Ang kalupaan ng Sangoroa ay binubuo ng pitong kapuluan.
Sa hilaga ang pulo ng Cyphrus,sa kanluran ang pulo ng Terancia,sa timog ang pulo ng Baracido,sa silangan ang pulo ng Draciles,sa gitnang kanluran ang maliit na pulo ng Tradis,sa gitnang silangan ang pulo ng Aprocolus at ang sentro ang syudad ng Kriska.
Ang bawat pulo ay may sariling natatagong yaman bukod sa pinakamaliit na pulo ng Sangoroa na nasa gitnang kanluran,ang pulo ng Tradis na napag iwanan ng kabihasnan dahil sa pamugaran ito ng masasamang tao at wala na din masyado naninirahan dito dahil sa mapanganib na pulong ito.
Kasalukuyang nagaganap ang digmaan sa syudad ng Kriska.Ang sentro ng lahat ng uri ng kalakalan,komersyo at maging mga makabagong teknolohiya ng Sangoroa.
Si Ken Taikyu ang unang mandirigmang Crimson at siya ding pinakamataas na lider ng grupo.Bagamat nasa trenta anyos na ay bakas pa dn sa pangagatawan ni Ken ang kabataan nito.Gwapo,matikas at matipuno na binatak ng digmaan ang hubog ng katawan nito kasabay na dn ang walang humpay na pagsasanay sa ilalim ni Hen.Kwang Lee.Lahat ng kaalaman at karanasan ng pinakamagaling na heneral ng kasaysayan ay ibinuhos nia kay Ken para gawin itong pinaka magiting na mandirigma ng imperyo.Dahil sa pagtupad at katapatan ni Hen.Kwang Lee sa imperyo at mahal na empress,hindi na ito nagkaroon ng sariling pamilya.Kaya anak ang turing nito kay Ken.Sa kaalaman ng lahat si Ken ay biktima ng digmaan.Nakita siya ng heneral at kinupkop ito.Si Hen.Kwang ang may natatanging kakayahan.Ito ang Eye Chamber o ang kakayahang makita ang isang nilalang kung nagtataglay ito ng kakaibang kakayahan at kapangyarihan.Kaya napukaw ni Ken ang heneral dahil ng makita siya nito ay may kakaibang pwersa sa pagkatao ni Ken.Kaya kinupkop siya ng heneral para sanayin at gisingin ang natatago nitong kapangyarihan.
Sa pamumuno ng unang Crimson si Ken Taikyu,dumating ang kanyang matapat na alagad at kanang kamay,ang pinunong heneral ng hukbo si Gen. Casmid,dala ang masamang balita.Lumuhod muna ito sa harap ni Ken tanda ng pag galang
Panginoong Ken sambit nito.Kasalukuyang nasasakop na ng imperyong Raksaha ang sentro.Ipinag katiwala ng empress Yi shen at Gen. Kwang Lee ang pakikidigma sa sentro kay Ken dahil sya ang pinakamalakas na miyembro sa kasalukuyang mga Crimsons.Dahil ang sentro ng Sangoroa,ang syudad ng Kriska ay hindi pwedeng mapasakamay ni emperador Ji Sok Du.Ganun kahalaga kay Ken ang digmaan dito kaya hindi maipapaliwanag ang nararamdaman niyang galit.
Nangalit ang ngipin ni Ken sa narinig at tumingin sa rebulto nakadisplay sa kanilang kampo at bigla na lng itong nabasag!
Si Ken ay may natatanging kakayahan.
Ito ang kapangyarihan ng isip at damdamin o ang tinatawag nilang Power of Will. Napayuko sa takot si Gen.Casmid ngunit wala syang magawa dahil naiintindihan nya ang galit ng pinuno.Ang pagkapanalo sa Kriska ang magtatakda ng kahihinatnan ng digmaan.
Dahil nasa Kriska ang lahat ng makabagong teknolohiya maging komersyo na syang mapagkukunan ng lahat ng kakailanganin sa susunod pang mga labanan.
Nasa Kriska dn ang mga nakatagong sinaunang scroll at mahikang itim na siyang pakay talaga ng imperyong Raksaha.
Ang kasaysayan at lihim ng Sangoroa ay nasa syudad dn ng Kriska.
Kaya hindi ito puwedeng masakop ng imperyong Raksaha.
Dahil pag napasakamay ito ng kalaban,madali na rin masasakop ang natitirang pulo ng Sangoroa!
Anung nangyari at tayo ay natatalo?Lingid sa kaalaman ng lahat ang imperyong Dinxhang ay hindi ganoon karaming mandirigma gaya ng Raksaha ngunit ang bawat mandirigma ng Dinxhang ay sinanay mabuti ang kakayahan.Kakayahang tumalo ang bawat mandirigma ng isang libong kalaban!
Kaya ganun na lang ang pagtataka ni Ken sa tanong nito bakit sila ay unti-unti nang natatalo.
Bago ang digmaaang ito,nagpadala s Ken ng espiya upang alamin ang pwersa na kalaban.Ang taktika ni Ken ay hangga't maari ay tapatan lamang ng ang bilang ng kawal ng kalaban sa lakas.Para limitahan lamang ang sarili niyang kawal.Kaya importante na magparating ang espiyang ipapadala ni Ken sa kalaban para alamin ang halos eksaktong bilang ng hukbo!
Panginoon,sambit muli ni Hen.Casmid,ang pinunong heneral ng ating kalaban ay may kakaibang taktika!
Ikinagulat ito ni Ken,dahil sa nagpadala na siya ng espiya para sa impormasyon ito.
Magpatuloy ka sambit nito kay Hen.Casmid.
Ang naging taktika ng kalaban natin ay tapatan ang kakayahan ng ating mandirigma sa bilang!
Anung ibig mong sabihin?sambit ni Ken
Lingid sa kaalaman niyo panginoon ay may hindi mabilang na mandirigma ang imperyong Raksaha,ang ginawa ng kanilang pinunong heneral ay kapag nakatalo na ng isang libo ang ating isang mandirigma ay may nakaabang uli na isang libong kawal ang imperyo para labanan siya at kung hindi pa ito sapat ay magpapatuloy ang pagpapadala nia ng kawal hanggang sa magapi ang ating mandirigma.
Ngayon ang lubusan nang naintindindihan ni Ken ang sitwasyon.
Hindi na mahalaga ang impormasyong inihatid sa kanya ng espiya bago ang digmaan dahil nag bago na ang bilang ng kawal ng kalabang imperyo.
Masyadong malupit ang heneral na ito sa kanyang kawal.
Ang tinutukoy na heneral ni Hen.Casmid ay si Hen.Kang Ming.Ayon sa karamihan ay kilala si Hen.Kang sa pagiging malupit at walang pagpapahalaga sa buhay ng iba.
Minsan na may nahuli ito na kawal niya na hindi na maitaas ang sandata sa pagod at gutom dahil na rin sa pakikidigma ay bigla na lng niya itong pinutulan ng braso,sabay sabi sa mga kawal nia,"Kung d niyo rin lang magagamit ang inyong braso,ay puputulin ko na lang ito"walang lugar sa digmaan ang mga lampa at walang silbi!
Ganito kalupit ang heneral na ito.
Nagpatuloy si Casmid sa pag babalita.
Sa ngaun panginoong Ken nalagas na sa kalahati ang bilang ng ating mga mandirigma!
Sa kalukuyang may dalawang daang libong mandirigma ang nakikipaglaban sa sentro,ngunit ang kawal ng imperyong Raksaha ay nasa humigit kumulang na dalawang daang milyon!
Hindi pa kasama ang mga naka antabay na kawal sa silangang bahagi ng Kriska kung nasaan ang kampo ng kalaban.
Nagsalita si Ken,Hen.Casmid tawagin si Asra.
Si Asra ay isa sa pinakamagaling na espiya ng imperyong Dinxhang.Siya rin ang ipinadalang espiya ni Ken para tiktikan ang kabilang imperyo bago ang digmaan.
Agad na tumawag si Hen.Casmid ng kawal para ipatawag si Asra.
Ang kawal ay nagmadaling umalis para tawagin ito.
Pagkadating ni Asra,lumuhod ito sa harapan ni Ken tanda ng pag galang gaya ni Hen.Casmid.
Nagsalita si Asra;panginoon patawad!ang impormasyong inihatid ko sa inyo ay hindi nakatulong sa digmaan.
Asra sambit ni Ken.
Wala kang kasalanan
Panginoon ang tugon naman ni Asra.
May ipapagawa ako sa iyo,magsama ka sa mga pinagkakatiwalaang mong kawal at magpunta kayo sa silangang bahagi ng Kriska kung nasaan ang kampo ng kalaban.
Mag espiya ka at alamin ang kabuuang bilang ng kawal ng kalaban ito'y mapaghandaan natin kung sakali na magsimula na itong ipadala ng imperyong Raksaha.
Habang nagsasalita si Ken ay sumingit si Hen.Casmid.
Panginoon masyadong mapanganib ang pinagagawa niyo kay Asra,lingid sa inyong kaalaman may sarili ding espiya ang kalaban,kapag natunugan nila si Asra at ang kasama nito ay siguradong gugutay-gutayin ni Hen.Kang ang kanilang katawan.Lingid sa kaalaman ng lahat si Hen.Casmid at Asra ay magkapatid.Kaya ganun na lamang ang pag aalala ni Hen.Casmid.
Batid ito ni Ken kaya sinabi nia kay Hen.Casmid.
Patawad Casmid ngunit wala na akong ibang aasahan na gagawa nito kundi si Asra,alam ni Ken na malaking kawalan si Asra kung sakaling mahuli nila ito dahil siya ay isa sa pinakamagaling na espiya ng kanilang imperyo.Ang pag eespiya ni Asra bago ang kanilang pakikidigma sa anumang laban ay naghahatid na kalamangan sa kanila para sila ay manalo kaya kahit na ang imperyo ng Dhinxhang ay hindi kalakihan ay hindi ito basta-basta nasasakop ng ibang imperyo dahil sa kakayahan ng mga mandirigma at ng espiya nito.
Nagsalita si Asra,Kuya... sambit nito ngunit binago ang pagkakasambit,Hen.Casmid matagal ko na ginagawa ang pag eespiya,kaya wag ka na mag alala pa,magtiwala ka sa akin na mapagtatagumpayan ko ang misyon na ito pata sa ikakapanalo natin sa digmaan.Bagamat nag aalangan may tiwala si Hen.Casmid sa kakayahan ng kanyang kapatid kaya napatango na lang ito ngunit hindi pa rin maiiaalis sa mukha nito ang pag aalala.
Nagsalita si Ken.
Patawad Casmid.
Nasabi niya ito dahil nakita ni Ken ang pag aalala sa mukha para sa kaligtasan ng kapatid.
Ngunit biglang nanilukhod si Hen.Casmid sa kanyang kinatatayuan habang nakatikom ang kamao at inilagay sa dibdib sabay sabing;
Panginoon hindi mo kailangan humingi ng tawad,ang iyong salita at utos ay ang aming karangalan,ikinararangal namin na paglingkuran ka at ang imperyo.Handa kami itaya ang aming buhay sa digmaang ito.
Ganito katapat ang mga mandirigma nag imperyong Dhinxang.
Pinatayo na siya ni Ken,at nagsabing;
Salamat,hindi ko man nasusuklian ang katapatan niyo sa imperyo ngunit heto kayo at handang ibuwis ang buhay para digmaan.Ang inyong tagumpay sa digmaang ito at ang maging bahagi nito ay aming ikinararangal,sabay itong sinambit ng magkapatid na Hen.Casmid at Asra.
Asra humayo ka at ang iyong piling mandirigma,sana magtagumpay kayo sa misyon,sabi ni Ken.At humabol pa siya ng utos.
Umuwi kang buhay!
Lumuhod si Asra bilang pagtugon sabay biglang naglaho na lng na parang bula!
Nagpaalam na rin si Hen.Casmid para bumalik sa pakikidigma sa sentro.
Mauuna na po ako panginoon sambit nito,kelangan ko ng bumalik sa sentro para alamin ang kaganapan doon,paalam ni Hen.Casmid.
Sasabay na ako sa iyo para makita ko ang sitwasyon sambit ni Ken ngunit pinigilan siya ng heneral.
Huwag panginoon,hangga't hindi lumalabas ang pinuno ng 7 Warriors of Hell ay hindi ka pa kinakailangang pumunta sa digmaan sa sentro.
Ang tinutukoy ni Hen.Casmid na lider ay si Trenos!
Tanging ang grupo ng Crimsons ang kayang tumapat sa kakayahan at kapangyarihan ng Warriors of Hell.
Panginoon ito ang iyong paghandaan,hindi natin puwedeng balewalain ang kakayahan ng lider ng 7 Warriors of Hell!
Batid ito ni Ken at sumang ayon na kay Hen.Casmid na manatili sa kanilang kampo.
Magpapadala na lang po ako ng kawal para magbalita sa inyo sa nagaganap na digmaan,pagkasabi nito ni Hen.Casmid ay tuluyan na rn itong nawala ng parang bula gaya ni Asta.
Habang nag iisang naiwan si Ken ay napatingin
ito sa kawalan at kinakausap ang sarili.
"Ipinapangako kong pagtatagumpayan ko ang digmaang ito mahal na empress Yi Shen at iaalay ang tagumpay sa iyo.Hindi ko hahayaang makubkob ng kalaban ang sentro!"
Si Ken ay may lihim na pag hanga sa kamahalan,ngunit ito'y hind batid ng empress.Hindi nakakapagtaka ang pag hanga ni Ken sa kamahalan.Minsan lng ng makita nia ito ng malapitan.Hindi ito sadya.Nasa hardin ng imperyo ang empress noon,habang si Ken naman ay sinasanay ang kakayahang tinatawag na Shunpo.Ito ay isang kakayahan na kung saan ay parang teleportation o bigla kang mawawala sa iyong kinaroronan sa isang iglap ngunit hind ka lalayo sa iyong kinaroronan sa layong sampung metro.Ngunit sa unang subok ni Ken sa kakayahang ito ay nagawa niyang makalayo sa pinanggalingan niya ng isandaang metro!Ngunit hindi pa kayang alamin at kontrolin ni Ken ang lugar na mapupuntahan nia.Kaya nagkataong napunta siya sa hardin kung nasaan ang empress.Bigla na lamang lumitaw sa harapan ni empress Yi shen si Ken kaya ang mahinhin na babae ay bigla na lamang napatili sa gitna ng pagmumuni.Sisigaw na sana ang empress sa pagkagulat ng makilala nia si Ken pala ang biglang lumitaw.
Ken?sambit ng kamahalan..
Nagkatitigan pa sila ng ilang segundo bago natauhan si Ken na ang hawak nia sa kanyang bisig ay walang iba kundi ang kamahalan.
Biglang bitaw ni Ken sabay yuko sabay sabing;
Patawad kamahalan!patawad sa kapangahasang aking nagawa!habang nakayuko si Ken ay hindi niya malilimutan ang sandaling nagkalapit ang mukha nila ng empress.Naipinta na sa kanyang isipan ang maganda nitong mukha.Ang mata na sing bughaw ng langit,ang ilong nito'y akala mo na hinulma sa pagkaperpekto ng pagkatangos nito.Ang pisngi nito na mamula mula na parang rosas.At ang labi nito na para bang laging nag aanyaya ng halik.
Ngunit biglang iwinaksi ni Ken ang kaisipang ito.Para sa kanya isa itong kalapastanganan.
Muli ay nagsalita si Ken.
Patawad kamahalan!Kulang ang kamatayan sa kapangahasang nagawa.
Ngunit bigla na lamang tumawa ang kamahalan at pinatayo si Ken.
Masyado mong pinapahiya ang iyong sarili.Sambit ng kamahalan kay Ken.
Ngunit kamahalan!ngunit napatigil na lng sa pag sasalita si Ken ng ikinaway ng kamahalan ang kamay nito para patigilin si Ken.
Anu bang nangyari at bigla kang lumitaw sa harap ko?
Ipinaliwanag ni Ken ang nangyari.
Ah ganun pala,naunawaan ito ng empress.
Masyadong kang abala sa iyong pag eensayo.Baka makalimutan mo na ang iyong buhay-pag ibig!sambit ng empress.Ikinabigla ito ni Ken dahil hindi niya inaasahan sa sasabihin ito ng empress.
Hindi maitatago ang pamumula ng mukha ni Ken.
Ang aking buhay ay nakaalay lamang po sa kamahalan at imperyo,sambit ni Ken.
Sa akin?
maang na sagot ng empress.
Nabigla na naman si Ken sa reaksyong ito ng empress.Napapaisip siya kung pinaglalaruan ba siya ng empress o sinusubukan ang kanyang kalooban.
Opo kamahalan, at ng imperyo!dugtong na lamang ni Ken para hindi mabigyang malisya ang tugon niya sa empress.
Nakakalungkot naman,ang malumbay na tugon ng empress.
Dito na nag iisip si Ken.
Nahihiwagaan siya sa sagot ng empress.
Anung ibig sabihin nito?may pagtingin ba sa kanyan ang empress o sinusubukan lamang siya?tanong ni Ken sa sarili.
Nang sasagot si Ken ay biglang may boses na sumisigaw.
Kamahalan!kamahalan!mahal na empress!tila hinahanap nito ang empress Yi Shen.
Nilingon ng empress kung saan nang gagaling ang boses.Ito ang kanyang personal na alalay na si Lady Kim.
Ng makilala ito no empress Yi Shen ay humarap siya ulit upang kausapin pa so Ken ngunit pagharap niya dito ay wala na ang mandirigma.
Napabuntong-hininga na lng ang empress ng nalulumbay.
Sana lumitaw siya ulit sa harap ko.Sambit na lng ng empress sa kawalan.
Lingid sa kaalaman ng lahat bawal ang direktang pagtingin sa mahal na empress.Kapag siya ay nakikipag usap sa sinuman sa imperyo,nakaupo lamang ito sa kanyang trono at ang kausap nito ay nakaluhod at ang ulo ay nakayuko ng nakasayad sa sahig!Anuman ang estado at katungkulan ng mga ito sa imperyo!Ang direktang pagtingin dito ay isang uri ng kalapastangan at hindi katanggap-tanggap!Pagkatapos kausapin ang empress ay aatras ito palabas ng bulwagankung nasaan ang trono ng kamahalan pagka't bawal dn ang pagtalikod sa mahal na empress.Ganito katindi ang respetong ibinibigay sa pinaka makapangyarihang babae ng imperyo.
Maging ang pag gamit ng anumang uri ng kapangyarihan at kakayahan sa presensya ng empress ay mahigpit na ipinagbabawal.Ang lalabag sa mga alituntuning ito ay humihingi lang ng katapusan ng kayang buhay!
Nang maalala lahat ito ni Ken bigla na lang niyang nasabing;
Hay . . . sabay na malalim na buntong-hininga.
Samantala sa silangang bahagi ng Sangoroa kung nasaan ang kampo ng imperyong Raksaha.Ang pulo ng Draciles.
Masayang umiinom ng alak si Hen.Kang na napapalibutan ng sampung nag gagandahang babae.Bagama't napakalaki ng tiyan nito at ang itsura ng mukha ay d mo maisasalarawan sa kapangitan,d biro ang posisyon at kapangyarihang hawak nito sa imperyong Raksaha.Kaya anumang gustuhin nito ay walang puwedeng tumanggi dahil d siya mag dadalawang isip na ipapatay ito o siya mismo ang papatay dito.
Haha tawa nito na halos mabulunan sa kakatawa dahil isinasabay niya ito sa pag inom ng alak at pagkain ng karne.
Kaunting oras na lang at mapapa sa atin na ang sentro ng Sangoroa ang syudad ng Kriska!Sabay na nakipagdiwang ang mga kawal na umiinom din doon sabay sigaw ng,"Mabuhay ang imperyong Raksaha,mabuhay ang mahal na emperador Ji Dok Su,mabuhay si Hen.Kang!"
Ngunit wag kayong pakasisiguro!!!
sambit ng alalay ni Hen.Kang na si Chuk Li.
Wag mo ngang sirain ang pagdidiwang ko sabay bato nito ng basong pinag iinuman nia ng alak.
Sa pagkakataong ito nagtawanan ang ibang kawal na umiinom dn doon pati ang mga kababaihang nakapalibot kay Hen.Kang.
Dahil nagmukhang basang sisiw ang payat na alalay nitong si Chuk Li
Panu mo nasabi na wag akong pakasisiguro?anung alam ng isang alalay na walang kakayahang makipag digma kundi ang alam ay pagsilbihan ako ng serbesa at magmasahe ng likod ko?pag papatuloy ni Hen.Kang sabay dagundong ng tawanan sa buong kampo.
Ha..hangga't buhay ang kanilang pinunong si Ken Taikyu ang pinakamalakas na Crimson warrior ng imperyong Dhinxhang,walang kasiguruhan ang ating panalo...Nanginginig pang sambit ni Chuk Li.
Ha,si Ken wala sa akin yon sabay hagalpak na tawa ni Hen.Kang.Isang pitik ko lng dun at uuwi yun ng kanilang imperyo na nakahawak ang dalawang kamay sa kanyang tenga,pagmamayabang ni Hen.Kang.Sabay dagundong na naman ang tawa sa kampo...
Baka ikaw ang isang pitik!mahinang bulong ni Chuk Li ngunit parang narinig ito ni Hen.Kang.
Anong sabi mo?sambit ng heneral.
Sabi ni Chukli,wala po heneral sabi ko pag luluto ko na kayo ng adobong itik at wala na kayong pulutan!
Mabuti pa nga at ng may silbi ka!sabay taboy nito kay Chuk Li.
Lingid sa kaalaman ng lahat isa lamang si Chuk Li na naging alipin sa isa sa mga lugar sa Sangoroa na nakubkob na ng imperyong Raksaha.
Pabulong bulong na naglalakad si Chuk Li habang papalayo ng nag iinumang kawal.
Sumpain ka Hen.Kang!hindi mag tatagal matatapos din ang kasamaan mo at ng imperyong Raksaha!
Napakayabang mo akala mo naman ay napakagaling mo eh isa ka lang naman din aso!
Nasabi ito ni Chuk Li dahil si Hen.Kang ay kanang kamay lamang ng lider ng 7 Warriors of Hell si Trenos!
Sa katotohanan si Trenos ang nasa likod ng taktika ng imperyong Raksaha sa digmaan sa sentro.
May mga natatanging kakayahan din ang bawat miyembro ng 7 Warriors of Hell
ngunit galing ito sa itim na kapangyarihan!
Bawat isa dn ay nagtataglay ng masamang espiritu.At ang kakayahan ng lider na si Trenos ay ang Dancing Marrionettes o ang pagkontrol sa tao na para bang manika at pasunurin sa anuman kagustuhan nia!
Ngunit may kundisyon at limitado itong pag gamit.Ang kundisyon ay kelangang ipainom nia ang kaniyang dugo at limitado lang ito sa
sa mamayang ng imperyon Raksaha.Hindi nia mapapasunod ang isang tao kung hindi ito nasa ilalalim o sakop ng imperyo.
Kaya ganun na lamang ang pag hahangad ni Trenos na masakop ang buong kapuluan ng Sangoroa bukod sa ito ang kagustuhan ng pinaglilingkuran niyang Hen.Nomad Han at emperor Ji Dok Su.
Habang nag iisa si Trenos ay biglang lumitaw sa harap niya ang ikalawang miyembro ng 7 Warriors of Hell na si Janus.
Pinuno!sambit ni Janus.
Nagtatakang nagtanong si Trenos,
Janus bakit andito ka?di ba itinalaga kita sa hilagang bahagi ng Sangoroa para pangunahan ang napipintong digmaan dito.
Susunod ako doon pagkatapos ng digmaan dito para tulungan ka.
Narito ako pinuno para ihatid ang masamang balita!tugon no Janus.