" My goodness! Will you take away the phone from your mouth your freaking me out." Inis na sita ni Jullianne sa pinsan niya. Pero para kay CJ na matagal-tagal ding hindi nakita ang pinsan ay hindi niya inalintana ang pagkainis nito bagkus ay nagpatuloy siya. " Hay naku Ms Aguillar kung nagmana ka sa kasungitan ng mga masusungit tatanda kang dalaga. By the way high way of Baguio City may pupuntahan tayo este ikaw pala. Just be ready at dadaanan kita diyan kila grandma Rene." Bagkus ay masayang aniya nito. " Ikaw Crystalline Jamellah Santiago ano na namang kababalaghan iyang naiisip mo ha? Naku kilabutan ka nga sa mga pinaggagawa mo." Kung sa iba'y iisipin nilang nag-aaway ang dalawa pero para sa kanila ay biro lang ang lahat. " Kung ako sa iyo miss Aguil