Are You Ready?

1160 Words
December 24 na at tinutulungan namin si Tita at si Manang na maghanda para sa noche buena mamaya. Magbe-bake kami ni Angel ng cake. Gusto niya kase kami nalang gumawa. Si Kev at Ivan naman, ewan namin kung ano yung ginagawa. Surprise daw eh. About naman kay Kuya Josh at kay Kuya Enzo, ayun, bumalik na yung sweetness nila. Mukha namang ok na kaming lahat maliban nalang sa issue ni Kyle at Angel. Kinausap ko siya regarding doon. Hindi naman daw siya galit. Nagtatampo lang. Mauunawaan naman daw niya na hindi babae si Alex kung sinabi lang ni Kyle nang mas maaga sa kanya. Bestfriend nga di'ba? Kasalukuyan naming hinihintay na mabake yung cake na ginawa namin ni Angel. Nakaupo ako tapos siya nakasandal sa counter. "Uy, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik." pagpuna ko sa kanya. Kanina pa kasi talaga siya tahimik. "Ren, ayokong maglihim sayo kaya ko sasabihin sayo to." medyo kinabahan naman ako sa sinabi niya pero di ko pinakita. Pano kung may iba pala siya?! Pano kung di pala niya ako mahal?! At pano kung may nabuntis pala siya?! Charot. "Ren, sabi ko may sasabihin ako." di ko namalayan na nakalapit na siya sa akin. Nakaupo na siya ngayon at magkaharap kami. Lalo tuloy ako kinabahan. Tiningnan ko lang siya at tumango. "Ano kasi eh.. Ahh.. Si.. Si Papa. Pu-punta dito maybe sa following days for vacation." pautal niyang sabi na siguro ay nahihiya at kinakabahan. Kala ko naman kung ano na! Kinabahan ako ng 98%. "Ano kase.. Hindi ko alam kung makakaya kong harapin siya. Di'ba alam mo naman yung nangyari dati? So iyon. Kinakabahan ako." sabi niya na kinakamot yung batok niya. Ang gwapo niya shett. "Papa mo parin naman siya. Kaya dapat di ka mahiya sa kanya. And the fact na may galit o tampo kayo ni Tita sa kanya, hindi mo maitatanggi na siya pa din ang Papa mo." pagpapaliwanag ko sa kanya. Niyakap naman niya ako mula sa likod habang hinahalikan ako sa pisngi. "Thank you. Thank you. Thank you. Di talaga ako nagkamali na ikaw yung sinabihan ko. Pero baby ko, hindi ba ako masamang anak kung di ko siya mapatawad noon?" sabi niya habang nakadantay yung baba niya sa balikat ko. "Hindi po. Isa kang mabuting anak, kaibigan, bestfriend at boyfriend" sabay halik ko sa pisngi niya. "Oh baka masunog yung bine-bake. Asikasuhin ang dapat asikasuhin. Mamaya na yan." pinamulahan ako ng mukha nang marinig ko ang boses ni Tita. Hindi ko napansin na nasa likod na namin siya. (fast forward) Gumising kami ng 10 pm para mag-ayos ng mga bagay-bagay bago magChristmas. Nauna akong nagising kay Angel kaya ako na ang gumising sa kanya. Bigla naman niya akong niyakap kaya napahiga ulit ako. "Pwede po ngayon na yung anuhan natin?" tanong niya with nakakalokong smile. Napakapervert nito. "Hindi makapaghintay? Hindi pwedeng pagkatapos ng noche buena? Atat na atat ka naman y**" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Aba ang putcha atat talaga? "Paunang Christmas gift ko sayo" sabi niya at dumeretso sa C.R. Nanatili akong nakaupo sa kama habang hinihintay siyang lumabas ng C.R. Kahit gusto kong pasukin yung C.R. pinigilan ko yung sarili ko. "Hinintay talaga ako ng baby ko ah? Lika nga dito." niyakap niya ulit ako pero this time nakaupo kami. "Wag kang mag-alala baby ko. May gift ako sayo na siguradong magugustuhan mong ulit-ulitin. Pero mamaya ko ibibigay." dagdag pa niya. Lalo naman naexcite ang lola niyo. Sana lang hindi masakit yung regalo niya. Wahaha "Dami mong alam. Tara na nga. Baka hinahanap na nila tayo." at hinila ko na siya palabas. Totoo naman eh. Baka kung ano na naman ang isipin nila na ginawa namin ni Angel. Tsaka baka di din ako makapagpigil kay Angel kaya minabuti ko na na lumabas na kami. ? - "Five!" "Four" "Three" "Two" "One" "Merry Christmas!!!!" "Merry Christmas baby!" bati niya sakin sabay halik ulit sa lips ko. Siyempre papatalo ba ako? "Merry Christmas din baby ko! I love you!" at ako naman ang humalik sa kanya. Ang loko loko naman gumanti din. "I love you too!" hinalikan niya ako "I love you three!" hirit ko tapos ako naman yung humalik sa kanya. "Korni mo! Pero I love you four!" tapos hinalikan niya ako. Takte. Bakit hindi nakakasawang halikan siya at magpahalik sa kanya? "I lo****" naputol yung sasabihin ko nang magsalita si Kevin. "Nakakahiya naman sa mga kumakain dito. Dyan pa kayo naglalandian." nagtawanan naman silang lahat. Doon ko lang napansin na kanina pa pala sila kumakain. Masyado kasi ako nasarapan sa appetizer ko kaya di ko napansin. Haha. So no choice na kami ng baby ko kundi kumain na din sa kasabay nila. Sa totoo lang, mas gusto ko talaga na sa kwarto na lang kami ni Angel. Haha. So iyon, habang kumakain, walang humapay ang kakukuha namin ng letrato. Siyempre may kompetisyon kung sino ang pinakasweet. Kung sila Kiya Josh ba at Kuya Enzo? Sila Kyle at Alex ba? Sina Kevin at Ivan ba? Or kami ni Angel. Siyempre kami ni Angel! Haha. At habang kumakain ay nagbigayan na kami ng mga regalo namin. Ang bawat isa ay may regalo para sa lahat. O di'ba ang gastos? Haha. Sabay-sabay naming binuksan yung mga gifts. Woah! Nakatanggap ako ng Pendant na may letter A galing sa Mama ni Angel. Super ganda. Promise. Tapos wrist watch galing kay Ivan, Mga books about my Favorite bands galing kay Kevin, Cellphone galing kay Kuya, cellphone din galing sa iba pa. Asowwwss.. Di ko naman kailangan itong mga ito. Nung bubuksan ko na yung kay Angel, pinigilan niya ako at sinabing for my eyes only daw. Mamaya ko na daw buksan. Pero habang kumakain kami at nagchichikahan, pasimple kong sinilip yung laman at, Wow!!! Ayun binigyan ko siya ng makahulugang tingin. "At least importante yung gift ko. Hindi katulad nung kanila. Kakailanganin mo yan in case of emergency" nagbelat pa siya sakin. Haha. Ok fine. Accepted. Nagpatuloy yung party namin hanggang sa napagpasyahan namin na bumalik na sa mga rooms namin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng excitement sa mangyayari mamaya. Haha. Around 2:00 am na nung umakyat kami ni Angel sa room namin. At ang mokong naman ang lapad ng ngiti. Pano ba naman, makakaisa na naman siya sa akin. Pagpasok ko sa room ay nagpaalam ako na maliligo muna ako para fresh. Alam niyo na, para mas nakakagana. Haha. After couple of minutes ng paliligo ay siya naman ang pumasok sa C.R. Sabi niya hinayin ko daw siya at wag ko siyang tutulugan kundi rereypin niya ako. Edi wow! Panong di ako makakatulog eh napakatagal niya maligo! So nilaro ko muna yung CP ko para malibang. Di ko namalayang tapos na pala siya at nakalabas na siya ng C.R. Naramdaman ko nalang na nakapatong na siya sa akin na tanging boxer ang suot. "Are you ready Baby?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD