Daddy, Mommy, Una sa lahat nais ko pong humingi ng tawad kung umalis ako ng walang paalam. Alam ko po kasing kapag malaman ni'yo ang totoo ay siguradong magagalit kayo sa akin at iyun ang hindi ko kayang harapin lalo't hindi ako sanay na nagagalit kayo sa akin. Pangalawa po, huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko po pababayaan ang sarili ko saan man ako magpunta. At kapag makarating na po ang sulat kung ito ay nasa malayo na ako. Muli, huwag po kayong mag-alala dahil darating din ang panahon na makuha kung muli ang uuwi diyan pero sa ngayon ay hindi ko pa alam kung paano kayo haharapin. Hanggang sa muli po mommy, daddy. Jullianne Christine Ang nilalaman ng sulat na natanggap ng mag-asawang Chester at Jorelyn. " Ano ba itong nangyayari sa buhay natin asawa ko?