Hyacinth's POV Nasa harapan na kami ng bahay na sinasabi ng matandang lalaki na kinausap ko kanina... May nakakatakot at nakakakilabot na mana ang lumalabas galing sa bahay... Kahit sa labas ng bahay ay may madilim na ulap at kumukulog na kidlat kahit mukha namang hindi uulan. "Be alert, we don't know what kind of demon is inside-" Babalaan pa sana kami ni Zaiden pero- -binuksan ko na agad ang pinto tumingin ako sa kanya na kinagulat nya, I just opened the door. Why is he so shock? Pagkabukas na pagkabukas ko palang nang pinto, bumubulusok na kutsilyo ang bumungad sakin... Grabe, Gandang pambungad. Sinalo ko ang kutsilyo na walang kahirap hirap gamit ang dalawang daliri ko at pinagmasdan ang loob ng bahay. Naunang pumasok si Felix sa loob ng bahay "Woah, ang dilim naman dito.." He said