Sarah Hanggang sa nakasakay na ako ng sasakyan ay binabagabag pa rin ako ng mga salita ng lalaking iyon. Hindi ko maintindihan ngunit para bang tumatak sa puso at isipan ko ang kanyang mga sinabi. Base na rin sa ekspresyon nito ay para bang ang tindi ng galit nito sa akin. Nagising lang ako sa pagkatulala nang marinig na nagsalita ang kasama kong driver. "Ma'am, ayos lang ba kayo?" tanong nito kaya alanganin akong ngumiti at tumango sa kanya bilang sagot. Umiling ako at pinilit na iwaksi ang aking isipin mula sa alaala ng lalaking iyon. Tahimik akong tumitig sa labas ng bintana habang patuloy na binabaybay ng sasakyan ang daan pabalik ng bahay. Madilim na sa labas niyon ngunit nagbibigay ng liwanag ang mga ilaw sa mga poste. Sana naman sa pag-uwi ko ay nandoon na si Mama at nagh