"Nana ano ang kailangan ninyo?" Magalang na tanong ng nurse na nakatalaga sa information area o sa reception. "Ah miss itatanong ko sana kung saang kuwarto ko matatagpuan si Johnson Reviera." Sagot ni Aling Anita na agad dumiretso sa pagamutan kung saan naroon si Johnson. Pagod siya sa biyahe pero hindi niya iyun inalintana dahil sa kagustuhang muling makapiling at maalagaan ang anak na halos isang buwan ding nawala na lang bigla o mas tamang sabihin na bigla na lang hindi umuwi mula sa medical mission. Ang pinagtataka lang niya ay sa up land nagsagawa ng medical mission ang grupo ng anak niya pero bakit napunta sa Pampanga. "Mawalang galang na po nana pero hindi po namin basta-basta ipinapamalita ang kinaroroonan ng mga pasyente para para po maiwasan ang aberya." Sagot n