Chapter 8

3124 Words
Sarah "Ma, hindi ka ba talaga sasabay sa amin?" tanong ko pang muli. Pang ilang ulit ko na bang itinanong 'yon sa kanya ngunit nakangiti lang siyang umiiling bilang sagot. Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang ngiting naka-ukit sa bibig ni Mama. Hindi ko mawari ngunit para bang may kakaiba rito. " Ma, may problema ba?" seryoso ko nang tanong. Kahit wala man sinasabi sa akin si Mama ay alam kong may mali at ramdam kong may kakaiba sa mga kinikilos niya nitong mga nakaraan na mga araw. Sana nga ay napapraning lang ako. Sana nga ay wala lang itong napapansin ko. "Jonas, ikaw na ang bahala sa anak ko. Ingatan mo sana siya at huwag na huwag mong sasaktan. Alam kong mahal mo siya at hindi mo siya pababayaan!" nakangiting sambit ni Mama sa halip na tugunin ang aking sinabi. Mariin akong napatitig sa kanya. Sinusuri ang kanyang bawat galaw at iniisip ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Ang dati niyang ngiti ay umaabot hanggang taenga at nawawala pa ang kanyang mga mata kapag ngumingiti ngunit ngayon ay hindi na, kakaiba na 'yon at para bang pilit lamang. "Ma, kahit naman hindi mo sabihin 'yan sa akin ay gagawin ko po. Hindi ko po pababayaan ang asawa ko. Alam mo naman na mahal na mahal ko 'yan," nakangiting sagot ni Jonas at kinindatan pa ako. Nangangako ang tinig nito ngunit wala do'n ang atensyon ko dahil binabagabag pa rin ako nang pinapakitang asal ni Mama. Tungkol na naman ba kaya ito sa aking Ama? Ano na naman ba kaya ang ginawa ng taong iyon? Ano na naman ang nakita ni Mama sa social media upang umasta na naman siya ng ganito? Mahirap na makita ang magulang mo na nahihirapan lalo na dahil wala kang alam na paraan upang mapagaan ang pakiramdam niya. Masakit magmahal ng subra at nakita ko 'yon kay Mama. Mahirap magmahal nang hindi man lang nagtitira para sa sarili dahil hindi mo sigurado kung hanggang saan at hanggang kailan ang sayang naidudulot nang taong minamahal mo. Nasaksihan ko mula sa kanya kung gaano kahirap magmahal ng subra ngunit sa huli ay lulukuhin ka lang din pala. "Sige na, lumakad na kayo," nakangiting pagtataboy ni Mama sa amin. Mahinang natawa si Jonas at napa-iling pa ito sa inasal ni Mama. Gusto kong matawa ngunit hindi ko magawa dahil sinasakop ng matinding kaba ang puso ko. "Ma, mahal na mahal kita!" malambing kong turan. Nakangiting tumango ang aking Ina bago ako linapitan at niyakap ng mahigpit. "Mahal na mahal din kita 'nak. Palagi mong tatandaan na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko!" emosyonal na sambit ni Mama. Pinakawalan niya ako sa kanyang pagkakayakap at pinakatitigan ng maigi ang mukha ko. Halo-halong emosyon ang makikita sa kanyang mga mata ngunit mas nakaagaw ng pansin ko ang nagbabadya nitong mga luha. "Mas mahal kita, Mama!" natatawa kong sagot. Napanguso ako nang sabay na tumawa si Mama at ang asawa kong si Jonas. "Babe, kailan ka ba magpapatalo sa bagay na 'yan?" natatawang tanong ni Jonas. "Never. Asa ka pa," nakangisi kong sagot. Napailing na lang sila sa inasal ko kaya mas lalong lumawak ang pagkakangisi ko. Kailanman ay hindi ako magpapatalo pagdating sa bagay na 'yon. Alam ko sa aking sarili na wagas akong magmahal at hindi 'yon mahihigitan ng ibang tao dahil binibigay ko ang lahat sa akin para sa mga taong minamahal ko. Hindi ako nagtitira para sa sarili ko kapag ramdam kong importante ako sa kanila. Buong puso kong sinusuklian ang pagmamahal na natatanggap ko mula sa kanila, sa mga kaibigan ko at lalo na kay Mama at sa asawa kong Jonas. Kahit ang anak kong hindi ko pa man nasisilayan ay lubos ko nang minamahal. "Jonas, ikaw na ang bahala sa anak ko," pahabol na sigaw ni Mama nang palabas na kami sa malaking pintuan. Lumingon ako sa kanya at nakangiting kumaway ngunit biglang nawala ang ngiting 'yon nang makita ko ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Mabilis akong naglakad pabalik kay Mama at muli siyang niyakap ng mahigpit. "Ma, alam mong nandito lang ako para sa'yo. Pwede mong sabihin sa akin ang mga problema mo," sabi ko sa pagitan ng aming yakapan. Ilang segundo lang ay bumitaw na ako at hinawakan siya sa pisngi. "Ma, huwag mong sulohin kung hindi mo na kaya ang sakit dito, hindi magandang kinikimkim ang sakit sa iyong puso," seryoso kong sambit habang nakaturo sa kanyang puso. " Sorry 'nak, nakalimutan kong hindi ka na nga pala bata. Matanda ka na at naiintindihan mo na ang mga nangyayari sa paligid mo. Alam kong matatag ka at kakayahin mo nang harapin ang mga pagsubok sa buhay mo,"emosyonal na sambit ni Mama habang hinahaplos ang mukha ko. Makahulugan ang kanyang mga ngiti na ibinigay sa akin na lalong nagpakaba sa puso ko. "Sarah, anak, kahit ano man ang mangyari, kahit masaktan ka pa ng iba, huwag na huwag mong hahayaan na kainin ka ng galit," seryoso nang sambit ni Mama, at nawala na ang ngiting nakaukit sa kanyang labi. Agad na binalot ako ng matinding kaba sa kanyang sinabi. Sana ay balewala lang itong nakikita kong kakaiba sa mga kilos at gawa ni Mama. "Anak, tandaan mo na minsan ay hindi masama ang bumitaw kapag nahihirapan ka na, matuto kang tanggapin ang katutohanan na hindi nagtatanim ng galit sa puso mo. Tandaan mo na ang lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan," sunod-sunod akong napakurap sa sinabi ni Mama. Ramdam ko rin na nagsalubong ang kilay ko sa subrang kalituhan. Akala ko ba ay siya itong may problema pero bakit bigla na lang bumaliktad at bumalik sa akin ang mga salita niya. Malakas akong napabuntong hininga nang mahinang tumawa si Mama, napansin niya yata ang kalituhan sa mukha ko dahil sa mga pangangaral niya. "Alam mo Ma, minsan ang gulo mong kausap," sinamaan ko siya ng tingin ngunit tawa lang ang kanyang sagot. "O, sige na, umalis na kayo. Alam kong sabik na sabik ka nang makita ang mga kaibigan mo lalo na ang mga anak ni Jane," natatawang sabi ni Mama. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko dahil sa kanyang sinabi. Muntik ko nang makalimutan na magkikita nga pala kami ng mga kaibigan ko sa mansyon nila Jonas dahil dumating na sila Jane galing Dubai. "Bye Ma, mahal kita. Hep hep...huwag ka nang sumagot dahil mas mahal kita!" natatawa kong sabi at linagay pa ang daliri ko sa kanyang bibig. Nakangiting napapa-iling na lang si Mama sa inaakto ko dahil alam naman niyang hindi talaga ako magpapatalo. "Anong drama niyo mag-ina?" natatawang tanong ni Jonas nang makapasok na kami sa kanyang sasakyan. " Ewan ko do'n kay tandang Ara, ang daming arte sa buhay," paismid kong sagot na kinatawa ni Jonas. Napatingin ako sa unahan at hulihan ng aming sasakyan bago dumapo ang nagtataka kong tingin kay Jonas. Sa subrang lutang ko dahil sa mga sinabi ni Mama ay ngayon ko lang napansin na wala pala kaming mga kasama. " Himala, bakit wala kang bantay? At bakit ikaw ang nagmamaneho?" nagtataka kong tanong. Sandali siyang tumingin sa gawi ko ngunit agad din bumalik sa daan ang kanyang tingin. " Wala. Sa bahay naman tayo pupunta kaya hindi na sila kailangan pa. Pinagpahinga ko muna sila," nakangiti sagot ni Jonas. Tumango tango ako bilang pag sang-ayon. "Ewan ko ba sa'yo, bakit ba kasi ang dami mong bantay? E, ang tanda tanda mo na, hindi ka na bata pa para makidnap," paismid kong sabi bago kinuha ang bubble gum sa loob ng bahaging iyon ng sasakyan kung saan nakapatong ang mga siko namin ni Jonas. "Babe, aahhh..." napangiti siya nang makitang susubuan ko rin siya ng bubble gum. " I love you!" nakangiting sambit ni Jonas kapagkuwan. "Mas mahal kita, Jonas. Tapos ang usapan," napailing siya nang ngumisi ako sa kanya. Kumulang isang oras ang tinakbo ng sasakyan bago namin narating ang mansyon ng mga Alcantara. At sa kumulang na isang oras na 'yon ay magulo ang isipan ko dahil hanggang sa mga sandaling 'yon ay binabagabag pa rin ako ng mga salitang binitawan ni Mama. Hindi ko matukoy kung ang aking Ama ba ang kanyang tinutukoy o ang aking asawang si Jonas. Alin man sa dalawa ang tinutukoy niya ay kinakabahan ako. Hindi ako handa sa anumang sakit na maidudulot nila sa buhay ko. "Babe, tumahimik ka na lang bigla. Ayos ka lang ba?" tipid akong ngumiti at tumango kay Jonas dahil sa naging tanong niya. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga iniisip ko ngunit para bang may pumipigil sa akin upang huwag 'yon banggitin sa kanya. Ayaw ko siyang pagdudahan dahil alam kong masasaktan ko siya pag ginawa ko 'yon. Alam kong mahal niya ako at may tiwala ako sa kanya. Bumalik lang ang sigla ko nang matanaw ko na ang matayog at kulay kayumangging gate ng mansyon ng mga Alcantara. Kung titingala ka ay agad mong makikita ang isang bahay na may mga armadong lalaki na palakad-lakad at ang iba ay naka-upo habang nakatuon ang pansin sa paligid ng mansyon. Hindi na rin kinailangan pa ni Jonas na bumusina dahil agad nang bumukas ang gate pagkakita pa lang nila sa sasakyan namin na paparating. "Someone's happy!" nakangiting sambit ni Jonas pagka-park niya pa lang ng sasakyan sa harap ng pintuan. Nakangiti akong tumango bago binuksan ang pintuan at lumabas. Hindi ko na hinintay pa si Jonas na kinakausap pa ang lalaking pinagbigyan niya ng susi dahil mabilis na akong naglakad papalapit sa pintuan. "Huwag mo akong kausapin, Tanda. Do'n ka kay kuya," "E bakit ba, ikaw ang gusto kong kulitin, bulilit," "Kuya, inaasar ako ni Tanda," "Kahit magsumbong ka pa kay Nanay at Tatay, hindi ka nila tutulungan." "Kuyaaaaaaa..." "HAHAHA, ang pangit mo talagang bulilit ka." "Kuyaaa...." "Jethro, tama na 'yan," "See that? Kakampi ko si Kuya," "Tito Mico, laro tayo," "Tito, huwag po, inaasar ako niyan," "Huwag mo akong kausapin," "Hindi kita kinakausap, ikaw ang lumapit sa akin, matanda ka," Napatakip ako ng bibig pagkabukas ko pa lang ng pinto. Ang gandang pagmasdan nang dalawang magkapatid na nagtatalo, ang bunso sa triplets na si Jethro ay inaasar ang bunso nilang kapatid na si John Jacob na nagsusumbong naman sa panganay nila na si Xander. Napatingin ako sa paligid at napangiti ako ng malawak nang makitang tuwang tuwa rin ang mga kaibigan ni Jane at Jake habang pinagmamasdan ang dalawang batang nag-aasaran. "Tita Sarah..." biglang sigaw ng matinis na tinig. Mahina akong natawa nang makitang tumakbo papalapit sa gawi ko ang kaisa-isang anak ni Jane at Jake na babae. "Akhira...namiss kita," masaya kong sambit habang yakap siya ng mahigpit at may pananabik. "Namiss din po kita, tita ganda," masigla nitong sagot at bahagya pang tumawa. Parang kailan lang ay mga bata pa lang sila ngunit ngayon ay nagdadalaga at nagbibinata na sila. Isa-isang lumapit sa akin ang mga anak ni Jane at Jake upang bigyan ako ng yakap. Ang panganay niyang si Xander ay abala sa kanyang cellphone ngunit lumapit din samantalang ang basagulero nilang si Jethro ay may maliit na sugat sa gilid ng kanyang labi. Ang masungit nilang bunso ay abala rin sa paglalaro sa kanyang ipad ngunit mas nakaka-aliw panoorin ang nag-iisa nilang babae na masama ang tingin sa lalaking nakasunod sa kanya kahit saan man ito magpunta. " Pwede ba, Adrian, lubayan mo na ako dahil hindi ako tatakas!" masungit nitong sabi at sinamaan pa ng tingin ang lalaking kausap nito ngunit balewala lang ito para sa lalaki dahil patuloy pa rin siyang sinusundan. "Sarah..." napatingin ako kay Jane nang tawagin niya ang pangalan ko. Nakangiti siyang lumapit at binigyan din ako ng mahigpit na yakap. Sunod-sunod na lumapit ang mga kaibigan ni Jane upang batiin ako at natatawa na lang ako sa kalukuhan nila Clark at Dave. Ilang taon na ang lumipas ngunit ang kalukuhan ng mga kaibigan ni Jane ay wala pa rin pagbabago. Kung gaano sila kakulit nang makilala ko sila ay gano'n pa rin sila hanggang ngayon. Madalas ay ginagawang katuwaan ang bawat isa. "Jaze, kumusta?" napangiwi ako sa sariling tanong ngunit mahinang kinatawa lang 'yon ni Jaze. "Ayos na ako. Kahit sa kabila nang ginawang pang-iiwan ng pinsan mo sa akin ay nakabangon na naman na ako," sagot nito bago ako niyakap. "Mico," mahinang usal ko sa pangalan niya habang nakahanda na ang braso kong yakapin siya. Hindi ko alam kung paanong nagawang sirain ni Nica ang perpekto nilang relasyon, na kung tutuusin ay napaka-swerte na niya kay Mico ngunit dahil sa walang kwenta niyang dahilan ay nagawa pa niyang makipagtalik sa ibang lalaki. Si Mico ang tipo ng lalaki na gugustuhin ninuman ngunit sinayang pa rin niya. "Anong mukha 'yan, Sarah?" natatawa niyang tanong. "Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. Saksi ako sa masaya nilang relasyon ni Nica at kailanman ay hindi ko naisip na sa iba mapupunta si Nica. Buong akala ko ay sila na hangang wakas ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at bigla na lang nitong tinatapos ang maliligayang araw sa hindi mo inaasahan na pagkakataon. "Maayos na ako. Masaya na ako para sa pamilya niya at masaya na rin ako para sa sarili ko!" nakangiti nitong sambit. Mariin akong napatitig sa kanya dahil minsan ko nang nasilayan ang totoo at masaya niyang ngiti at alam kong totoo ang ibinigay niyang ngiti sa akin sa puntong ito at hindi pagkukunwari lamang. Totoo ang ngiting nakikita ko ngayon, senyales na nakalimot na nga talaga siya sa sakit na naidulot ng pagkasira ng matagal nilang relasyon. Napaigtad ako nang bigla na lang may pumalibot na braso sa tiyan ko at niyakap ako mula sa likuran. "Babe, kanina ka pang nakatulala kay Mico, baka naman matunaw na siya niyan," mahina akong natawa sa ibinulong ni Jonas. Ang asawa kong 'to na hanggang ngayon ay nagseselos pa rin sa relasyon nina Jane at Mico bilang magkapatid. Hindi ko siya masisisi dahil subrang lapit nga ng dalawang 'yon sa isa't isa. Dinaig pa nila ang samahan ni Jonas at Jane bilang tunay na magkapatid. "Kainan naaa..." bigla ay sigaw ni Dave. Nakadungaw mula sa nakabukas na pinto ang kanyang ulo habang may hawak itong hita ng manok. Nagtawanan ang kanyang mga kaibigan sa kabaliwan nito. Ilang taon na mula nang makilala ko sila ngunit hanggang ngayon ay matakaw pa rin ang isang 'to. "Ma, Pa..." masaya kong sambit nang makita ang mga magulang ni Jonas na nakangiting nakamasid sa akin. Agad akong lumapit sa kanila at yumakap bago sumunod sa hapag-kainan. Hindi ko man naranasan ang magkaroon ng Ama ay nandiyan naman ang mga magulang ni Jonas. Maswerte ako dahil ipinaramdam nila sa akin kung ano ang pakiramdam nang magkaroon ng kumpletong magulang. Minsan ay mas anak pa ang turing nila sa akin kung ingatan, ang sarap sa pakiramdam na alam mong mahal ka nila at hindi sila papayag na masaktan ka. Sunod-sunod akong napalunok nang makita ang mahabang lamesa na punong-puno ng iba't ibang klase ng pagkain. Mahina akong napatawa nang umismid si Jonas nang makitang magkatabi sa upuan sina Jane at Mico, napapagitnaan nila Mico at Jake si Jane habang nasa tabi ni Mico ang tahimik na si Xander at kinakausap ito. Parang batang napapalakpak si Jane habang nakatingin sa bagong dating na pagkain. Napatingin ako kay Jonas dahil isa rin ang biryani sa mga paborito niya. Bumalik ang tingin ko sa pagkain at kay Jane na naghahanda nang maglagay sa kanyang plato ngunit agad din napatigil nang sabay na isigaw ng mga magulang ni Mico ang kanyang pangalan. "Ma, Pa..." nagugulat na sambit ni Mico. Lahat ay napatingin sa mag-asawa dahil sa pagsigaw nila sa pangalan ni Jane. "Honey, ang kapatid mo," nakaturo ang kamay ng Mama ni Mico kay Jane. Sumunod do'n ang tingin ni Mico at agad na napatayo ito dahil sa nakita niyang gagawin ni Jane. "Baby girl, bawal ka niyan," sigaw rin bigla ni Mico at bahagya pang pinalo ang kamay ni Jane na nakahawak na sa pagkain. "Masakit ah..." nakangusong sambit ni Jane. "Sorry, baby girl, pero bawal ka no'n," mahinahon nang sambit ni Mico at hinalikan pa sa ulo si Jane. "Tita, Tito, may nuts allergy po siya," nakangiwing sambit ni Mico sa nagtatakang magulang ni Jane at Jonas. Napatango ang mag asawang Alcantara bago nagkatinginan at ngumiti sa isa't isa. "Pero Kuya, gusto ko 'yon," napabuntong hininga na lang si Mico habang nakatingin sa nakasimangot na si Jane. Kinuha ni Mico ang malaking plato na naglalaman ng biryani at pumasok sa kusina. "Teka, dude, pahingi ako niyan," sigaw ni Dave at hinabol pa si Mico habang dala-dala nito ang kanyang plato . Nagsimula na kaming kumain ngunit nakasimangot pa rin si Jane at ayaw pang kumain. Napapangiwi na lamang ang kanyang mga anak sa nakikitang inaasal ng kanilang Ina. Siguro ay nasanay na rin sila na minsan ay may pagka-isip bata talaga itong si Jane lalo na pag nasa harapan siya ni Mico. "Sorry na. Heto, kumain ka na," mabilis na nagliwanag ang mukha ni Jane nang ilagay ni Mico sa harapan niya ang pinaghalong dilaw at puting kanin na may manok sa ibabaw nito. Wala ng kahit ano pang nuts o seeds sa biryani kaya malaya na iyon nakain ni Jane. "Iba ka talaga, goodboy. Hanggang ngayon ba naman ay bini-baby mo pa rin 'yang si Jane," natatawang sabi ni Clark ngunit tanging ngisi lang ang naging sagot ni Mico sa kanya. Nakangiti niyang pinanood si Jane na magana nang kumakain, hinalikan muna niya ito sa ulo bago kumuha ng sarili niyang pagkain. Ang swerte ng babaeng makakatuluyan ni Mico at nakakapanghinayang lang dahil sinayang lang siya ni Nica, ngunit hindi na dapat ako masayangan pa dahil nakikita kong pareho na silang masaya ngayon sa kani-kanilang buhay. "Sorry, nahuli kami ng dating," lahat ay napatingin sa pinto kung saan nanggaling ang tinig na 'yon. Nandoon si Trina kasama ang kanyang mga magulang. Isa-isa niyang binati ang nandoon bago naghanap ng mauupuan. Napangiwi siya nang makitang dalawa na lang ang bakante sa tabi ng magulang ni Jonas. "Here po, you can use mine po," magalang na turan ng bunsong anak nila Jane at Jake. Agad itong tumayo sa kinauupuan sa tabi ni Jonas at naglakad papalapit sa kanyang ama na si Jake. "Good boy, 'nak!" masayang sambit ni Jake at pina-upo sa kandungan niya ang limang taon niyang bunso. "Bulilit, hindi ka na bata. Huwag ka nang magpasubo pa kay Tatay," nakangising sabi ni Jethro na inaasar ang bunsong kapatid. Napa-iling na lang ang kanilang kuya Xander dahil para itong aso at pusa kung magtalo, nang-aasar ang kuya at hindi rin magpapatalo ang bunso. Balang araw, kung bibigyan man ako ng pagkakataon ay gusto ko rin magkaroon ng malaking pamilya tulad nitong nasa harapan ko. Maingay at magulo ngunit nasisiguro kong masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD