Pagak akong tumawa habang pasimpleng pinapanuod ang Aleca na iyon at ang bagong dating na babaeng may kulay mais na buhok sa sala ng cabin. "Kanina lang, nakikipag petting and kissing sa'kin ang sira ulo." Naiiling na napabuga ako ng hangin sabay upo sa monoblock chair na nasa labas kung saan may monoblock table din at malaking payong na sumasangga sa init ng araw. Base sa parang sawang pagkakapulupot ni Ms.Bimbo kay Aleca Kenta, mukhang may relasyon ang mga ito at mukhang nakapagpalusot na ang walanghiya sa naabutang eksena namin ng kasintahan nito kanina. I groaned in annoyance. Ang lakas ng loob mang-akit ganoong commited na pala ito! Nasapo ko ang ulo at sinita ang aking sarili. At ang hina ko naman para pumatol sa ungas. Asar! Hindi ako nabubuwisit dahil lang sa may atraksyon