Chapter Sixteen MAUREEN Hindi ako makapaniwala sa balitang natanggap ko mula kay papa. Kanina pagbaba ko ng aking kwarto ay niyaya niya kaagad ako sa barangay upang makipag-usap sa mga agriculturists na inimbitahan ng barangay upang maging katuwang sa proyekto ng administrasyon ni papa patungkol sa agriculture. At dahil ako ay nagtapos ng agriculture ay ako ang inasahan ni Papa upang makipag-usap sa mga ito. Hindi ko naman siya binigo kaya naman sumama ako kaagad sa kanya. Ngunit pagkatapos nito ay halos hindi makapagsalita ang dumating na lalaki na halatang pagod na pagod sa pagtatakbo. "Captain captain!" Hingal na hingal na wika nito habang papalapit kay papa. " Ricardo bakit parang hinahabol ka ng itak ng kung sino?" Nagtatakang tanong ni Papa sa lalaking hingal na hingal sa hara