Chapter 12 Mystery Guy

2626 Words
Jazlyn * * " Nanay! Nandito naman kami! kumain kana " umiiyak na wika ko kay nanay Mamaya na anak hindi pa ako gutom." garalgal na sagot ni nanay " Nanay.." " Jesse Anak! si Tatay mo iniwan na tayo." umiiyak na wika ni nanay, Agad na tumayo si Nanay Sinalobong ng yakap ang panganay kong kapatid na kararating lang galing Korea, niyakap ni kuya Jesse si Nanay humagolhol ng iyak ang dalawa " Nakatulala lang si kuya James nakatitig kay Nanay at kuya Jesse. " Kuya sorry! Hindi ko natupad ang huling kahilingan ni Tatay " umiiyak na wika ko humiwalay si kuya Jesse kay Nanay. Naglakad siya palapit saakin yumuko ako nahihiya ako dahil hindi ko nabigyan ng apo si Tatay bago pumanaw. " Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni kuya Jesse " Sssssh! Sorry bunso! Kung nahirapan ka, Hinding-hindi na aalis si kuya, Huwag mong sisihin ang sarili mo." garalgal niyang wika Yumakap ako pabalik kay kuya Jesse " Naging malongkot at walang kabuhay-buhay ang mga sumunod na araw at buwan para saamin pamilya. Madalas kaming umiyak dahil sa labis na kalongkotan. " Nandito kami magkakapatid sa puntod ni Tatay umiinum kaming tatlo habang binabalikan ang masasayang alaala ni Tatay ng siya'y nabubuhay pa. " Lagi siyang hinahampas ni nanay ng walis ting-ting sa tuwing uuwi ng gabi." natatawang wika ni kuya James " Isang beses nga sa bintana siya dumaan tapos sa kwarto ko natulog. sa takot sa walis ni nanay." natatawang wika ni kuya Jesse " Sabi ni Tatay huwag tayo malolongkot. Pero hindi ko maiwasan ang malongkot at masaktan. hinahanap ko ang amoy ni tatay sa tuwing may problema ako Isang yakap lang ni tatay gumagaan ang pakiramdam ko. " malongkot na tugon ko Kinabig ako ni kuya Jesse niyakap niya ako bago nagsalita " May Nanay pa naman tayo! Kailangan natin umusad sa buhay Ilang buwan na tayong ganito. Paubos narin pera ko kailangan na natin maghanap ng trabaho. " Malambing na wika ni kuya Jesse " May Asawa kana bunso! Nakalimutan mo ata na iniwan mo ang asawa mo sa airport ilang buwan na ang nakakaraan. " paalala ni kuya James " Bigla akong umiyak ng malakas habang nagsasalita " WAAAAAAHHHH... Huhu ang virginity ko nawala! Ang masama pa nandukot ako ng mafia boss para sana magpabuntis! Kuya jesse tulongan mo naman ako ibalik natin virginity ko. Huhu may butas na ang pempem ko." umiiyak na wika ko humagalpak ng tawa ang dalawa kong kapatid " Sorry bunso kung naisahan ka namin! Ang totoo hindi kami baog ayaw lang namin mag asawa agad." natatawang tugon ni kuya Jesse humiwalay ako sa pagkakayakap ng kapatid ko binunot ko ang baril ko sa bewang ko nanlaki ang mga mata ni kuya Jesse at kuya James pagkasa ko ng baril agad nila akong sinunggaban nagpambuno kaming tatlo sa harapan ng puntod ni Tatay " Arayyyyy...." sabay-sabay na daing namin tatlo " Siraulo kayo! Dito pa talaga kayo naglaro." namumula ang pisnge ni nanay sa galit pinanghahampas kaming tatlo ng hawak niyang bulaklak. " Pagkalipas ng ilang sandali nandito na kami sa bahay para kaming basang tuta na magkakatabi nakatayo habang nakayuko. Hawak kamay kaming tatlo kagat labi kami pilit na tinitiis ang bawat hampas ni nanay ng sinturon sa pwet namin tatlo " Ikaw jazlyn! Ano ang plano mo sa buhay? Hala kayong tatlo magsilayas kayong huwag kayo babalik hanggat wala kayong trabaho." Galit na bulyaw ni nanay " May trabaho ako Nay! plano kung sundan ang asawa ko sa ibang bansa Iiwan ko lang dito ang isa kong ATM card para hindi kona kailangan umuwi dito. Kuya James, kuya Jesse huwag na kayo magtrabaho may pera pa ako pangpuhunan sa maliit na negosyo para naman malibang si Nanay." seryosong pahayag ko " Pinaupo kami ni Nanay! nakangiwi kami kumikirot ang pwet namin namaga ata sa kakapalo ni nanay. " Bunso wala kabang plano tumigil sa trabaho mo?" magkasabay na tanong ni ng mga kuya ko. " Papalitan nyo ba sya?" balik tanong ni Nanay " Sabi ko nga magbukas nalang tayo ng maliit na kainan, Masarap magluto si Nanay " tugon ni kuya Jesse Pambihira mga duwag talaga kayo! Bukas na bukas umalis kana jazlyn habang wala pang alam ang mga kalaban ng asawa mo sa pagkakilanlan mo. Lilipat kami ng bahay malapit sa Tiyo Ronald mo. Para naman malapit tayo sa kapatid ng Tatay mo." mahinahon wika ni nanay Lumipat kasi sila Lando ng bahay nakabili sila ng maliit na bahay mangungupahan lang kasi kami dito. " Kinabukasan hila-hila ko ang malita ko na naglakad ako palapit s----??????? " May pera ka naman iha! Iwan mo na kay Nanay ang Ducati bike mo. " wika ni nanay nakasampa siya sa bigbike ko " Bunso tumawag na ako ng taxi." nakangiting sigaw ni kuya Jesse napamura nalang ako sabay-sabay silang tumawa laglag ang balikat ko na lumapit ako kay nanay hinalikan ko sa magkabilang pisnge ganon din sila kuya. " Mabuti naman nakaalis na sya, Aba nadadamay tayo sa gulong pinasukan ng isang yan! Kagabi lang dinukot ako at pilit na tinatanong kung ano ang relasyon ko sa mga Holland." narinig kong wika ni Nanay " May Papa pa naman sya! Bakit kas--- Aray..." Narinig kong daing ni kuya James, Kinurot siguro siya ni nanay kaya hindi naituloy ang sasabihin. Alam ko ang katutuhanan hindi ko totoong tatay si Tay Hugo, Pero Mahal na mahal ko siya bilang ama ko hindi naman mahalaga kung kadugo mo ang isang tao o hindi ang mahalaga itinurin kang pamilya at minahal ka ng lubos. Pumasok ako sa taxi natawa ako malas ng kidnapers pamilya ng assassin pa ang pagtripan. Sigurado Chinxie clan ang dumukot kay Nanay. " Holland mansion." wika ko sa taxi driver Pagdating sa mansion nagtataka ako ang daming tauhan ni Hayden nagkalat labas at loob ng mansion may mga sugatan din. " Dude! Anong nangyayari dito?" nag aalalang tanong ko kay Carlos namamaga ang kanyang mga mata umakyat ang dugo ko sa ulo nang mapansin kong bugbog sarado ang bestfriend ko Paika-ika na tumayo si Carlos parang bata na yumakap saakin. " Lyn! Dinukot nila ako habang nagpapakasaya sa kandungan ng magandang babae." umiiyak na sumbong ni Carlos " Sino ang may gawa nito sayo? Anong nangyari bakit lahat kayo sugatan?" galit na tanong ko " Kagabi kasi napagpasyahan namen na pumunta ng birthday party ng kasintahan ko tapos ayon! trap pala ang party nayon nakatakas ang ibang tauhan ni Mr Chinxie. " salaysay ni Carlos " inalalayan ko siya paupo sa sofa " Alam naba ni Hayden ang nangyari?" tanong ko " Hindi niya alam! Ayaw namin ipaalam ang setwasyon namin nag aaral pa ang isang yon. Kailangan lang namin mabuhay hanggang hindi pa nakakabalik ang boss namin. " malongkot na wika ng isang dalaga may pasa siya sa braso " Huwag muna kayo kikilos hintayin nyo ako! ibabalik ko dito ang magaling nyong boss." galit na wika ko " Pahiram ng phone mo." inis na wika ko " It's me tito Yohan pwede pagtulong! Gusto ko maayos ang lahat ng papeles ko papuntang new York. May kukunin lang ako " bungad na wika ko " Mabuti naman maayos kana! Don't worry bukas na bukas makukuha mo ang kailangan mo. Saan koba ipapadala?" magiliw niyang tanong " Holland mansion!" tipid na sagot ko Ibinalik ko ang phone kay Carlos! Napamura nalang ako sa sobrang inis " Ibabalik ko dito ang magaling nyong boss! Sa ngayon ang kailangan nyong gawin! Alamin ang lahat tongkol kay River Chinxie, Anak, Asawa lahat-lahat, kailangan maibigay nyo yan saakin para makalikos ako." mahabang pahayag ko " Pagkalipas ng ilang araw tagumpay akong nakarating ng new York" Ladies and gentlemen, we have landed " Pagkalabas ko ng airport natanaw ko agad ang Isang matangkad na lalaki " Kumusta?" he asked me" " Sumakit tainga ko parang maiwan ata ang kaluluwa ko sa himpapawid." naiiling na sagot ko humagalpak ng tawa ang