Episode 6- Para-paraan

2255 Words
Nakatayong naka kuyom lang ang mga kamay ni Hanna habang pinag babatuhan sa kanya ng ina ang mga bagay na nadadampot nito sa loob ng apartment n'ya na bago pa lang n'ya na lilinis ang lahat ng kinalat ng ina ng nakaraang araw ng sugurin din s'ya nito. Kakauwi pa lang n'ya galing sa night shift na duty bilang waitress mamaya 3pm meron event na hahawakan ang resto bar nila kaya mag wawaitress ulit s'ya. Ilang araw s'yang hindi umuwi sa apartement n'ya at pinag tataguan nga n'ya ang ina, hindi rin s'ya pumasok ng dalawang araw at minsan naman nag papa change shift s'ya para pansamantalang iwasan muna ang ina pero kanina mukhang sinadya na nitong abangan s'ya dahil saktong bukas n'ya ng pinto ng apartment n'ya sakto nitong hinablot ang buhok n'ya papasok sa loob ng apartment n'ya. Gustong-gusto na n'yang pumalag nag titimpi nga lang s'ya dahil iniisip na lang n'ya na kahit anong gawin n'ya, Mommy pa rin n'ya ito. Maayos s'yang lumaki sa pangaral ang Papa n'ya, hindi na s'ya nag taka kung bakit sinukuan na ng papa n'ya ang ina marahil napagod na rin ito sa ugali ng Mommy n'ya. Kaya ng sabihin ng ina na patay na ang Ama at kapatid n'ya hindi s'ya na niniwala hanggat hindi n'ya napapatunayan. Patuloy pa rin s'ya sa pag hahanap sa Papa at kapatid n'ya pansamantala lang na napatigil dahil nilamas nanaman ng Mommy n'ya ang laman ng banko n'ya kaya wala s'yang pang bayad sa kinuhang private investagator pero may lead na ito kung saan pupuntahan ang papa n'ya. Nag-iipon lang talaga s'ya at hahanapin n'ya ang ama para muli na silang mag kasama. As of sa Mommy n'ya bahala na kung anong gagawin n'ya. Pera lang naman ang importante rito at wala ng iba kaya ito nag kakaganito kasi nga wala s'yang pero dati naman ng artista pa s'ya sobrang bait nito at maalaga. Lahat ng pangangailangan n'ya lahat binibigay nito bantay na bantay nito ang pagkain at healthyness n'ya pero right after n'yang mawala sa limelight nag simula na itong magalit sa kanya. Nandyan na sigawan s'ya, saktan, ipahiya at nakawan pero kahit minsan hindi s'ya nawalan ng respeto pero minsan nagawa na n'yang managot at lumaban para mangatwiran lang pero na hospital ito at inakala n'ya napatay n'ya ito buti na lang mild stroke lang kaya mula noon sumumpa na lang s'ya na titiisin n'ya ang lahat ng masamang ugali ng Mommy n'ya wag lang s'yang mawalan ng pamilyang matatawag. Natatakot s'yang mag-isa habang hindi pa n'ya na tatagpuan ang ama at kapatid. "Wala kang kuwenta buwisit ka sa buhay ko. Kasalanan mo kung bakit ako naging mesirable." sigaw pa ng Mommy. Mariin na napapikit si Hanna ng mahagip ng ina ang may kalakihang base na crystal na bigay pa sa kanya noon ng isang Fan. May ilang mga gamit pa s'yang natitira na bigay ng mga fans pero iilan na lang yun dahil sinira na ng mama n'ya ang karamihan kapag na gagalit ito. Napatingin s'ya sa nagkadurog-durog. "Ganito! Ganitong buhay ba ang gusto mo ha, yung mahirap na kailangan mo pang mag pakatulong sa ibang tao kesa yung aarte ka lang pera na agad." huminga ng malalim si Hanna. "Sige Mom, ihanap n'yo ako ng director na gusto pa akong kunin kung talagang gusto