Chapter 17 Sorry

2656 Words
Jazlyn * * Hinubad ko ang helmet ko sinuot ko ang night glasses ko naglakad ako palapit sa bakod ng malaking bahay. Naglagay ako ng time bomb sa paligid ng bahay maingat ang bawat pagkilos ko. " Isang oras ang inabot bago ko nalagyan ang paligid ng bahay. Tahimik akong umalis sa bahay. Nagkubli ako sa malaking puno malayo sa bahay. Tiningnan ko ang suot kong relo nagbilang ako ng ilang minuto. pagkatapos Naglakad ako pabalik sa bigbike ko sumampa ako at pinaharorot paalis, Habang papalayo ako magkakasunod na pagsabog ang umalingaw-ngaw sa katahimikan ng gabi. " Sana kasama si Mr yarrow sa pagsabog. Pero kung hindi okay lang, May next time pa naman. " Nagmaniho ako ng tatlong oras, Napamura ako maglalakad pa ako papasok sa kakahuyan para lang marating ang hideout ni Mr yarrow pambihira, Hindi nakakatuwa ang trabaho nato ah. " Naiinis na naglakad ako may liwanag naman dahil sa bilog ang buwan. May suot din ako na night glasses kaya hindi ko alintana kahit na madilim. Naramdaman ko ang vibrate ng phone ko. " Ala-Una na ng Umaga nasaan kana?" pagalit na tanong ni Hayden sa kabilang linya " Nagtratrabaho! Mamaya ka nalang tayo mag-usap." baliwalang sagot ko " Nasaan ka?" tanong niya hindi ako sumagot pinatay ko ang phone ko nagpatuloy ako sa paglalakad. Naupo muna ako sa ilalim ng puno napagod ako sa paglalakad hindi rin kasi pweding gumamit ng motor maririnig ng kalaban kailangan talaga magtiyaga maglakad. " Sssssh parang may tao." narinig kong wika ng lalaki " Ulol! Bakit hayop kaba? " Galit na bulyaw ng kasamahan ng lalaki natawa ako para silang mga baliw. Nilabas ko ang silencer gun ko, Agad na tumayo ng tuwid ang dalawang lalaki, nakikiramdam sila sa paligid, Nakatayo sila sa harapan ng bahay ginala nila ang paningin nila sa paligid. Inasinta ko ang noo ng payat na lalaki sinunod ko ang kasama niya bumagsak ang dalawang lalaki na wala nang buhay. Tumayo ako at Tahimik na nag lakad palapit sa bahay. Habang papapit ako magkakasunod na lumabas ang anim na armadong kalalakihan, Agad sila nagpaputok saakin mabilis akong umilag, Gumanti ako ng putok inasinta ko ang noo ng isang lalaki bumagsak siya ng walang nang buhay. " Boss kami na ang bahala dito, nag-iisa lang ang kalaban kaya na namin to." Wika ng isang lalaki " Mr Baldwin Yarrow." Sambit ko Gumulong ako sa damohan natigil ang putokan, Hinanap nila kung nasaan na ako inasinta ko ang lalaki malapit saakin. Natanaw ko ang tatlong lalaki na tumatakbo palabas ng kakahuyan. Kinuha ko ang dalawang bomba na nakasabit sa jacket ko tinanggal ko ang pin at magkasunod na tinapon sa bahay kinuha ko pa ang isa pang bomba tinapon ko sa mga papalapit saakin. Agad akong tumakbo pasunod sa tatlong lalaki hindi ko pinansin ang magkakasunod na pagsabog. " Natanaw ko ang tumatakbo na tatlong lalaki. Pinaputokan ko sila agad silang nagtago sa puno nilabas ang kanilang ulo hinahanap ang kalaban. Tahimik akong nagpalit ng bala, Inasinta ko ang noo ng isang lalaki Agad na bumagsak ang kawawang lalaki tumakbo naman ang dalawang. Pero nadapa ang isang lalaki dahil sa dilim sa paligid tahimik akong naglakad palapit sakanila inasinta ko ang noo ng lalaki na may hawak na baril. " Mr Baldwin Yarrow! " Nakangisi na sambit ko " Ouch!" daing ko natalisod ako agad ako umayos ng lakad nangingisay ang lalaki na kasama niya. " Magkano kailangan mo?" matapang na tanong ni Mr yarrow " Pinaputokan ko ang kaliwang tuhod ni mr yarrow napasigaw siya sa sakit. " Nakarinig ako ng kaluskos sa paligid, Agad kong binusalan ang bibig ng matanda. Umiiyak na sa sakit ng kanyang tuhod. " Tumayo ka! Huwag kang gagawa ng ingay pasasabugin ko yang bungo mo. " pagalit na utos ko paika-ika siyang tumayo hinila ko palapit sa malaking puno pina-sandal ko siya sa puno. Ginala ko ang paningin ko nasipat ko ang mga kalalakihan na maingat na naglakad ginagala nila ang paningin nila sa paligid, Subalit hindi nila kami makita pero malinaw ko silang nakikita dahil sa suot kong night glasses. " Binunot ko ang knife sa hita ko ubod ng lakas kong hinagis sa isang lalaki bumagsak siyang dilat ang mga mata. Akmang magpapaputok na ako ng may nasipat akong tumatakbo paikot sa kalaban. Nakilala ko agad kung sino ang lalaki dumating. " Nakarinig ako ng sunod-sunod na putukan, Tahimik lang akong nagmamasid, Hindi ako nag abalang tulongan ang dumating. " Lakad." mariing utos ko. " Ibibigay ko sayo lahat ng kailangan mo basta buhayin mo lang ako." pakiusap ni Mr yarrow " Huwag kang mag paawa sa dami ng kasalanan mo hindi ka nararapat mabuhay. Iligal drugs kidnapping and raped, Pagpatay sa mga inosenting tao, Pagkamkam ng lupain ng kawawang magsasaka. Hayst! mamatay tao ako pero mga katulad mo, demonyo lang ang pinapatay ko." Naiinis na wika ko habang naglalakad palabas ng kakahuyan " Love! Kasya ba ang ulo niyan dito?" hingal na tanong ni Huck " Papa..." piping sambit ng isipan ko " Ikaw na ang gumawa! Tatlong ulo nalang ang kailangan ko." nakangiting wika ko " Love! May sugat kaba?" tanong ni Huck " Naglakad ako pababa iniwan ko si Mr yarrow kay Huck " Nagugutum na ako bilisan mo. " utos ko " Ito na nga eh..." inis niyang wika nakarinig ako ng pagmamakaawa ni Mr yarrow " Kagabi lang ganito din ang ginagawa ng college students na pinugutan mo ng ulo pagkatapos mo gahasain." galit na wika ni Huck napailing nalang ako Patuloy ang paglalakad ko paibaba hanggang sa makarating ako sa bigbike ko " Naghintay ako ng ilang sandali bago dumating si Huck. Pagkalapit niya saakin kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. " Pinag-alala mo ako sa susunod hintayin mo naman ako love." nag aalalang wika niya humiwalay siya pagkakayakap saakin inayos niya ang icebox sa likod ng bigbike ko Hindi ako sumagot sumampa ako sa bigbike ko " Byebye..." nakangiting wika ko " Mag iingat ka Magluluto ako sa bahay ka mag dinner bukas." mahinahon niyang wika " Tawagan mo ako sa susunod natin na target. " Wika ko bago pinaharorot ang bigbike " Hindi ako kinikilalang anak ni Huck Subalit alam ko na mahal niya ako. Simula ng magkaisip ako hindi siya umalis sa tabi ko. Lagi siyang nand'yan tuwing kailangan ko siya. Okay lang kahit na pamangkin lang ang trato niya saakin. Marahil sinisisi pa niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng aking totoong ina. namatay sa panganganak ang aking ina Hindi alam ni Huck na may sakit pala sa puso ang aking ina. Kaya niya ako binigay sa kanyang kapatid na si Nanay Perlah dahil natakot siya baka hindi siya maging mabuting ama. " Alas kwatro na nang umaga nang makauwi ako sa mansion inaantok narin ako. " Nakakunot ang noo ko nakaupo si Hayden sa balcony ng kwarto namin nakatanaw saakin. Agad siyang tumakbo papasok sa kwarto ilang sandali lang humahangos na siyang lumapit saakin. Napakunot ang noo ko may galos siya sa pisnge " Anong nangyari sa pisnge mo?" nag alaala tanong ko Hindi siya sumagot niyakap niya ako ng mahigpit " Amoy lalaki ka." galit niyang wika " Hahaha! Si uncle lang ang naamoy mo niyakap kasi niya ako kanina." natatawang wika ko " Who's uncle?" tanong niya nanlilisik ang kanyang mga mata " Kapatid ni Nanay." tugon ko Tatlong ulo nalang ang kulang." wika ko hinaplos niya ang pisnge ko inamoy ang labi ko " Open your mouth." utos niya binuka ko ang bibig ko inamoy niya ang bibig ko. Hanggang sa marahan niyang inangkin ang labi ko " Good! paniwalaan kita ngayon pero siguradohin mong hindi mo ako niloloko." mariing niyang wika ng pakakawalan ang labi ko. " WAAAAAAHHHH....." malakas na sigaw ni Carlos " Napalingon si Hayden nagulat pa ng masilayan ang ulo ni Mr yarrow sa icebox " Tatlo nalang ang kailangan ko makakalaya na ako." Nakangisi na wika ko, Hindi sila nakaimik kahit si Hayden gulat sa nasaksihan. " Pakanta-kanta akong naglakad pagdating ko sa kwarto, Pumasok ako sa banyo nagligo ako, Pagkatapos maligo naglakad patungo sa balcony. Narinig ko kasi na sumisigaw kasi si Carlos " Sabi ko sayo diba! Sa kuta tayo ni Mr yarrow pero sa kuta ni Mr Sasaki mo ako dinala. Tarantado ka papatayin kita, Lagi kang sabaw, Paano kung napahamak ang asawa ko." galit na singhal ni Hayden habang pinanghahampas ng sinturon si Carlos panay naman ang takbo ng binata " Boss sige pa! malala na ang isang yan ng nakidnap si lady jaz kasalanan din ng gagong yan, Sabi mo bilisan ang pagdrive para maabotan asawa mo! Ayon Dinala ka sa kuta ng Chinxie clan." Narinig kong wika ni Anot Napangiti ako may pakialam pala saakin ang asawa ko, Akala ko hindi siya nag aalala saakin. Hind ko alam kung bakit ako umiiyak. Pinunasan ko ang luha saakin mga mata. Napansin ko kasing papasok na si Hayden sa mansion. Ilang sandali lang papalapit na saakin ang asawa ko. Tumayo ako sa pagkakaupo sinalobong ko siya ng yakap " Hey! Bakit ka umiiyak?" nag alaala tanong niya " Akala ko hindi mo ako mahal! Akala ko wala akong halaga sayo at hindi ka nag alaala saakin." umiiyak na tanong ko " Oh c'mon! Bakit hindi ako mag aalala sayo asawa kita. Kaya nga kumilos na ako para mapabagsak kona ang mga kalaban gusto kodin kasi ng tahimik na buhay. " Mahinahon niyang wika " Mahal kita pero hindi ako papayag na sayo lang umikot ang mundo ko, Mahal kita pero hindi kita priority. " " Inaantok na ako " malamig na wika ko nagtataka siya ng bigla akong humiwalay sa kanyang pagkakayakap naglakad ako papasok sa kwarto nahiga ako sa kama. Naalala ko ang mga sinabi niya. " Pagkahiga ng asawa ko tinalikuran ko siya niyakap ko ang unan. Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin. " Sorry sa mga nasabi ko sayo ng nakaraan. Mahal naman talaga kita may mga bagay lang na kailangan kong unahin kaysa sayo. " malambing niyang wika " Mahal kita pero hindi ako papayag na sayo lang umikot ang mundo ko, Mahal kita pero hindi kita priority. " Wika ko natigilan siya " Damn! Bakit ko ba kasi nasabi yon? Sisihin mo si Carlos may pinakita saakin na mga larawan mo na may kasama kang lalaki. magyakap kayo at magkahawak kamay kayo. Kaya ako nakapag salita ng hindi maganda. Pero pinagsisihan ko yon napagtanto ko na hindi mo ako kayang lokohin." paliwanag niya " Kapatid sya ni Nanay." tipid na tugon ko Ayaw kong sabihin na Ang kapatid ni Nanay ang syang totoo kong ama. Bakit ko sasabihin kung si Huck mismo ayaw akong iturin na anak. Mahalaga ako ng Papa ko kahit na binigay niya ako sa kapatid niya. Masaya ako dahil naranasan ko ang magkaroon ng buong pamilya. Mahal ako ng mga kapatid ko at ni nanay at tatay. " Walang kapatid si Nanay Perlah ng pinaimbistigahan ko." mahinahon niyang wika humarap ako sakanya " Hayaan mo darating ang panahon sasabihin kodin sayo ang dahilan. May pinagdadaanan lang talaga ako ngayon na hindi ko pweding sabihin sayo. Pero wala akong lalaki." mahinahon na paliwanag ko " Naniniwala ako." nakangiti na sagot niya " Thanks." tipid na sagot ko sumubsub ako sa kanyang dibdib Lumipas ang mga araw na wala naman kaming naging problema. Hindi rin ako umalis ng mansion. " Alis tayo?" nakangiting aya ko kay Carlos " Nagliwanag ang mukha ng kaibigan ko nagmamadali niya akong hinawakan sa kamay hinila niya ako palabas ng mansion " Namimiss ko na ang kalokohan ginagawa natin. Tell me ano ang gagawin natin ngayon?" excited na tanong ni Carlos " Manggugulo sa party na dinalohan ni Hayden." natatawang wika ko " But birthday party ng kilalang actor politician yon. Pero masaya to." Excited na tugon ni Carlos " Si Anot kasama niya diba?" tanong ko pumasok ako sa sports car naupo sa tabi ni Carlos " Ako ang magpapanggap na singer at Ikaw ang dancer." natatawang wika ko " Wooh... Alak lang katapat niyan. " natatawang wika ni Carlos Maganda ba ang suot ko? Bagay pa saakin? Malandi na ba ako tingnan?" sunod-sunod na tanong ko " Hahaha! mismo! Ano kaya ang gagawin ni boss saatin?" natatawang tanong ni Carlos habang nagmamaneho " Tika saan nga ba ang venue ng party?" tanong ni Carlos " Diko alam basta magdrive kalang pag-may nakita tayong party yon na yon." natatawang tugon ko Oyyyy! Puta may tusok-tusok doon." biglang wika ni Carlos nakaturo sa ihaw-ihaw " Hahaha barbeque gago! Mukhang matagal kanang walang natutusokan." natatawang tugon ko " Ang daming kalaban eh! kaliwa't kanan. Nakakainis na gusto ko nan--- " Tika nasaan na ba tayo palabas na ng manila to ah?" tanong ni Carlos " Diba pupuntahan natin ang party na pinuntahan ni Hayden." tugon ko " Road trip nalang tayo basta drive kalang." tugon ko " Ayeeeh alak..." sabay na sambit namin ni Carlos huminto ang sasakyan namin sa convenience store. " Damihan mo ang beer tapos junk foods." excited na wika ko Lumipas lang ang ilang sandali nagmamaneho na ulit si Carlos kumakanta kaming dalawa habang umiinum. " Oyyy party." Wika ko habang nakaturo sa venue ng party marami kasing tao kaya alam ko party yon may malaking bahay na may gate at puno ng tao sa loob " Makikikain tayo?" wika ni Carlos Akmang hihinto na sa harapan ng gate si Carlos ng mapansin namin na mga armadong lalaki ang nasa loob may mga hawak silang baril. " Puta nasa kuta tayo ng Sasaki clan." mura ni Carlos pinaharorot ang sports car, mabilis niyang inikot ang sasakyan pabalik. " Nagbasag ang salamin ng sasakyan dahil sa dami ng humahabol saamin na kalaban, Nagliliparan din ang bala nakayuko ako pazigzag ang pagmaneho ni Carlos " Walang akong dalang baril." wika ko " Party ang pupuntahan natin bakit nandito tayo? wala din akong dalang baril." tugon ni Carlos " Ang Chevrolet Corvette ni Hayden lagot tayo." kinakabahan wika ko hindi ko alintana ang nagliliparan na bala nag alaala ako sa sasakyan bagong bili lang kasi ni Hayden to eh. Nawala na sila." wika ni Carlos nakahinga ako ng maluwag nailigaw na namin ang kalaban nandito na kami sa manila. " Uwi na tayo." aya ko kinakabahan talaga ako dapat ibang sasakyan ang ginamit namin " Patay! 4 am na pala." magkasabay na wika namin ni Carlos wala na kaming imikan ni Carlos pareho kami ng nasa isip " Saan tayo tatakbo? tanong ko " Siguro halikan mo nalang para mawala ang init ng ulo." wika ni Carlos bukas ng gate ng mansion kaya pumasok kami nanlalamig ang kamay ko ng masilayan si Hayden may hawak na tasa nakasuot pa siya ng suit nabitawan niya ang tasa tumakbo palapit saamin, Pagkalabas namin ng sasakyan tumakbo agad si Carlos palabas ng gate ng mansion naiwan ako nakatulala " Carlos huwag mo akong iwan..." kinakabahan wika ko akmang tatakbo din ako ng hawakan ni Hayden ang braso ko mahigpit ang pagkakahawak niya kaya napangiwi ako " S- sorry babe. Pupuntahan kalang naman sana namin eh kaso napadpad kami sa kuta ng Sasaki clan." utal na paliwanag ko " Pasok..." galit na singhal ni Hayden Nakayuko ako na naglakad papasok sa bahay nakarinig ako ng ugong ng tawanan. Nagkalat ang mga tauhan ni Hayden sa labas at loob ng mansion sugatan pa ang iba " Nakipag p*****n kami tapos kayo nagpapakatanga! Tangina sakit na nga sa ulo ko si Carlos dumagdag kapa." paninirmon ni Hayden saakin habang naglalakad paakyat sa hagdan " Sorry na nga eh! Ikaw kasi ayaw mo akong isama." wika ko " talagang kasalanan ko pa?" galit na tugon ni Hayden pagpasok sa kwarto agad ako nahiga " Magbihis ka may pupuntahan tayo." galit na utos ni Hayden " I'm sleepy babe.." inaantok na tugon ko " Bilisan mo, Bumangon ka d'yan." utos ni Hayden inaantok talaga ako kaya hindi ko siya pinansin pumikit ako at natulog
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD