Hyacinth's POV "I heard about you a lot... " Sabi nya habang nakangiti sakin. Tapos lumingon sya sa direksyon ni Ezekiel. "Ikaw lagi ang bukang bibig ng anak ko tuwing nag uusap kami, Hija..." Nakatingin kay Ezekiel na sabi ng reyna. Napataas naman ang kanang kilay ko at nilingon ang direksyon ni Ezekiel na medyo nasamid ng inimon nyang tubig habang kabadong lumilingon sa direksyon ko. [MINUTES LATER] "You didn't give a bad impression of me in front of the queen, right?" Bulong ko kay Ezekiel. "I totally didn't!" Bulong din nya. Habang iniiling ang ulo nya. "Then if you didn't, bakit sya titig na titig sa mga kilos ko? Kaunti na lang parang lalamunin na nya ko ng buhay eh!" Inis kong bulong sa kanya. Kahit nakatingin ako sa harap habang nagbubulungan kami ni Ezekiel, ramdam ko ang ma