matangkad na lalaki na sumundo saakin. " Inalalayan niya ako pasakay sa sasakyan niyang dala. " Mas lalo kang naging kaakit-akit ngayon. Kumusta ang buhay dito sa new York?" nakangiting tanong ko " Love! ang daming magagandang babae dito, Gustong-gusto ko talaga dito. Hayst! ayaw ko sana bumalik sa pilipinas eh. Kaso alam ko na kailangan mo ako, Maayos naman ang asawa mo wala siyang babae. Abala siya sa school at umuuwi agad pagkatapos ng klasi." paliwanag niya " Na-miss kita! Pag-uwi ko ihanda mo ang sarili mo, Subukan mong lumapit kay River, Pagtatangkaan ko ang buhay nya maging hero ka niya para mabilis tayong makapasok sa loob." paliwanag ko " Sure! Love basta ikaw walang problema. Maganda ang kapatid ni River siya ang target ko ngayon." nakangisi niyang wika " Ikaw ang Alas ko kaya mag-iingat ka, Pagkauwi namin sumunod ka ." nakangiting wika ko " Dito nalang ako sumakay kana lang ng taxi patungo sa address nayan. May party pa ako na dadalohan." nakangisi niyang wika niyakap ko siya at nagpasalamat Pagkababa ko ng sasakyan niya sumakay ako ng taxi. " Can you take me to this address please." i said to taxi driver " Sana all ganito kagwapo ang taxi driver! ." pabulong na sambit ko inabot ko ang kaperasong papel. " OH! okay! how are you today ma'am? tanong ng driver habang nagmamaneho " Nakipag kwentohan ako sa taxi driver habang nasa byahe, Isang oras ang inabot ng byahe bago ako nakarating sa address ng bahay ni Hayden " Napanganga ako malawak na bakuran may swimming pool sa pagpasok sa malaking gate makikita mo ang loob ng bahay dahil sa salamin ang ding-ding. Ilang minuto ako nakatayo hanggang sa may malakas na busina ang sasakyan sa likuran ko " Tumingin ako sa likuran ko huminto ang red sport car. Parang slow motion ang pag bukas pinto at paglabas ng lalaki. Nakasuot siya ng school uniform, Tumingin siya saakin ng walang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha Sa isang iglap nawala ang galit ko nakatulala lang ako. Parang umurong ang dila ko, Naririnig kodin ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nilagpasan lang niya ako hindi manlang niya ako tiningnan. Binuksan niya ang gate muli siyang naglakad pabalik sa sasakyan niya. Ilang sandali lang pinasok niya ang sports car na dala niya. Ilang sandali lang sinarado niya ang gate " Tuloyan nang tumulo ang luha saakin mga mata, Nawala ang lahat ng lakas ng loob ko. Nakatanaw lang ako sakanya habang naglalakad papasok sa kanyang bahay. Naupo ako sa gilid ng gate! Hiyaan ko ang sarili kong umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. " Hindi na dapat ako pumupunta dito. Naubos ang ipon ko para lang makapunta dito. Kailangan ng kanyang mga tauhan ang kanilang boss, Pagwalang boss wala din silang lakas para silang mga batang paslit na hindi alam ang gagawin. Ilang sandali lang may dumating na food delivery Nakita kong papalapit si Hayden nakasuot sila ng Sweet pants at white t-shirt Binuksan niya ang gate at kinuha ang pizza. " Thanks." tipid na wika ng delivery boy Yumuko ako hinubad ko ang suot kong sapatos huminga ako ng malalim akmang isasara na ni Hayden ang gate ng ubos ng lakas ko itulak. Wala kaming imikan masama ang tingin namin sa Isa't isa " AAAAAAHHH...." malakas na daing niya pinanghahampas ko siya ng sapatos ko sa iba't ibang bahagi ng katawan " Tangina bakit ba nandito ka! Sabi mo hiwalay na tayo. " galit niyang sigaw Naagaw niya ng sapatos saakin binato niya sa swimming pool. piningot ko ang kaliwang tainga niya habang nagsasalita " Tanga-tanga mo! bakit mo iniwan ang mga tauhan mo! Anim na buwan akong bagluksa sa pagkawala ng tatay ko. Tapos pagbalik ko nadatnan ko ang mga tauhan mo ba bugbog sarado ang iba sa sugatan. Wala kang kwenta! Bumalik ka ng pilipinas kung ayaw mong maubos ang mga tauhan mo." nanggagalaiti sa galit na wika ko hinawakan niya ako sa bewang bigla niyang kinabig ang batok ko " Namalayan ko nalang magkalapat na ang labi namin sabik na tinugon ko ang kanyang halik " Sorry! Magulo lang isip ko! Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko sa biglaan pagkawala ni Tatay. Akala ko hindi na kita kailangan dahil sa patay na si tatay. Walang araw na hindi kita Inisip, Patawarin mo ako kung iniwan kita sa airport." Puno ng pagsisisi na wika ko nang maghiwalay ang aming labi nakayuko ako sobrang nahihiya ako sa ginawa ko. " Hindi ako galit nagtatampo lang ako, Akala ko tuloyan mo na akong hihiwalayan, Tahan babe! tara pumasok na tayo nagugutum narin ako galing pa ako ng school." malambing niyang wika napatili ako ng buhatin niya ako na parang bagong kasal " May babae kaba?" nagdududa na tanong ko Ngumisi siya hinampas ko siya sa ulo gamit ang kamay ko. " Ouch! Babe! " Daing niya Hindi naman ako siraulo para ipagpalit ka! May hindi tayo pagkakaunawaan pero Mahal kita hindi kita sasaktan. Hinding-hindi kita ipagpapalit may mga lumalapit isa na ang dalagang Chinxie inaakit ako lagi same school kami " paliwanag niya " Talaga?" tanong ko inilapag niya ako sa table sa kusina Ngumiti siya at hinawakan ang baba ko muling naglapat ang aming labi. Sabik na sabik kami sa Isa't isa natigil ang halikan namin ng sabay na tumunog ang tiyan namin. natawa kami " Wife ipagluto mo akong natapon ang pizza na dapat dinner natin." malambing niyang utos " Na-miss kita." tugon ko " Mahal kita! Na-miss din kita sobrang huwag na tayong maghiwalay." malambing niyang tugon muling naglapat ang aming labi. Itlog ang niluto ko yon lang kasi ang laman ng ref na pwede iulam. alak at tubig na ang laman ng ref niya Ang ganda ng bahay mo dito babe! Iba na talaga ang mayaman. pero bakit walang pagkain sa ref?" tanong ko pagkatapos namin kumain nandito kami sa balcony ng kwarto niya nakaupo ako sa kandungan niya panay ang halik niya sa pisnge ko. " Abala kasi ako sa paggawa ng design sa ipapatayo ko na hideout natin. Napapansin mo kalat pa ang tauhan ko dalawa lang hideout ko, Karamihan ng tauhan ko may kanya-kanyang silang bahay. " mahinahon niyang paliwanag " Ang pinagdalhan ko sayo! balak ni Nanay ibinta yon eh ang laki kaya non! Nabili nila ni tatay nang nag umpisa palang sila. Naging hideout nila yon pwede karin magpasadya ng runway ." nakangiting wika ko " Private runway.Oh babe Ang galing mo! Alam mo naman hindi ako ganon kayaman. Nahati sa apat ang kayamanan ni daddy. 10% lang ang kinuha ko. Gusto ko kasing masiguro ang kinabukasan ng mga kapatid ko." paliwanag niya " Magtayo tayo ng luxury hotel, Resort's at lahat ng yon mga tauhan mo ang bahala magpatakbo. Ikaw ang boss nila kaya win-win." nakangiting tugon ko " May business naman ako Isang hotel. Abala kasi ako sa pag-aaral kaya nahihirapan ako sa gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para masuportahan ang mga tauhan ko. Gusto ko sila bigyan ng magandang kinabukasan. Hindi ko naman sila sempling tauhan lang pamilya ko sila. " seryoso niyang wika " Dinampian ko siya ng halik sa labi bago nagsalita " Simula ngayon magtiwala tayo sa Isa't isa! Sabay tayong mangarap para sa Kinabukasan natin. Hindi kita iiwan sasamahan kita sa lahat ng pagsubok na darating. " malambing na wika ko " Na-miss na kita sobrang bakit ang tagal mo. Akala ko hindi mo na ako susundan." nagtatampo niyang wika Balik na tayo sa pilipinas, sobrang ganda dito, Magandang mga gusali, Sobrang ganda talaga. Pero wala nang mas gaganda sa sariling bansa natin. Uwi na tayo! Pansamantala tayo sa mansion hanggat hindi natatapos ang ipapagawa mong bahay para saatin." nakangiti na wika ko " Hindi ako nagkamali! Bigay ka ng diyos saakin." malambing niyang wika
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD