Sarah Nagising ako na puting kisame ang sumalubong sa mga mata. Narinig ko ang ingay sa aking paligid dahilan upang tuluyan nang magising ang diwa ko. Mukha ng mga kaibigan ko na pinangungunahan ni Jane ang agad kong nakita. Kumunot ang noo ko at pilit na inaalala ang mga nangyari. Nang mapagtanto kong nasa loob ako ng kwarto ng isang bahay pagamutan ay mabilis na binalot ng kaba ang puso ko. Muling bumalik ang mga mata ko sa aking mga kaibigan ngunit mas lalo pang binalot ng kaba ang puso ko nang isa-isa silang mag tinginan. Na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata sa paraan na iyon. Kahit sino sa kanila ang tititigan ko ay hindi magawang salubungin ang aking mga mata. Hanggang sa dumapo at tumigil na lang ang mga titig ko kay Jane. Huminga siya ng malalim ngunit hindi k