Chapter 1.1

329 Words
❤️ Chapter 1.1 ❤️ "See you on monday class" nakangiting paalam ni Angela sa kanyang mga grade three students. Four o'clock na kaya uwian na rin ng mga student niya. Nag uunahan ng mag si labas ang mga ito pag katapos mag bless at mag paalam sakanya. Sinisinop na niya ang mga lesson plan at libro na gamit niya sa pag tuturo ng may mag salita sa gilid niya. "Hi teacher, maganda ka pa sa hapon" nakangiting bati ni Ishmael na nakasandal sa hamba ng pinto. Napangiti siya dito "Naligaw ka ata?" Biro niya rito "Pinapasundo ka ni insan" Sabi nito habang nag lalakad papunta sa upuan na kaharap ng desk niya. Naupo ito roon. Nais niyang matawa dahil halos di ito mag kasya sa upuan sa laki ng katawan nito at sa tangkad nito nag mukang bangkito ang upuan. Pinsan ito ng boyfriend niya. kababata niya rin ito. Nangunot naman ang noo niya. Wala silang usapan ni Jonas na may lakad sila ngayon. "Wala siyang nabanggit na mag kikita kame" takang tanong niya dito. Kinuha niya ang cellphone at tinignan. Nag babakasali na may text sakanya ang nobyo. "Surprise daw eh" kibit balikat nito "di ko nga dapat sasabihin sayo na pinasusundo ka nya dahil may surprise siya sayo. Kaya wag ka nalang maingay na sinabi ko" natatawang Sabi nito. Napangiti narin siya. Mahilig talagang manorpreso ang nobyo kaya hindi na siya nag taka sa sinabi nito. "Ikaw talaga lagi mong sinisira ang diskarte ng pinsan mo" natatawa niyang biro dito at kunwari pa itong inirapan "tayo na nga baka naiinip na yon" Tumawa lang ito at tumayo na para kunin sakanya ang mga libro na hawak niya. Nag lakad sila papunta sa Land Rover nito na nakaparada sa tapat ng principal building. Ipinag bukas pa siya nito ng pinto bago pumasok sa driver seat. "San mo pala ako ihahatid?" Tanong niya dito ng makaupo na sa likod ng manibela "Surprise nga eh" maikling sagot nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD