Chapter 6

2269 Words
Naging masaya ako dahil pinapabilis na ni Attorney ang pagproseso sa mga kakailanganin kaya mga tatlong araw nalang pwede na kaming makauwi. I am so excited to go home. I missed my work so much. At ayaw ko ring makahanap ng gulo dito kung sakali. "Mommy?" Inosenteng tanong ni Andrae habang nakatingin sa labas. Napangiti ako nang tinuro niya ang mga bata sa tabing kalye na naghahabulan. "You can't play with them baby. You are still so small," natatawang bulong ko pero hindi niya ako pinansin. We are currently inside of the car that I booked. We are going to a theme park because I want Andrae to enjoy it. Hindi ko naman gusto na palagi lang siyang nasa loob ng condo habang nasa manila kami. I don't want him to watch cartoons the whole day. He needs some physical activities. "Thank you," sabi ko sa driver nang makarating kami sa theme park. Binaba ko si Andrae saka hinawakan sa kamay na ngayon ay tumatalon-talon na sa tuwa. "Ma'am ito po," sabi ng yaya sabay bigay ng towel na para sa anak ko kaya bahagya akong umupo para pumasan ang laway ni Andrae na tumutulo. "Mommy! Mommy! Wook! Wook! Wow!" Masayang sabi niya kaya natawa na rin ako. "You like it here?" Malambing na tanong ko na kinatango niya sabay takbo ng mabilis papasok sa loob kaya pati ako nadala habang tumatawa sa reaction niya. So cute. This little monster is so cute. Pagpasok namin sa loob hindi na alam ni Andrae kung saan titingin dahil sa dami ng rides na nakikita niya. Aliw-aliw ko siyang kinunan ng picture at video habang nagugulat sa mga nasa paligid. "Mommy! Mommy!" Sigaw niya habang nakaturo sa ferris wheel kaya ako ang ngumuwi. "No, mommy is scared," sabi ko sabay hila sa anak papunta sa mga pambatang rides na pwede sa edad niya. Sumakay kami sa ilang mga rides at hindi ko masukat ang kaligayan niya. Talon siya ng talon habang tumatawa kaya pati ako ay sumasaya na rin. "Play, Andwae will play! Thew! Thew!" Natatawang sabi niya sabay turo sa cable car pero umiling ako. "No," sabi ko kaya namula siya siya at umarteng iiyak. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya saka umiyak ng malakas kaya nagtinginan ang mga tao. Kaagad ko siyang binuhat pero pinagsusuntok niya ako habang umiiyak ng malakas. "No! No! Want that! No! No!" Sigaw niya. "I said no!" Pagalit sabi ko kaya unti-unting naging mahina ang paghikbi niya saka yumakap nalang ng mahigpit sa akin at humilig sa balikat ko. "Inaantok na ata si Andrae, ma'am," sabi ni Yaya kaya marahan akong tumango sabay tapik ng mahina sa likod ng anak habang naglalakad papunta sa labas. "Eat Mommy," malambing na sabi niya kaya hinalikan ko siya sa ulo. "Yes baby," I booked a cab saka nagpahatid kami sa pinakamalapit sa restaurant para makakain na rin kaming lahat. Pagpasok namin sa loob ng restaurant kaagad na nag-ingay ang anak ko kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat. Napa hagikgik nalang ako dahil naaliw rin sa kanya ang ilang kumakain. "What do you want?" Nakangiting tanong ko sabay pakita sa kaniya ng menu saka pasimple siyang tumingin doon na parang nag-iisip. "Thish, thish, thish, and this!" Cute na sabi niya kaya pati waiter napatawa. "That's all?" Tanong ko kaya pumalakpak siya saka tumango-tango. Hindi rin nagtagal dumating kaagad ang mga inorded namin. Todo kain si Andrae kaya halos hindi na ako makakain dahil binabantayan ko siya. He already know how to eat his own food but not as perfect as my age. Marami pa siyang nasasayang at nadudumihan pa siya kaya kailangang bantayan. Sa huli hindi ko na nga nagawa pang kumain kasi pati ang pagkain na para sa akin ay kinakain niya pa. "Sowwy po," cute na sabi niya sabay hagikgik kaya marahan ko siyang binuhat para ibaba sa upuan. "Andrae!" Tarantang sigaw ko dahil bigla siyang tumakbo papunta sa pinto ng restaurant kaya mabilis ko siyang hinabol. Kahit ang ilang customer tumayo rin para pigilan ang ang anak ko pero sa sobrang likot at bilis niya wala ni isang nakahawak. Napamura ako sa utak ko nang biglang bumukas ang pinto saka dire-diretso ang anak ko doon. Pero imbes na lumabas si Andrae napatinghala lang siya sa pumasok kaya pati ako ginawa rin iyon. Mas lalo akong napamura dahil si Engr. Alexander Adams iyon. Titig na titig siya sa anak ko at kita ko ang pagtataka sa berde niyang mga mata. "Hi," rinig kong sambit ni Andrae kaya napaawang ang labi ng kaharap na parang may napagtanto. "Andrae!" Madiin at pigil na sigaw ko sabay buhat sa anak na hindi maalis ang tingin sa mukha ng lalaking binati. Kabado akong napatingin kay Alexander na ngayon ay galit na. Kita ko pa ang pagkuyom ng kamao niya na parang gustong manakit. "Gween!" Hagikgik ni Andrae sabay turo sa berdeng mga mata ng kaharap. Their green eyes are exactly the same. And it's terrifying that they also look the same. Namamawis at nanlalamig ako saka gusto ko ring tumakbo ng mabilis para umalis doon. B*bo lang ang hindi makakakita ng pagkakahawig nila ng anak ko. At alam ko na sa mga oras na 'to may alam na siya. "Hi powww!" Maligalig na bati ulit ni Andrae dito. Kinakabahan akong tumingin sa mukha ng kaharap namin. Pinukol niya ako ng masamang tingin sandali bago niya binalik ang mga mata kay Andrae na ngiting-ngiti. "You have a son," madiin na bigkas niya. Kita ko ang galit na para sa akin kaya agad namasa ang mga mata ko sa takot. Nanginig rin ang buong katawan ko dahil nag-angat ng kamay si Andrae papunta dito na parang nagpapabuhat. Iniwas ko ang anak ko kaya hindi niya nakuha saka takot na naglakad pabalik sa table para kunin ang mga gamit namin. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko dahil may tinuro na naman si Andrae at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na papalapit na siya dito sa pwesto namin. "Excuse us," taranta at naiiyak na sabi ko saka akmang aalis na pero agad niyang nahawakan ang braso ko ng mahigpit. "Ma'am!" Gulantang na sabi ng yaya pero nagpumiglas ako kaya nakuha ko kaagad ang braso ko. "Mommy?" Naiiyak na tawag ni Andrae na parang naguguluhan at natatakot na rin sa nangyayari. "Let us go," nagmamakaawang sabi ko saka dali-daling lumabas sa restaurant na iyon. "F*cking stop," madiin na sambit niya habang sumusunod sa amin pero tuloy-tuloy lang ako na naglalakad. "Hi!" Bati ulit ni Andrae dito at nagawa niya pang kumaway nang mahawakan ulit ako nito sa braso. Isang hikbi ang pinakawalan ko dahil sa takot at kaba. Umiling ako habang umiiyak pero hindi niya ako binitawan. Hinila niya ako palabas ng restaurant kaya tarantang sumunod si Yaya na parang alam na rin niya kung ano ang nangyayari. Paglabas namin mas lalo akong umiyak ng kunin niya si Andrae mula sa pagkakabuhat ko at ang anak ko kaagad namang pumunta saka ngumiti dito. Sinulyapan niya sandali ang anak bago lumipat sa akin ang nanlilisik siyang mga mata. "Please, give him to me. Give me my son," I begged but he doesn't care. Mas nilayo niya lang si Andrae kapag sinusubukan kong abutin. Mas lalo akong umiyak dahil yumakap na si Andrae sa kanya na parang komportableng-komportable. "Your son?" Galit na tanong niya habang nanlilisik ang mga mata kaya nanghihina ang tuhod ko. Kamuntik na akong napaluhod pero inalalayan ako ng yaya ni Andrae kaya hindi natuloy. "Please, please, please. My son. Please, give him to me. Please, please, please," nagmamakaawang sabi ko ng paulit-ulit habang umiiyak ng malakas. Dahil sa iyak ko umiyak na rin si Andrae saka pilit akong inaabot pero iniiwas siya ni Alexander "Mommy! Mommy! Mommy!" Iyak na iyak na sabi ng anak ko habang nagpupumiglas. Pilit kong inaabot si Andrae pero kahit braso man lang niya hindi ko magawang mahawakan. "Huwag dito please, huwag dito," pagmamakaawa ko kaya umigting ang panga niya saka sabay lakad kaya kaagad akong nataranta. Tumakbo ako para sumunod habang pinupunasan ang luha na nagkalat sa pisngi ko. Nakarating kami sa tapat ng isang black SUV kaya nanlaki ang mga mata ko. "No! Don't take my son with you!" Sigaw ko pero matalim niya lang akong nilingon. "Your son? And who's the father?" Madiin na tanong niya kaya na tahimik ako. Malademonyo siyang ngumisi saka mabilis na binuksan ang passenger's seat. "Huwa—" "Get in," utos niya kaya dali-dali akong pumasok doon at ganoon rin si Yaya sa back seat. "Mommy? Caw?" Tanong ni Andrae nb ilapag niya ang anak ko sa hita ko kaya niyakap ko ito ng mahigpit. "Hush baby just hug Mommy," sabi ko habang nagpipigil ng iyak. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi wala ni isang nagsalita sa amin. Hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng ilang luha galing sa mga mata ko. Takot ako sa lahat ng pwedeng mangyari. Takot na takot ako para sa anak ko. "He is my son." Saglit ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya at naabutan kong nakatitig lang siya sa daan na parang galit. Hindi ako sumagot kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya napatingin nalang ako kay Andrae na manghang nakatingin sa ama nito. Kahit ang anak ko nakaramdam ng lukso ng dugo. Hindi pumupunta si Andrae kung kani-kanino lalo na at hindi nito kilala. Pero kanina, he let him carried him like they already know each other for so long. Paano ko maitatago ang anak ko? "Please, huwag mo siyang kunin," naiiyak na namang sambit ko pero sandali lang siyang sumulyap sa akin at hindi na nasundan 'yon. "Address?" Madiin na tanong niya kalaunan kaya mabilis ko rin namang binigay ang address ng condo kung saan kami tumitira ngayon. Hindi nagtagal nakapag park na siya sa parking lot ng condo kaya akmang bubuksan ko na sana ang pinto kaso pinukol niya ako ng masamang tingin. "I know my rights. Don't you dare," madiin na sabi niya habang nasa mga mata ko ang tingin. Napalunok ako saka unti-unting tumango bago dahan-dahang bumaba. I want to cry again when Andrae extended his arms for his father to carry him. "Up! Up!" Sigaw ni Andrae habang natatawa kaya mabilis niya itong kinuha sa akin. Napaawang ang labi ko at pinigilan ang sarili na agawin ang anak mula sa kaniya. Nauna si Yaya na pumasok kaya walang imik rin akong sumunod. Lingon pa ako ng lingon sa kanila at nakikita kong parang nag-uusap sila na hindi ko marinig. May kumawala ulit na mga luha galing sa mga mata ko dahil doon. I am not happy. Hindi ako masaya na nakilala niya si Andrae. I want a simple life with my son. Pero ngayon alam na niya, alam kong hindi ko na makakamit 'yon. Hanggang sa makarating sa condo siya ang nagbuhat kay Andrae. Nang makapasok kami sa loob nagpumilit bumaba si Andrae. Akala ko pupunta na siya sa akin pero hinila niya lang si Alexander saka itinuro sa mga laruang nagkalat sa carpet sa living room. "Play! Play!" Humahagikgik na utos na dito sabay kuha sa mga kotse-kotse niyang malalaki. Napaiwas ako ng tingin. "Ma'am," sabi ng yaya sabay abot sa akin ng isang basong tubig na agad ko rin namang ininom. Pinagmamasdan ko lang sila na naglalaro pero ilang minuto lang nakaramdam si Andrae ng antok kaya mabilis siyang nagpabuhat sa akin. "Sleepy?" Mahinang tano ko kaya tumango siya. "Babye!" Sabi niya sa maliit na boses sabay kaway kay Alexander na titig na titig za amin. "Papatulugin ko—" "We'll talk after, hurry," utos ko kaya wala na akong nagawa kundi ihatid si Andrae sa kwarto para patulugin. Nang makatulog si Andrae nagdadalawang isip pa ako kung lalabas ako o hindi kasi kinakabahan ako ng sobra. Gusto ko nalang ulit na magtago pero sa pagkakataong 'to hindi ko magagawa iyon. Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang lumabas. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at pinagpapawisan na rin ako ng malamig sakit may aircon namin. I gently licked my lips when I found him sitting on the couch while staring at my son's toys. Nang tumikhim ako kaagad siyang tumingin sa akin at kaagad na bumalik ang apoy sa berde niyang mga mata. Kahit halo-halo ang nararamdaman ko nagawa ko parin na lumapit sa kanya. Tumayo siya saka mariin akong tiningnan na parang ibabalibag ako kaya bahagya akong lumayo dahil sa kaba. "You hid my son for so long. How many years?" Sarcastic at madiin na tanong niya saka pilit hinuhuli ang mga mata ko. "It's a mistake—" "Kahit na! Anak ko parin 'yon!" Biglang sigaw niya kaya bahagya akong napatalon at napasiksik sa pader sa likuran ko. Kusa na ring tumulo ang mga luha ko habang pilit na sinasalubong ang galit niyang mga mata. "But Alice—" "She doesn't care about this!" Sigaw niya ulit kaya halos mawalan na ako ng ulirat dahil sa emosyong nangingibabaw sa dibdib ko. "But—" "No buts! I want my son." Umiling ako sa sinabi niya kahit alam kong wala nang makakabali pa sa mga sinabi niya. Mabilis niyang nahuli ang braso ko saka madiin akong hinawakan doon jaya napangiwi ako sa sakit. Mabilis niya naman akong binitawan matapos niyang makita ang naging reaksyon ko. "I know my rights. Hindi mo ako maloloko. That is my son. With or without a DNA test. I am not st*pid." Mariing bulong niya na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko sa katawan. "Akin na lang siya," pagmamakaawa ko pero ngumis siya ng hilaw. "He is mine also. Huwag mong solohin. Wala kang karapatan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD