Jonas "Ma, tulungan mo akong makunbinsi si Papa. Unang birthday ng anak ko at gusto namin ng malaking selebrasyon para sa kanya. Pero pano ko magagawa iyon kung nakikialam si Papa? Ma, please help me. I don't know what to do anymore," nagmamakaawang sambit ko habang kaharap ang aking Ina. Napahilamos na lang ako ng sarili kong mga palad dahil sa panghihina. Aamin kong nahihirapan na ako sa sitwasyon kong ito. "Ma, wala akong balak na habang buhay na lang itago ang anak ko. Apo rin naman siya ni Papa pero bakit hindi niya matanggap si Jehan? Ma, dapat no'ng isang buwan pa ang kaarawan niya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nabibigyan ng magandang selebrasyon," dagdag pang sabi ko. Napalingon ako sa anak ko na tahimik na nilalaro ang hawak niyang doll. Ako ang nasasaktan para