Chapter Thirteen MAUREEN GINULAT KO SIYA. Paano ba naman kasi ay nanghihingi na agad siya ng premyo kapag tinawag niya akong Ganda. Hindi pa naman available ang mga damit na ipinalaba ko kaya naman nakaisip na lang ako ng ibang paraan upang maibigay sa kanya ang premyo na hinahanap niya. Halik. Sipsip Kaluluwa. Sibasib. Ganyan ko i-describe ang ginawa kong paraan upang maibigay sa kanya ang premyo. Hindi ko na iniisip kung may mangyari man sa amin na hindi maganda habang nagmamaneho siya kaya naman naging proud ako sa kanya dahil nagawa niya pang ihinto sa gilid ng daan ang sasakyan habang sinisipsip ko ang kanyang kaluluwa. Natigil lamang ang pagsibasib ko sa kanya ng matauhan ako dahil ma tao pala sa lugar na aming pinaghintuan. "UUHHMmmmttssssppp," siya na mismo ang kumalas s