n'yo akong maging artista ulit. Sige, aarte ulit ako pero hindi ako mag huhubad para lang maging artista ulit." mariin na wika ni Hanna. "Wala ng direktor na gustong kumuha sa'yo dahil laos ka na at marami ng bata at magagandang pumalit sa'yo. Kaya pasukin mo na muna ang mundo ng porno at iyon ang gawin mong way para makabalik sa dati nating mundo." giit ni Sara sa anak pero mariin na umiling si Hanna. "Hindi ako mag huhubad kaya tigilan n'yo ang pamimilit sa akin." malakas na sampal naman ang nakapag paawang sa bibig ni Hanna pero hindi n'ya magawang sigawan ang ina. Sanay naman ang mukha n'ya sa sampalan pero dahil matagal na s'yang wala sa showbiz masakit na para sa kanya ang sampal ng ina na dama pa n'yang nanginit ang sampal nito kasabay ng pag-ugong ng tenga n'ya dahil sa lakas ng sampal nito. "Mommy!" malakas na sigaw ni Hanna ng makitang nagtungo sa closet n'ya ang ina at alam na agad n'ya ang target nito ang jewerly box n'ya na s'yang iniingatan n'ya dahil 2 kuwintas na lang ang alahas na natira sa kanya. Ang kuwintas na korteng puso na napapalibutan ng maliliit na diamond. Noon una akala n'ya fake iyon dahil isang fans lang ang nag bigay na 'di pa n'ya kilala dahil nakita lang n'ya iyon sa dressing room n'ya noon na pa secreto malamang na inilagay roon. Kaya lang n'ya nalaman na totoo ng makita iyon ng jowa ng Mommy n'ya na si Aleck Chua noon at sabihin nito kung magkano ang halaga ng kuwintas. Hindi pa s'ya naniwala ng una pero ng igoogle nito at ipakita sa kanya talagang pakiramdam n'ya tumayo lahat ng balahibo n'ya hanggang anit. Hindi biro pala ang halaga ng kuwintas buti na lang wala ang ina ng sabihin sa kanya iyon ni Aleck Chua. Naki-usap din s'ya na wag sabihin sa mommy n'ya dahil tiyak na kukunin nanaman nito ang aalahas na iyon kung nagkataon na nalaman nito na daang million pala ang halaga. Limited edition lang daw yun at 10 lang ang lumabas sa buong mundo kung sino man daw ang nag bigay sa kanya nun tiyak daw na hindi ordinaryong tao para mag tapon ng ganun kalaking halaga para sa isang kuwintas. Kaya never na n'yang isinuot ang kuwintas at itinago na lang kasama ng kuwintas na bigay ng Papa n'ya noon bata pa s'ya. Halos mag agawan sila ng ina sa box na hawak nito, itinulak pa s'ya nito pero hindi s'ya talaga pumayag na makuha nito ang maliit na box na may laman na dalawang kuwintas at ilang pares ng hikaw. Nag hirap at nag hirap n'ya ang dalawang kuwintas na yun ang natitirang kayamanan n'ya. Kaya hindi n'ya hahayaan na makuha iyon ng ina dahil para sa kanya may sentimental value sa kanya ang dalawang kuwintas hindi dahil sa halaga o presyo kundi dahil sa dahil kung bakit binigay sa kanya ang mga kuwintas na iyon. Mabilis na hinablot ni Hanna ang box ng jewerly at nag mamadaling tumakbo palabas ng apartment habang umiiyak na hindi na n'ya napigilan sa sobrang stress at galit na din sa ina na humahabol pa sa kanya na galit na galit. Nadapa pa si Hanna sa pagtakbo pero hindi pa rin n'ya binitawan ang box na nilingon ang ina na nag mamadali rin sa pag takbo kaya nag mamadali s'yang muling tumayo para hindi s'ya maabutan ng ina. "Hanna." napatingin sa kotseng huminto si Hanna na akmang tatakbo na sana patawid sa kabilang kalsada ng makita si Dwight na salubong ang kilay at kunot ang noo na nakatingin sa kanya. Nag mamadali naman s'yang tumakbo papasok sa backseat ng kotse ni Dwight. Muntik pa s'yang maabutan ng ina na kinalampag na ang saradong bintana ng kotse. "Tayo na bilis, bilis, bilis." sigaw n'ya kay Dwight na nag-alangan pa na paandarin ang kotseng palayo. Tumingin pa ito sa side mirror dahil na habol pa talaga ang Mommy n'ya habang tinatawag ang pangalan n'ya saka pa lang nakahinga ng malalim si Hanna na napapikit na isinandal ang ulo sa backrest ng kotse. Pinag pasalamat na lang din n'ya na hindi umimik si Dwight para mag tanong kung anong nangyari at 'di rin naman na n'ya tinanong kung bakit naroon ito sa lugar nila dahil imposibleng napadaan lang ito sa apartment n'ya dahil napaka imposible naman nun dahil na sa looban ng isang pipitsugin subdivision ang apartement n'yang inuupahan na mukha na ngang squater dahil sa pag kaka dikit-dikit ng mga bahay. ******* Napatingin si Hanna sa pinto ng makarinig ng katok doon bago pa lang sana s'ya uupo dahil kapapasok pa lang n'ya sa apartment n'ya. Inintay pa n'ya ang guard na tulungan s'yang buksan ang unit ni Megan dahil sa sobrang pag mamadali kanina na iwan na n'ya ang bag n'ya sa apartement n'ya wala s'yang nadala na kahit ano. Natitiyak n'yang lilimasin nanaman ng Mommy n'ya ang laman ng ATM n'ya at cash n'ya sa wallet hindi na s'ya na asa na may aabutan pa s'ya pag balik n'ya sa apartment n'ya. Buti na lang pipitsugin na lang ang cellphone n'ya hindi na iyon pag-iinteresan ng Mommy n'ya. Nagulat pa s'ya ng pag lapit n'ya sa pinto at buksan iyon nakita n'ya si Dwight na may dalang maliit na medicinal bag at derederetso na pumasok sa loob ng unit n'ya na hindi man lang nag-intay kung papasukin ba n'ya ito o hindi. "Come here bilisan mo." utos pa nito ng maupo ito sa sofang naroon. "Gusto kong matulog galing ako sa night shift hindi ko pa puwedeng gawin yun." napapagod na usal na lang n'ya ng isarado ang pinto. "Matulog ka kung gusto mo hindi kita iistorbohin pero lilinisin ko muna ang sugat mo." "Sugat." taka pang tanong ni Hanna ng makalapit at hinahin s'ya ni Dwight sa kamay para paupuin din sa sofa para harap rito. Binuksan naman ni Dwight ang dala nitong medicinal bag at sinimulang ilabas lahat ng kailangan nitong gamitin para linisin ang sugat na sinasabi nito. "Aray." gulat na angal ni Hanna na bahagyang napalayo at sinapo ang kanang pisingi na humapdi ng pahiran ni Dwight ng bulak na may Betadine. Mabilis naman hinawakan ni Dwight ang kamay n'ya para wag n'yang mahawakan ang sariling pisngi na hindi n'ya alam na nasugatan pala. Marahil kanina yung ng basagin ng Mommy n'ya ang base at mag talsikan ang bubug. "You have cut on your cheeks at medyo maliit lang naman pero mahaba kaya wag mong hawakan para ma infection, tiisin mo na lang ang hapdi." wika ni Dwight na hinila s'ya para pahiran ulit. "Dahan-dahan ang sakit naman, dinidiinan mo naman e." reklamo pa ni Hanna na hawak na rin ang kamay ni Dwight habang dinadampian nito ng bulak na may betadine ang sugat n'ya. Kumunot naman ang noo ni Hanna ng makita na bahagyang ngumiti ang binata habang nililinis nito ang sugat n'ya pero halata din naman napilitan lang itong ngumiti dahil kitang pa rin ang galit sa mata nito. "Bakit ka naka ngiti? May nakakatawa ba na nasaktan ako." nabura naman ang ngiti ni Dwight na huminga ng malalim sabay kuha naman ng isang oitment. "Napangiti lang ako kasi parang nag se-s*x tayo sa mga daing mo." napangiwi naman si Hanna hindi dahil sa hapdi na dala ng ointment kundi dahil sa sinabi ni Dwight. "Yung totoo mukha ba akong puk*? muli naman napangiti si Dwight. "Puro ka kamanyakan e." "Sinabi ko lang na para tayong nag se-s*x dahil sa mga daing mo kung ano na agad ang inisip mo." "Ang sabihin mo kayong mga lalaki sadyang madumi kayong mag-isip basta may kasama kayong magandang babae." "Bakit hinahayaan mong saktan ka ng Mommy mo?" tanong ni Dwight na hinamplos naman ang kabilang pisngi n'ya sa lakas ng sampal ng Mommy n'ya tiyak n'yang mapula iyon or kaya nakabakat pa ang mga daliri ng ina. "Na miss ko kasi yung mga galawan ko nung nag aartista pa ako, yung sampalan blues ang boring ng buhay kapag wala kang kaaway." "Ibig sabihin totoong sampal yung mga eksena mo sa TV noon." natawa naman si Hanna sa hitsura ni Dwight na parang nagulat pa. "Natural. Drama yung e teleserye natural kailangan maging makatotohanan ang bawat eksena para ma hook yung mga viewers." napailing naman si Dwight na tumayo saglit at nagtungo ito sa kusina. Pag balik nito meron na itong hawak na bimpo na parang may laman na kung ano sa loob ng maupo ito muli sa harapan n'ya at idikit nito sa pisngi n'ya ang bimpo. 'Di n'ya naiwasan na mapapikit dahil sa ginhawang naramdaman pero agad din s'yang napadilat ng maramdaman na hinalikan s'ya ni Dwight sa labi. "Ano naman yun?" inis na tanong n'ya rito na tikwas na tikwas ang nguso. "Hindi ko sinasadya pumikit ka kasi akala ko you wanted to be kiss gaya ng mga eksena mo sa TV." "Tang* mga camera trick lang ang mga kissing scene ko sa mga drama ko. Hindi ako nag papahalik sa mga leading man ko." "Kissing scene na camera trick may ganun ba." tumarak naman ang mata ni Hanna na kinuha ang dalawang kamay ni Dwight at ibinaba muna ang bimpo na may yelo sa may armrest ng sofa saka inayos ang kamay ni Dwight sa mukha n'ya bago inayos ang dalawang thumb mark nito sa labi n'ya na pinagdikit saka hinila sa suot nitong necktie si Dwight para dumikit ang labi nito sa labi n'ya na nakaharang ang dalawa nitong mismo na thumb mark. "Fake kiss. Ito ang camera trick mukha lang kaming nag ki-kiss pero hindi kaya wag kang para-paraan sa pang hahalik mo sa akin." napakamot naman si Dwight ng ulo saka umayos ng upo na muling hinawakan ang pisngi n'ya at iniharang muli ang thumb finger nito sa labi n'ya. "Anong gagawin mo." tanong ni Hanna na salubong pa ang kilay. "Ulit testing lang para kasing totoo yung kissing mo dun sa ang kuya kong astig." wika nito na 'di na nakapalag si Hanna dahil dumikit na ang labi ni Dwight muli sa sarili nitong daliri pero segundo lang iyon dahil bigla nitong ibinuka ang dalawang thumb finger at lumapat na ang labi nito sa labi n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD