong nakikipag suntukan si Heyley na lalaki sa tingin ko 4ft lang ang taas. Mabilis akong kumilos tumakbo ako habang nagpapaputok ng baril sa mga kidnappers nakipag palitan ako ng bala sa kalaban habang tumatawa " Tangina kanina kapang bansot ka amoy putok ka na nga gusto mo pa akong hawakan. Papatayin kita at susunogin ko yang walang kwentang katawan mo." Nanggagalaiti sa galit na wika ni Heyley Napasinhap ako ng muntikan na akong matamaan ng bala. Inis kung inasinta ang noo ng matangkad na lalaki mabilis siyang umilag pero hindi siya nakaligtas sa bala ko. Dating Pinuno ng Alcalan ang naging guro ko natural lang na mabilis din ako. Naupo ako sa kahoy na upuan kaunti lang naman ang bilang ng kidnapers hindi aabot ng sampo. " Jaz pahiram ng knife mo gigilitan ko ng leeg ang bansot nato." Galit na utos ni Heyley binunot ko ang knife sa binti ko walang pag-aalinlangan na binato ko sa dalaga. Napailing nalang ako walang kahirap-hirap niyang nasalo ang hawakan ng knife. Walang awang ginilitan niya ng leeg ang kawawang lalaki. " Ano ang sabi mo kanina ako ang pang sampong babae na magagahasa mo. Tangina kung Ikaw ang manggagahasa saakin papakamatay nalang ako " Galit na wika ni Heyley, Tumayo siya naglakad patungo sa kusina ng bahay ilang sandali lang nakaamoy ako ng gas tumayo na ako sigurado sasabog ang bahay nato. " Let's go Jaz." Walang emosyong aya ni Heyley Naglakad ako palabas ng bahay umakbay si Heyley saakin. " Huhu wala siguro sa kidnapers ang lalaki papaibig saakin." Kunway iyak niya habang naglalakad kami palabas ng kakahuyan gamit ang maliit na flashlight na nagtatanglaw sa madilim na gabi. " Ang ganda mo wala kabang manliligaw?" nagtataka na tanong ko " Mayayaman ang manliligaw ko mayayabang din. Gusto ko mahirap na lalaki yong batak ang katawan sa pagtrabaho sa bukid. Pero mabango at yummy. Hindi naman kailangan na mapera may business ako may bahay narin ako Asawa nalang ang kulang." Sagot niya Maganda si Heyley 5'5 ang taas para siyang human barbie. Maarti nga lang " Sabi ni Harley gusto mo daw dukutin SI Hayden para pabuntis?" walang prenong tanong ni Heyley nanlaki ang mga mata ko. " Ayeeeh ang secret angel ko inlove sa kapatid ko. Wala akong alam sa plano mo kunwari wala akong alam nakakatakot magalit ang isang yon. Mag-ingat ka sa kapatid ko sigurado pa pahihirapan ka niya pagnakalaya siya sayo. Alalahanin mo mafia boss ang isang yon. " Heyley said " Huling hiling ni tatay ang masilayan ang unang Apo, Baog ang mga kapatid ko ako lang ang may kakayahan magkaroon ng anak. Mahal ko si tatay pasensya na. Pero hindi ba nyo ba ako pipigilan?" i said " Nope! Sabi ni mommy isa saamin dapat ang magpakasal sa anak ni Hugo Guerra upang maging isa ang pamilya natin. Kung ikaw ang mapapangasawa ng kapatid ko magiging masaya ako dahil kaya mong protiktahan ang kapatid ko. " seryosong sagot ni Heyley, Napangiti ako sa kanyang naging sagot " Salamat pero papaanak lang naman ako, Alam kong papahirapan niya ako baka nga patayin niya ako, Sa gagawin ko pang iinsulto yon sakanya bilang mafia boss. " tugon ko " Magtatago ka ng mabuti pagtapos mo syang dukutin. Papatayin ka niya sigurado ako doon" sagot ni Heyley napangiwi ako inaasahan ko na ang bagay nayon " Hindi ka naman siguro niya papatayin?" alanganing tanong ko " Hahaha! Nakahanda na ang malita namen nila mommy ipapadala ko na nga ang ibang bansa ang gamit namen. Pagnagagalit kasi si Hayden walang sinasanto kahit kami pinapaulanan ng bala. Nagkaraan lang umulan ng nala sa mansion pano kasi si daddy sinira ang toys collection ni Hayden ayon sumabog sa galit." natatawang paliwanag ni Heyley mas lalo akong kinabahan sa narinig ko. Buong byahe tahimik ako panay ang daldal ni Heyley pero ang layo ng iniisip ko. Nagdadalawang isip ako kung dudukutin ko pa ba si Hayden, Saan ako magtatago pag pinalaya ko sya? Ngayon palang dapat Ipunin kona ang lahat ng sahod ko sa pagiging assassin itatago ko sila Nanay. Kailangan nasa ligtas kaming lugar sa ganon paraan hindi kami mahahanap ni Hayden. Hindi ko alam na wala palang nakakapigil pagnagalit ang isang yon. " Hanggang dito nalang ako hindi ako pweding pumasok sa loob." wika ko " After graduation balak ni Hayden na magtravel pagkakataon mo na para sa plano mo after graduation Aalis din kami ng bansa." Pabulong na wika ni Heyley pagkababa ng motor " Seryoso kaba talagang papatayin niya ako?" nababahalang tanong ko " Yup! Wala pang nakakapigil sa galit ng isang yon, kahit sila mommy paggalit si Hayden lumalayas." natatawang paliwanag ni Heyley Tumango nalang ako kumaway si Heyley bago tuloyan pumasok sa gate ng private subdivision na pag-aari nila. Muli akong nagmaniho habang nagmamaneho ako pauwi nababahala ako sa maaaring mangyari. " Pati ba magiging anak namen papatayin niya?" nababahala na tanong ko sasarili ko Malayo pa ako natanaw kona si Nanay sa labas ng bahay may hawak na hanger napangiwi ako. Nakalimutan ko magpaalam na gagabihin ako sa pag-uwi. Kinakabahan ako habang inaayos ko ang motor ko sa gilid ng bahay namen madilim ang mukha ni Nanay " Mano po nayyyy..." sigaw ko pagkatapos ko magmano bigla akong hinampas ni Nanay ng hanger natamaan ako sa braso " Walang kang respito ilang ulit kong sinabi sayo na mag text ka o kaya tumawag Pag-gagabihin ka sa pag-uwi. Para akong tanga sa kakahintay sayo kakaisip kung anong nangyari sayo." paninirmon ni Nanay habang hinahampas ang pwet ko gamit ang hanger " Ah! Nanay may mahalaga akong ginawa." naiiyak na sagot ko " Hala pasok! Magbihis ka at kumain! kailangan ko ang paliwanag mo jazlyn." pagalit na utos ni nanay naiinis na tumakbo ako papasok ng bahay nadaanan ko si kuya James na tumatawa sa nakaupo sa sofa may hawak siyang can beer. " Tsk hindi ka makakahiram ng DUCATI STEERFIGHTER v4 SP bleh!" Inis na wika ko kay kuya James sabay labas ng dila " What?" gulat na tanong niya mabilis siyang lumabas ng bahay pumasok ako sa kwarto ko naligo ako may mga dugo pa kasi ako sa katawan. Paglabas ko ng banyo narinig ko ang usapan nila Nanay " Bunso Mahal na Mahal ka ni kuya. Pinaghain kita ng haponan." sigaw ni kuya James sa labas ng pinto ng kwarto " Magkano kaya yon?" kuya asked Sa tingin ko mga 2 M anak " narinig kong wika ni Nanay nagmamadali akong magbihis naka suot ako ng lumang pajamas at lumang t-shirt lumabas ako ng kwarto Pagbukas ko ng pinto bumungad saakin ang nakangiti na si Nanay at kuya James Kunway wala akong nakita at narinig inakbayan ako ni kuya si Nanay naman nakahawak sa braso ko. Ganito sila kalambing pagmay kailangan. Wala akong imik na kumain inasikaso ako ni Nanay at kuya James, Kanina lang galit na galit si Nanay ngayon ang sweet niya saakin " Anak pwede ko bang gamitin ang bigbike mo?" paglalambing ni Nanay saakin " Ayaw namamaga pwet ko." nakasimangot na sagot ko " James ikuha mo nga ang kapatid mo ng cold compress para sa pamamaga ng pwet nya." utos ni Nanay Hindi ko mapigilan ang matawa sa ginagawa ng dalawa. " Iiwan ko nalang yan dito sa bahay para may magamit kayo. Nanay malaki daw ang sahod ko sabi ni ma'am che-che kunin mo nalang ang card ko sa wallet ko bigyan mo nalang ako budget sa school." nakangiting wika habang inaabot ang susi ng motorbike ko " Akin to! James malilintikan ka saakin?" galit na wika ni Nanay nag-aagawan sila ng susi ng Ducati bike ko. Naiiling na tumayo ako 3 am nainaantok na ako. Magiging abala ako sa mga susunod na araw nalalapit na ang graduation. " Arayyyyy Nay matanda kana baka makasama sayo ang paggamit ng bigbike." malakas na wika ni kuya napahinto ako sa paglalakad nilingon ko si kuya at Nanay Para silang mga bata kagat ni Nanay ang kaliwang kamay ni kuya nasa kamay ni kuya ang susi. " Arayyyyy Nanay masakit na eh." Daing ni kuya Natawa nalang ako sa pinaggagawa ng mag-ina. Pumasok ako sa kwarto nila Nanay, nahiga ako sa tabi ni tatay siniksik ko ang sarili ko kay tatay. kahit na hindi na nakakakilos si Tatay mabango parin siya alagang-alaga ni nanay. Goodnight Tatay malapit na ang pagkapagtapos ko, Tutuparin ko ang kahilingan mo bibigyan kita ng Apo. Handa akong harapin ang lahat ng paghuhusga ng mga tao kapalit ng walang hanggang kaligayahan mo." Garalgal na wika ko habang nakayakap kay tatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD