Kahit na hihiya si Hanna nag lakas loob na s'yang nag punta sa bahay ng mga Chua para kaunin si Dwight at bahala na kung ipag tabuyan s'ya. Sanay naman s'yang pinag tatabuyan sa mga dati n'yang teleserye na parang totoong buhay din naman. Pinapasok naman s'ya ng guard ng makilala s'yang asawa ni Dwight at sabihin nasa loob nga ang asawa n'ya. Sakto naman nag lalakad s'ya papasok sa driveway nakita n'yang papalabas naman ang kotse ng Mama ni Dwight na huminto ng mapatapat pa sa kanya. Bumaba ang salamin sa backseat kaya agad s'yang nag yuko ng ulo tanda ng pag galang. "Bakit nandito ka? May pasok ka diba." "Kakaunin ko lang po sana si Dwight." "Tulog pa si Dwight, nag lasing kagabi. Hindi na s'ya naka attend ng hearing n'ya kahapon pati ngayon mukhang hindi nanaman makaka-attend. Ayusi