Chapter Eleven

2530 Words

Chapter Eleven NATHAN SOBRANG LAKAS ng trip niya sa akin. Hindi ko inaasahang darating siya sa ganong lebel ng kapangahasan. Napapailing na lang ako habang papalabas ako ng kusina patungo sa aming quarters. Hindi ko maikakailang madali akong naapektuhan sa kanyang ginawa sa akin dahil napakadali ko lang talagang talaban ng mga ganong pangyayari. Agad akong kumuha ng bihisan at tuwalya at nagtungo sa may banyo sa kusina para maligo. Gusto kong humupa na ang nararamdaman kong init sa katawan ko dahil sa sobrang kapilyuhan at kapusukan niya. Ipinanagko ko kahapon at kanina sa sarili ko na iiwas ako hangga’t maaari pero heto ako at nagpapadala sa kanyang mga ginagawang bagay na nakakapagpabuhay ng aking kakaibang damdamin. Pagkaligo ko ay nahiga muna ako saglit dahil mainit pa sa labas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD