"Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan Dwight dito pa talaga?"mariin na bulong ni Eloisa ng salubungin sila ng ina. "Ma, mas lalo kayong nakakahiya kapag gumawa kayo ng eksena para ipahiya ang asawa ko." umasim naman ang mukha ni Eloisa. "Asawa? talagang ipag mamalaki mo pa sa angkan natin ang babaeng yan." halos hindi na bumukas ang bibi ng ina ni Dwight sa pag sasalita. "Tama na Elo, nakakahiya sa mga bisita. Wag tayo dito mag-usap." ani Aleck na senenyasan ni Dwight na sumunod. "Goodluck girl, isipin mo na lang nasa isang shooting ka ng teleserye mo." bulong ni Megan bago sila sumunod ni Dwight sa parents nito. "Kapag hindi mo na kinakaya ang sinasabi ni Mama mag kunwari ka na lang na nasusuka." gustong matawa ni Hanna sa utos na bulong ni Railey. "Puwede ba, wag mo na ako turuan