Chapter 22 Explanation

2877 Words
Jazlyn * * Nandidilim ang paningin ko kahit na dahan-dahan akong bumangon, Bumaliktad din sikmura ko kaya kahit na nandidilim ang paningin ko dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo. Sumubsub ako sa toilet bowl nag umpisang nagsuka, Ilang minuto akong nagsuka, pagkatapos ko magsuka naupo lang ako sa sahig ng banyo nanghihina ako para akong walang lakas, Nakaramdam na naman ako ng pagsusuka kaya sumubsub ulit ako sa toilet bowl. Nanghihina na lumabas ako ng banyo. " Gusto ko ng mainit na gatas para may laman ang tummy ko. pero hindi ko kayang maglakad palabas baka madulas ako sa hagdan, Nanghihina kasi ako parang naubos ata ang lakas ko sa pagsusuka. " Dahan-dahan akong naglakad patungo sa balcony naupo ako sa upuan hinihintay ko ang pagsilip ng haring araw. " Napangiti ako ng masilayan ko ang lalaki na kapitbahay namin kaharap ng bahay namin ang kanilang bahay, Lagi din siyang nakatambay sa balcony nakatanaw saakin. Kumaway ako sakanya kumaway din siya saakin. Tinaas ang hawak na tasa ng kape. " Hindi ko alam na kapitbahay ko pala ang doctor na tumulong saakin. Siya si Doc Jett Falcon, single, age 30 matangkad pang Hollywood ang dating. " Kumaway ulit si doc jett at pumasok na sa kanyang kwarto. Ano kaya ang almusal ng kapitbahay?" Tanong ko " Sa isang iglap nawala ang panghihina ko, nagmamadali akong pumasok sa kwarto pagkalipas lang ng ilang sandali, bagong ligo na ako nakabihis ako ng white flowy dress above the knee. Halos tumulo ang laway ko habang iniisip ko ang masasarap na pagkain sa kapitbahay. Nadaanan ko si Hayden palabas ng kusina may bitbit siyang tasa ng kape may hawak din siyang diyaryo. " Halos takbohin ko ang palabas ng bahay binuksan ko ang gate hindi kona sinara tumawid ako sa kabilang kalsada nakangiting nag doorbell. Lumipas ang tatlong minuto bumukas ang gate.. " Mrs Holland." gulat na sambit ng binatang doctor " Good morning Doc Jett, Ahemmm! Wala kasing pagkain sa bahay may pagkain ka d'yan?" excited na tanong ko " Hahaha.... come in, Yan din ang sinabi mo kahapon." natatawang sagot niya niluwagan ang pagkakabukas ng gate " Marunong ako maglinis ng bahay baka kailangan mo ng kasambahay, Basta libre pagkain." nakangiting wika ko " May lakad kaba ngayon? Wala akong pasok gusto mo sumama saakin harvest kasi ngayon ng mangga sa farm ko. Nagpaluto ako ng bagoong alamang sa katiwala ko. " nakangiting paanyaya niya natigilan ako sa paglalakad Inisip ko ang hilaw na mangga na bagong pitas at ang bagoong alamang, Nagpunas ako ng bibig para kasing tutulo na ang laway ko. " Hahaha! Alam ko kasing gusto mo ang mangga, Nagluto ako ng lasagna, Tara na kain na tayo. " nakangiting wika ni doc jett pinaghila niya ako ng upuan. " Coconut water, contains moderate amount of sugar, protein, and sodium thus helps in maintaining the daily levels of Fluids and electrolytes required by the body." Nakangiti niyang wika " Hindi na ako sumagot para akong gutom na gutom pagkaupo ko sunod-sunod ang pagsubo ko ng lasagna. Dimampot ko ang Coconut water ininum ko, Narinig ko ang pagtawa ni doc Jett, Wala akong pakialam sa mga sinabi niya basta gusto ko kumain.. " Doc! Salamat ah, Alam mo gusto ko dito sa bahay mo, lagi kang nakangiti ang asawa ko kasi simula ng umuwi parang natatae laging nakasimangot." wika ko na puno ang bibig " Welcome ka dito mrs Holland." nakangiting tugon niya Nakatitig lang siya saakin pinapanood niya ako kumain.. " Jaz! nalang doc." nakangiting tugon ko nakarinig kami ng sunod-sunod na pagtunog ng doorbell para bang galit na galit ang tao sa labas ng gate. " Kain kalang dyan bubuksan ko lang ang gate." nakangiting niyang wika tumayo at naglakad palabas ng kusina. Sarap .." sambit ko patuloy ang pagkain ko " Jaz! Sa tingin ko kailangan mo nang umuwi." Nababahalang wika ni doc jett napalingon ako sakanya nanlaki ang mga mata ko, Napatayo ako nagmamadali akong lumapit kay doc jet hinarang ko ang katawan ko. " Is this what you did every day? I cooked breakfast, then you will eat at the neighbor's house." nagpipigil sa galit na wika ni Hayden nakatutok ang baril niya saamin " Sorry dude. Your wife will cry if I don't let her in." pangangatwiran ni doc jett " Tsk! istorbo sa pagkain ko." masungit na wika ko hinawakan ako ni Hayden sa kamay hinila ako palabas ng bahay napalingon ako kay doc jett nakangiti siya kumindat pa saakin. " Hay gwapo talaga ni doc jett." nakangiti na wika ko " Tumigil sa paglalakad si Hayden madilim ang mukha na tumingin saakin, Wala naman siyang sinabi tiningnan lang nya ako ng masama at muling naglakad. " Pagdating namin sa bahay binitawan niya ang kamay ko. " Carlos magpadala ng mga taong magbabantay sa asawa ko. Kailangan siguradohin nyo na hindi siya makakalabas ng bahay. "Narinig kong utos ni Hayden sa pinsan masama ko siyang tinapunan ng tangin " Sino ang ama ng pinagbubuntis mo?" galit niyang tanong " Hindi ako sumagot bago pa tumulo ang luha ko nagmamadali na akong umakyat sa hagdan pagdating sa kwarto ko nilock ko yon. Naupo ako sa gilid ng kama ko iniyak ko ang sama ng loob ko. " Alam niyang malinis niya akong nakuha tapos tatanungin niya ako kung Sino ang ama ng pinagbubuntis ko, Kasalanan ko bang masarap ang pagkain ng kapitbahay. Nahiga ako sa kama natulog nalang ako nagising ako tanghali na paglabas ko ng kwarto nagulat ako sa dami ng tao sa bahay maingay din. " Lady Jaz ipaghanda na kita ng pagkain?" tanong ni Lala " No need! Pumunta ka sa bahay sa tapat natin manghingi ka ng pagkain." naiinis na wika ko " Pero sabi ni boss bawal daw tumanggap ng pagkain sa kapitbahay." sagot ni Lala " Hindi ako umimik madilim ang mukha ko na hinanap si Hayden nakita ko siya sa nakaupo sa upuan kaharap ang laptop niya nasa backyard siya seryoso siyang nakikipag usap sa screen sa laptop niya. " Ipagluto mo ako ng lasagna! " galit na utos ko " Dolores ipagluto mo ang asawa ko ng lasagna." baliwalang utos ni Hayden " Ikaw ang gusto ko magluto." bulyaw ko " Sorry I'll call you later." wika ni Hayden sa kausap sinarado niya ang laptop " Don't yell at me! Hindi ko alam kung saakin ba ang batang yan! Kaya huwag mo ako utusan." galit niyang bulyaw " Sabihin mo ayaw mo ba sa batang to?" walang emosyong tanong ko, Hindi siya nakaimik tumingin siya sa malayo " Niloko mo ako! Naging tapat ako sayo, Binigo mo ako jazlyn, Hindi ba ako sapat para maghanap ka ng iba? Ilan ba ang katagpo mo sa tuwing aalis ka?" Pagalit niyang tanong " Sapat na ang narinig ko! Mananatili ako dito upang patunayan sayo na ikaw lang ang tanging lalaki na humawak sa katawan ko, Huwag na huwag mo gagalawin ang kanan kamay ni River ako ang makakalaban mo, Sa Oras na mapatay mo ang lalaking yon, Magtago kana isama mo ang buong angkan mo uubusin ko kayo hanggang sa kahuli-hulihan ng angkan nyo. Tandaan mo Hayden ang mga sinabi ko sayo." pabulong na banta ko sapat lang para marinig niya. Nanginginig ako na dinampot ang laptop niya ubod ng lakas na hinagis ko sakanya. hindi siya umilag natamaan siya sa dibdib nakakunot ang noo niya parang ang lahim ng kanyang iniisip " Let's end our relationship. Let's talk about the child inside of my womb, It's better if we separate while we still have respect for each other." Walang emosyon wika ko seryoso akong nakatitig sakanya " Yes! It's better to separate. " baliwalang tugon niya tumalikod na ako " Anong akala mo iiyakan kita! Manigas ka! Sa Oras na lumabas ang bata sa sinapupunan ko isasampal ko sayo ang DNA test! Tangna kaya ayaw ko sana mag asawa! Sakit lang sa Ulo, Patitirikan mata mo sa sarap pero sasaktan ka naman, Mahal ka kasi kailangan ka pero paghindi kana kailangan itatapon kalang na parang basura. " Nanggagalaiti na sambit ko habang naglalakad papasok sa bahay. " Huwag nyo akong pipigilan kaya ko kayong ubusin ng walang pag-aalinlangan." galit na singhal ko hinarangan nila ang gate ayaw akong palabasin ng tauhan ni Hayden " Ma'am hindi talaga pwede." mahinahon wika ni Lala " Pumunta ka sa bahay nayan! Manghingi ka ng lasagna at buko juice." galit na wika ko " Walang kumilos sakanila naiinis na naglakad ako pabalik ng bahay ilang sandali lang bitbit kona ang bagpack naglakad ako palabas ng bahay tumayo ako sa garden Inilapag ko ang bagpack binuksan ko at kumuha ng isang bomba " Ayaw nyo ako palabasin sige pasasabugin ko yan mga bungo nyo." walang emosyon sambit ko. Tinanggal ko ang pin ng bomba Tinaas ko ang kamay ko akmang ihahagis kona ng may humawak sa kamay ko nagtakbohan ang mga tauhan ni Hayden binuksan nila ang gate at nag unahan sila tumakbo palabas " Nababaliw kanaba?" galit na singhal ni Hayden " Nagugutum ako! Gusto ko lasagna ayaw ko ng luto sa restaurant, Gusto ko ang luto sa kapitbahay." Umiiyak na wika ko " Ang lalaki na yon! Gusto mo ba sya? Siya ba ang bagong magpapatibok ng puso mo kaya gusto mong makipag hiwalay saakin?" galit na tanong niya Hindi ako sumagot ngumisi lang ako pinunasan ko ang luha sa aking mga mata, Binawi ko ang kamay ko sa pagmamahawak niya " Ipagluto mo ako ng lasagna na! Gusto ko kumain ng niluto mo." galit na utos ko " Ako ba ang ama ng pinagbubuntis mo?" mahinahon niyang tanong " Lumapit ako sa kanyang nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya " Tanungin mo ang sarili mo! Isa lang ang nasisiguro ko sayo ni minsan hindi kita niloko, Malinis mo akong nakuha. Nagkakamali ka Hayden. " Bulong ko Tinalikuran ko na siya naglakad ako papasok sa bahay. Pumasok nalang ako sa kwarto kahit na gugutom ako hindi ako nag abala na kumain, Nahiga nalang ako niyakap ko ang unan tahimik akong umiyak. Sobrang sama ng loob ko gusto kong kumain ng lasagna pero ayaw nila akong pakainin. " Bumangon kana pinagluto kita ng lasagna." walang emosyong utos ni Hayden bumangon ako pinunasan ko ang luha ko. Nagmamadali akong naupo ko sa gilid ng kama kinuha ko ang plato na may laman lasagna, Nilantakan ko sarap na sarap ako sa pagkain. " Here." wika niya inabot ang baso na may laman na buko juice " Lala! Ilabas mo nga ito " mahinahon utos ni Hayden pagkatapos ko kumain. Nilabas ni Lala ang pinagkainan ko Makakalimutan din kita! " malongkot na tugon ko " Maghiwalay tayo pagkalabas ng bata." mahinahon niyang wika " Sigurado ka? Sa Oras na permahan ko ang annulment papers natin asahan mong Hinding-hindi na ako babalik sayo." Tugon ko sa mahinang boses " Pagkatapos ng laban sa Dalawang Clan maninirahan ako sa ibang bansa, " Tugon niya " Maninirahan kami ni papa sa malayong lugar, Ang malayo sa lahat. Gusto kong makasama ang Papa ko, Kahit na walang kalakihan ama ang anak ko, May Papa naman ako hindi niya ako pababayaan. " Malone na wika ko Napatingin siya saakin nakakunot ang noo " Papa? May papa ka? o papa ang tawagan nyo ng lalaki mo?" nagugulohan niyang tanong " My father was only 18 years old then, my mother died while I was in her womb. My dad did everything to save me. my father loved me so much, he gave me to his sister. I grew up knowing Hugo and Perlah as my parents." mahinahon kung paliwanag " Tika ulitin mo nga? Ampon ka?" gulat niyang tanong " Babe! May papa ka? Tika paliwanag mo naman saakin. " Wika niya halatang nagugulohan sa mga narinig Hindi na ako sumagot nahiga na ako at nagtalukbong ng blanket niyakap ko ang unan pumakit ako. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin, Wala na akong dapat ipaliwanag. " Pwede mo bang ipaliwanag ulit saakin? Ang kanan kamay ba ni River ang tunay mong ama?" he asked " Yup! " Baliwalang sagot ko " F*ck! Babe nagkamali ba ako? Pinagdudahan kita? " Nababahala niyang tanong " Pinagseselos mo ang Papa ko, Lumabas kana tapos na tayong mag-usap " walang emosyon tugon ko " Maniniwala ako kung mapatunayan mo saakin na siya nga ang iyong ama." Mariing niyang wika " Wala akong dapat patunayan sayo, Magalit ka mamatay ka sa kakaselos wala akong pakialam, Hindi kaba natuto sa pagkakamali ng iyong ama?" Pagalit na tugon ko " Naramdaman ko ang pagtayo niya ilang sandali lang narinig ko ang pagsarado ng pinto. Ibig sabihin lumabas na siya hindi ako bumangon nakatalukbong lang ako ng kumot " Siraulo! Kung hindi lang kay Papa iniwanan na kita, Humanda ka sa Oras na mapawalang bisa ang kasal natin magpapakasal ako sa ibang lalaki. Hinding-hindi na ako babalik sayo. Hindi mo naman ako mahal! Hindi mo nga ako priority bakit pa ako mananatili sayo. " Galit na sambit ko " Manigas ka! Habang buhay kang nakatali saakin." mariing wika ni Hayden " Napabalikwas ako ng bangon nakasandal siya sa pinto nakapamulsa nakatitig saakin " Maghiwalay na tayo! Ayoko kona sayo, " galit na sigaw ko " Ngumisi siya bago nagsalita " Nope! Hinding-hindi ako papayag na magpakasal ka sa ibang lalaki." Nakangisi niyang wika " Papatunayan ko sayo na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko pero hindi ibig sabihin na ipakilala kita bilang ama niya. Hindi siya magiging Holland! Ayaw nyo sa baby ko kaya manigas kayo. " galit na sambit ko. Nagbago ang timpla ng mukha niya dumilim ang kanyang mukha " Pwes manigas ka! Sisiguradohin ko na hindi ka makakatakas sa mga kamay ko, Hinding-hindi ako papayag na maghiwalay tayo habang buhay kang nakatali saakin. " Mariing niyang wika Tumalikod siya binuksan ang pinto at naglakad palabas " Siraulo gago! Tangna mo " galit na sigaw ko * * Hayden * * My father was only 18 years old then, my mother died while I was in her womb. My dad did everything to save me. my father loved me so much, he gave me to his sister. I grew up knowing Hugo and Perlah as my parents." Tulala ako nakatitig ako kay Nanay Perlah na abala sa phone, Nandito ako sa bahay ng biyanan ko may gusto akong kompermahin. Dapat talaga inaalam muna bago magalit. Paano kung papa nga ng asawa ko ang lalaking yon? Sigurado hindi na niya ako mapapatawad. " Iho pasensya kana kausap ko kasi ang kapatid ko." Mahinahon wika ni nanay Perlah Para akong binuhusan ng malamig na tubig " K-kapatid?" utal na tanong ko " Nay! bakit hindi mo sinabi na may kapatid ka? Anak mo ba talaga si jazlyn?" naiinis na tanong ko " Kayong mga Holland madumi utak nyo! hayst! Sige makinig ka ipaliwanag ko sayo. Hindi ka nagtanong kaya hindi namin sinabi sayo. Hindi mo rin Inalam ang mga bagay na mahalaga sa Asawa mo. malaki ang problema mo iho! Ligawan mo ng husto ang asawa mo sigurado hindi ka na niya mapapatawad, Kilala ko ang batang yon hindi nagbibigay ng second chance. Pag nagkasala ka sakanya hindi kana niya mapapatawad. " mahabang tugon ni Nanay Perlah " Nanay naman eh!" inis na wika ko Inum tayo habang nagkwe-kwento sayo ni Nanay." nakangiting wika ni kiya James pumasok silang magkapatid may bitbit na alak at pulutan " 1st year college si Huck ng makilala nya ang ina ni Jazlyn, Nagising nalang ang kapatid ko na hubot hubad katabi ang kaibigan niya, Make a story short nabuntis ang ina ni Jazlyn, eight months ang kanyang tiyan ang bigla nalang siya nawalan ng malay sinugod namin siya sa hospital, Pero huli na ang lahat binawian na siya ng buhay, Nagsagawa ng emergency CS nabuhay ang bata kahit na kulang sa buwan. MIRACLE baby si jazlyn kaya ganon siya kamahal ng kanyang ama, Napagkasunduan namin na kami ang kilalanin magulang ng bata, Inilihim namin kay jazlyn ang katutuhanan sa kanyang pagkatao, Pero lingid sa aking kaalaman pinagtapat na pala ng asawa ko, Matagal na niyang alam na hindi kami ang totoong magulang niya, Wala kaming narinig na kahit anong sumbat, Hindi niya sinabi sayo dahil hindi niya alam kung paano sasabihin, Paano niya sasabihin na ama niya si Huck kung hindi siya kinikilalang anak ng kanyang ama. " Mahabang salaysay ni Nanay " Natahimik ako hindi ko nga inalam ang mga bagay na mahalaga sa asawa ko, Hindi ko rin alam kung ano ang mga Ayaw niya at mga bagay na gusto niya. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang Asawa ko, Madalas Abala ako hindi ko na nga napapansin minsan na hindi nauwi ang asawa ko. " Pwede naman niya sabihin saakin bakit hindi niya sinabi? Ang bilis lang naman sabihin eh." naiinis na tanong ko " Hmmmm! Akala ko nga alam mo na." Tugon ni Nanay Perlah " Kung ganon! May malahim pa na dahilan, Ayaw niyang ipaalam na nakapasok sa kalaban ang kanyang papa. Sa ngayon makakabuti kung ilihim mo ang mga bagay na nalaman mo." Seryoso na tugon ni Nanay Perlah " Ano ang malahim na dahilan? Hiyaan niyang masira ang tiwala ko sakanya, Handa siyang makipag hiwalay saakin, Ganon ba mahalaga ang iniiingatan niyang lihim. " piping sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD