"Hanna baby." nagulat naman ang dalaga ng marinig ang boses ng inang papalapit. Muntik pang maipit ang ulo ni Dwight ng mabilis s'yang nakatakbo at itinulak ang pinto ng driverseat pasara para hindi na makalabas si Dwight. Mabilis s'yang humarang sa pinto ng humarap sa ina. "Nag send na po ako ng pera sa inyo kanina ah! Bakit nandito nanaman kayo." "Bakit bawal ba akong mag pasalamat sa anak kong napakaganda na'y napakabait pa. Come here yayakap lang si Mama." wika pa nito pero alam n'yang gusto lang nitong silipin kung sino ang nasa loob ng kotse na nag hatid sa kanya. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa boyfriend mo anak, ikinahihiya mo ba ako." "Hindi ko s'ya boyfriend Mom." "Then palabasin mo s'ya at ipakilala sa akin." "Wag na Mom paalis na s'ya." "Palalabasin mo ba s'ya o hihila