Walang nagawa si Frank kundi tunguhin ang condo ng kasintahan bago ulit ito magtampo sa kaniya. Sa totoo lang ay ito ang pinakaperpektong babae sa kaniya. Maganda, seksi, matalino at galing din sa mayamang pamilya. Hindi niya alam kung bakit ayaw ng ina rito samantalang wala naman na siyang maipupula rito. Pagdating sa condo ng kasintahan ay agad na napangiti nang makita ang ayos nito. Talaga namang nakakahalina ang ganda nito lalo pa ang seductive look nito. "You look so sexy," papuri rito. "I know," bulong nito sa kaniyang punong-tainga na mas lalong kumiliti sa kaniya. Napangiti siya rito dahil alam na alam nito kung paano siya huliin. "Are you hungry?" tanong nito at hindi alam kung ang tinutukoy nito ay ang pagkaing inihanda nito o ang sarili nito dahil matapos nitong isara ang pint