Sarah Nagising ako sa umaga dahil sa ingay na aking naririnig. Malakas na tawanan ng mga kaibigan nila Jane at Jake na para bang nag-aasaran. Inaantok akong kinapa ang aking cellphone at tinignan kung anong oras na. Tila ba tuluyan nang nagising ang diwa ko nang makita ang oras mula sa aking cellphone. Alas-singko pa lang ng umaga ngunit para bang gising na gising pa ang kanilang mga tinig. Umupo ako sa kama habang unti-unting ini-unat ang aking mga balikat. Kapagkuwan ay muli kong ibinalik ang aking atensyon sa aking cellphone upang tingnan kung may mensahe o tawag ba ang aking asawa. Pakiramdam ko ay nanlumo ako nang makita na hindi man lang nagparamdam sa akin si Jonas. Bagsak ang balikat ko na sumulyap sa bintana. Nang hindi pa ako nakuntento sa aking nakikita ay tuluyan na akong