__6__
Looking at her phone which is ringing for the nth time, Nissy can’t still find the urge to put it down.
Why does Paul have to ignore her calls? Pinipindot niyon nang sadya ang end call button at sumasakit ang dibdib niya na binabawian siya ng asawa sa ginawa niya kagabi na hindi pagsagot sa mga tawag niyon.
Her tears fell unknowingly but she wiped it right away when she heard footsteps from behind.
Mag-isa siyang naglalakad sa buhanginan kahit na gabing-gabi na dahil gusto niyang mapag-isa talaga. She had a very long day playing with Manang Carmona’s grandchildren. Isa sa mga bata ay babae at ang isa ay lalaki. Parehas na siyam na taon ang dalawa at kambal kaya tuwang-tuwa siya na naglibot sa kalawakan ng bakuran ng rest house ni Zed.
And when sunset falls, she remembers her husband. Iyon ang isang hindi niya gusto sa ugali ni Paul na hindi marunong manuyo kapag nagtatampo siya.
Most of the time, they had misunderstandings when she’s acting so stubborn and she never wanted him to go to work right away. Minsan gusto niya na nilalambing na muna iyon pero umaalis pa rin kahit na nagtatampo siya. Nilalayasan siya na masama ang loob kasi pagbalik naman ni Paul, bati na sila kasi nakalimutan na niya ang ikinatatampo.
Nissy stops when she saw a bonfire meters away from her. Napalingon na siya at nakita niya si Zed na nakapamulsa habang sumusunod sa kanya na waring palihim siyang binabantayan.
The seashore is a bit dim but she knows his built, his silhouette and so as his standing. Sanay ito na nakapamulsa at parang serial killer na basta na lang mansasaksak.
“Hellboy?” she asked but her voice sounded tired and shaky.
“Yes.” He replied in a low husky tone.
Kaputian ng mga mata nito ang nakikita niya hanggang sa humakbang pa ito papalapit at noon niya nakita ang usok sa dilim.
He’s smoking.
Tumapat ito sa may ilaw ng poste at nakita ni Nissy ang kabuuan ng bulto ng binata.
She sees Paul in him but she knows that he is not him.
Nakasukbit ang baril nito sa baywang habang nakaboxer short lang at nakaitim na sando.
“Why do you have your gun? Is it dangerous here?” nahimas niya ang mga braso at pasimple rin na humakbang papalapit dito.
Nakakatawa dahil kung kailan naman may kasama na siya ay saka naman siya tinamaan ng takot.
“Any place could be dangerous. Any man could be.”
“Sasampalin kita!” angil niya kaagad. “Don’t frighten me like you’re a monster who will eat me.”
“I’d love to eat you.”
Shriek! Nakainom siya!
Napakurap-kurap na lang siya dahil sa sagot nito at iniba niya ang usapan. Pakiramdam niya ay sinilihan siya sa pisngi.
“What’s that fire?” She asked and pointed at the bonfire.
Wala naman siyang nakikitang tao kaya nagtataka siya.
“Why the heck are you crying?” tanong din ni Zed kaya napatingin siya sa mukha nito.
Hindi ito nakatingin sa kanya at lagpasan ang pagkatulala sa kalawakan habang humihithit ng sigarilyo.
He’s so towering above her and she just barely reaches his chest.
“N-Napuwing.” Pagsisinungaling niya pero ngumisi ito at lumabas ang mapuputing ngipin.
“Nakakapuwing pala ang naka-loudspeaker na cellphone habang nagri-ring ang cellphone ng tinatawagan pero walang sumasagot o kina-cancel ang tawag.”
Bakit ba concern ito? Bakit naman niya sasabihin ay hindi naman sila magkaibigan? Of course Zed’s sympathy is on his twin brother and not on her.
“Let’s not talk about it. Keep my phone again inside your pocket.” Iniabot niya rito ang cellphone niya habang ito naman ay hithit-buga lang sa may harap niya.
“I don’t have a pocket. My pocket is under my balls so—”
“Yik! You’re so filthy! Stop talking. You’re so bastos. You’re so eeeek!” tinakpan ni Nissy ang dalawang tainga at marahas na umiling.
“Give it to me. I’ll tuck it in my waistband.” Anito kaya napatingin pa siya sa baywang nito na may nakasiksik na baril.
Ibinigay niya ang cellphone at inipit nga nito iyon sa garter ng suot na boxer short.
She’s evading that protruding thing in front of him. Nakikita niya sa dilim ang nakaumbok nitong p*********i na ang yabang-yabang at parang gustong i-display pa talaga.
“Did he call again last night, Hellboy?” usisa niya nang mag-umpisa siyang humakbang.
“Yes. I told him what you exactly told me.” Kaswal na sagot nito habang pasunod-sunod sa kanya.
“That I love him?” she asked like a child, looking back at Zed.
“Yes.” Bumuga ito ng usok.
“Did he say he loves me, too?” kulit pa niya.
Kasi kung sasabihin ni Zed na oo, parang ang hirap maniwala. Noon, nauuto siya na mahal siya pero nitong mga nakaraang araw ay napaisip na rin siya.
She was only affected by her Daddy Damien’s words. Kapag iyon ang nagsasalita para kay Paul ay naniniwala siya. Bakit naman magsisinungaling iyon kung sakali? Ano namang mapapala niyon kung sakali? Noon lang siya napanatag at nagkaroon ng lakas ng loob na maniwalang mahal na mahal pa rin siya ng lalaking mahal niya.
But now that the old man is far from her, she’s starting to have these doubts again.
“Did he tell you that he loves me, too?” Nissy repeats the question.
Bumuntong hininga si Zed bago sumagot. “He loves you.”
He loves you. That’s supposedly was from him and not from Paul.
Parang assurance iyon na mahal siya ng kakambal nito pero hindi yata niyon nabanggit sa tawag.
Tumango na lang siya at lumabi. “He loves me but I’m not his priority. I’m not a four year old kid anymore who stops from crying by just having a talking doll. Now that I want to talk to him because I miss him, he never picks up the phone and what’s worse, he keeps on hanging it.” Hindi na rin niya natiis na huwag magsumbong. Masama ng loob niya na malamang kung siya lang mag-isa ay nag-iiyak na naman siya.
Wala itong naging sagot at napatingin lang sa kanya.
He will not speak. She knows Zed. Hindi ito tulad ng Daddy Damien niya na lahat ng masasarap na salita ay sasabihin para mapanatag ang kalooban niya. Zed is a very quiet man and he speaks of the truth. When he never opens his mouth to utter something then he really never has something to say.
“At first attempt when he hangs it or cancels it, drop the call and never bother redialing again. You know that sometimes lying is better than spitting the truth.” Anito na parang hinugot lang sa pwet ang patalinhagang salita na iyon na madalas nga niyang marinig.
“What do you mean?”
Wala na naman itong sagot at hinawakan lang ang kamay niya saka siya mabilis na hinila sa bonfire.
“Melchizedek, I am asking you.”
“Be free, Hellcat. Don’t fret. You have one week to live your life according to how you want to live it. Forget your husband for the meantime if he’s been forgetting you, too. Get the logic. Be happy because once we get back to Manila, you don’t know what will happen.” Diretso itong nakatingin sa mga mata niya kaya paismid na lang siyang umiwas ng tingin.
“How can I even live happily here while the people only used to spend an hour with me?” Parinig niya rito. “Umuuwi na sina Manang Carmona pagkatapos mong utos-utusan. You’ve been evading me the entire day. Sino naman ang isasama ko na mamasyal dito, pusit?” inis na binawi niya ang kamay ay ipinag-krus ang mga braso sa dibdib niya.
Walang narinig na sagot si Nissy mula kay Zed kaya nilingon niya ito saglit at nakangiti ito nang kaunti bago humithit ng sigarilyo.
Himala, ngumiti ang dyablo.
He took a glance at her with those very intriguing eyes.
Kukurap-kurap naman siya dahil parang iba ang pakiramdam niya sa titig na iyon.
Nabawi lang niya ang tingin ay nang may marinig siyang kaluskos sa mga halaman at mula sa isang maliit na daan ay lumabas ang Manang Carmona nila at may mga dalang pagkain.
She was shocked, seeing numerous people. It seems like a herd and someone is playing a drum and the other one is Ukulele.
“Narito na pala kayo, Señorito. Dito na kami pumwesto dahil baka kako maingayan kayo sa ritwal namin.”
“Ritwal?!” sambot niya ar kasunod ang paglunok.
Wala sa oras na napasumiksik siya sa katawan ni Zed at humawak sa damit nito na parang bata.
“Don’t tell me iaalay niyo ako sa ritwal?!” she panicked but the people laughed at her.
“Tonight is full moon and they usually do this gathering during the first full moon. Bininiro ka lang ni Manang na ritwal ‘yon. They just wanted to be happy and celebrate.” Bulong ni Zed sa may ulo niya.
“Ate Nissy, sayaw po tayo mamaya pero dapat walang tsinelas.” Ani Colene sa kanya, ang batang kalaro niya kanina.
“I’m cool with that.” Taas noong sagot naman niya pero kung bakit hindi siya makatikal kay Zed.
“Umiinom kayo ng native na alak, Señorita?” tanong naman ni Manong Ben na inihahanda ang mga iihawin na pagkain.
Umiling si Nissy at ngumiti. “Indi po eh. Tubig lang po ang iniinom ko. Daddy said that I must avoid any alcoholic beverages. I remember when I was only 13 during my first prom and he told me, nakakabuntis daw po ang alak kaya ayoko.” Nalukot ang ilong niya kaya nagtawanan ulit ang mga tao.
“Napakainosenteng bata nito. Hala, maupo na muna kayong mag-asawa para makakain na.” anaman ni Carmona kaya literal na bumikig ang laway niya sa lalamunan.
Mag-asawa raw sila ni Zed?
Napatingala siya rito at nakatingin naman ito sa kanya. He never corrected the old woman and so she did it.
“H-Hindi po si Zed ang asawa ko, si Paul po Manang. Nandito lang po siya bilang proxy. Nagtatago kami sa media para huwag kaming pagpyestahan.” Paliwanag niya.
Nagpalit-palitan ang tingin sa kanila ni Carmona at saka tumango. “G-Ganoon ba? Aba, ngayon lang ako nakarinig na proxy ang mismong ikinasal.” Aniyon pa saka tumalikod.
Nissy felt sad again. That’s just so true.
“Paul is busy and he must not leave his duty because that’s also for their future. For sure, babawi naman siya kapag umuwi na.” Zed answered but merely answered for himself.
Babawi? Ganoon na lang ba parati, babawi na lang dahil parating huli sa lahat.
Kahit na nga first kiss niya at hindi na iyon ang nauna.
Napaismid siya saka padaskol na naupo sa putol na katawan ng kahoy. “Let’s not talk about the people who aren’t here.”
“Halika ate Nissy. Sayaw tayo para hindi ka malungkot.” Yaya ng batang babae sa kanya kaya ngumiti siya at inalis kaagad ang tsinelas niya.
“What kind of dance?” she asked.
“Kahit anong sayaw po, pwede.” Anaman niyon.
Si Zed ang pumalit sa pwesto niya sa upuan at nakatingin ito sa kanya na parang nahihintay din na sumayaw siya.
Hawak na nito ang isang malaking bote ng alak at mukhang mapapalaban siya ng bantayan ng lalaking lasing magdamag.
Ang asawa kaya niya, anong ginagawa? Busy kaya?