Nang makarating ako sa paaralan ay bakas pa rin sa aking mukha ang pagkainis dahil sa tinuran ng aking kapatid kanina sa aming bahay. Napansin naman iyon ng aking mga kaklase at naisipan akong kumustahin ng mga ito ngunit sinabi ko na lamang na hindi maganda ang aking pakiramdam. Mabuti na lamang at naintindihan din naman ako ng mga ito kaagad.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa kalaswaang nagawa ni Kevin. S'ya na nga itong unang gumawa kabastusan ay ito pa ang may ganang insultuhin ako. Ang malala pa roon ay hindi nito naisipang humingi ng tawad man lang. Basta-basta na lamang itong lumabas ng bahay nang walang pasabi.
Bihira lamang kaming mag-away ng nakababata kong kapatid kaya hindi ko gusto ang nangyayari sa pagitan naming dalawa ngayon. Mamayang uwian ay muli ko itong kakausapin at kailangan nitong humingi ng tawad sa akin.
Habang nasa kalagitnaan ng klase ay nakaramdam ako ng bahagyang pag-iinit ng aking katawan. Mukhang tatrangkasuhin na naman yata ako. Napakahina talaga ng aking resistensya.
Mabuti na lamang at nasa bahay pa ang gamot na binili ni Itay kahapon. Mamaya ko na lamang iinumin ang mga iyon.
Nang sumapit ang tanghali ay mag-isa akong nagtungo sa kantina. Lumiban kasi sa klase ang matalik kong kaibigan na si Rey kaya wala akong makakasabay na mananghalian ngayong araw. Nagyaya naman ang ilan kong mga kaklase na sumabay na lamang ako sa kanila ngunit tinanggihan ko iyon. Baka kasi mahawaan ko ang mga ito ng aking trangkaso sakaling mayroon nga ako. Kaya minarapat ko na lamang na mapag-isa muna. Napaisip tuloy ako na mag-excuse muna sa aking mga guro ngayong mamayang hapon. Baka kasi maka-perwisyo pa ako sa aking mga kamag-aral.
Bumili na ako ng ulam at nagtungo sa isang bakanteng mesa sa canteen. Mabuti na lamang at nasa gilid rin ito at walang masyadong tao.
Maya-maya pa ay nagsimula na rin akong kumain. Tahimik akong ngumunguya nang bigla na lamang may umupo sa aking tapat. Napatingin ako sa bagong dating na si Louis, isa sa mga kaklase ko.
"Pwede bang makiupo?" Panimula nito at inilapag sa mesa ang sariling baunan.
"Naku, Louis. Hindi naman akin ang mesang ito. M-maupo ka lang d'yan." Banggit ko sabay tawa nang mahina. Hindi ko ito magawang tignan sa mata. Nahihiya kasi ako rito.
Napatawa na lamang ito at muling inasikaso ang pagkain.
"Anong ulam mo?" Bigla nitong sambit sabay tingin sa aking kinakain.
Napakapit ako sa aking baunan nang mahigpit. Hindi dahil sa natatakot akong baka kunin n'ya ito, kundi dahil sa gulay lamang ang aking ulam samantalang masarap na hotdog ang sa kanya.
"A-ah... Ano... Ginataang kalabasa. Binili ko sa canteen." Medyo nahihiya ko pa ring sagot. Hindi ako makatingin dito nang diretso. Napansin ko rin kasing mariin ang mga titig nito sa akin. At hindi ako komportable roon.
"Ah, ganun ba? Gusto mo bang tikman 'tong hotdog ko?"
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya at nabigla nang mapansing nakangisi ito. Ngising pamilyar sa aking paningin. Ganito rin ang mga ngising itinapon sa akin ni Kevin kaninang umaga habang inaayos ko ang sira nitong siper.
Mabilis kong binawi ang aking tingin at nagpatuloy na sa pagkain.
"H-hindi na, Louis. N-nakakahiya naman." Tugon ko na lamang dito at itinuloy na ang aking pananghalian.
"Ayaw mo? Sayang. Masarap pa naman 'tong hotdog ko. If you want, bibili pa ako ng itlog sa canteen para perfect combination!"
"S-sige lang. P-patapos na rin naman ako." Tanggi ko rito.
"Ganun ba? Sayang naman." Bigla itong napasimangot.
Matapos iyon ay nanatili na kaming tahimik na kumain. Ngunit hindi rin ako makakain nang maayos dahil panay ang titig sa akin ni Louis. Nagkaroon pa ng pagkakataong nagsalubong ang aming mga tingin at kitang-kita ko kung paano nito pinaglaruan ang subo-subong hotdog habang nakapukol ang atensyon sa akin.
Minadali ko na lamang ang aking pagkain upang makatakas sa sitwasyon. Kahit medyo marami-rami pa ang natira sa aking kanin at ulam ay isinara ko na ang aking baunan at isinilid iyon sa loob ng aking bag sabay tayo.
"M-mauna na ako, Louis." Paalam ko rito habang nakatayo malapit sa kanya.
At nang tumalikod na ako rito ay kaagad akong napasinghap nang bigla nitong tinapik ang aking pwet.
"Sige. Sabay ulit tayong kumain sa susunod, ah?" Kaswal nitong sabi sabay kindat pa.
Mabilis kong natabig ang kamay nito at dali-daling naglakad palayo. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi at mukhang mas tumaas pa yata ang aking temperatura. Napansin ko ring pinagtitinginan ako ng ilang mga estudyante sa koridor. Siguro dahil bakas sa aking mukha ang sobrang kaba dahil sa ginawang iyon ng aking kaklase.
Tumuloy na lang muna ako sa banyo upang maghugas ng kamay. Pagpasok ko sa loob ay saktong kalalabas lang ng isang estudyanteng lalake kaya na-solo ko ang buong banyo.
Naghugas muna ako ng aking kamay at naghilamos. Unti-unti nang nalulusaw ang aking kaba. Napatingin ako sa salamin upang siguruhing hindi na ako namumula dahil sa sobrang hiya.
Nang masiguro kong maayos na ang aking hitsura ay kinuha ko na ang aking bag at lumabas.
Muli kong naisip ang ginawang iyon ni Louis. Kaklase ko ito mula pa noong Grade 11 at hindi ko ito masyadong nakakausap. Ang alam ko lamang dito ay isa itong transferee. At hindi katulad kong purong probinsyanong hindi pa nakakaluwas sa ibang bayan o lugar, si Louis ay tubong Maynila na napunta lamang dito sa probinsya. May mga bali-balita ring pumapatol ito sa kapwa-lalake at aktibo pagdating sa bagay na iyon. Hindi ko iyon masyadong binigyan ng pansin dahil hindi ko rin naman ito kilala nang lubusan. Ngunit dahil sa ginawa nito kanina ay nagdadalawang-isip na ako kung paniniwalaan ko nga ang bali-balitang iyon.
Habang nakikinig sa klase ay hindi ko mapigilang kabahan. Hindi rin ako makapag-pokus sa sinasabi ng aming guro. Nasa bandang likuran ko lamang kasi nakaupo si Louis at ramdam ko ang mga titig nito sa akin. Kung pwede lamang na magsumbong sa aming guro ay ginawa ko na. Ngunit naisip kong nakakahiya iyon at medyo hindi kapani-paniwala. Kaya nanatili na lamang akong tahimik.
"Ok, class. Find a partner para sa gagawin nating activity next week." Sambit ng aming guro. Nagsimula namang maghanap ng kapareha ang aking mga kaklase.
Napatingin ako sa aking katabing upuan na kasalukuyang bakante. Wala rito si Rey kaya medyo mahihirapan din akong maghanap ng makakapareha.
"A-ano, K-kristoffer, may partner ka na ba?"
Napatingala ako upang makita ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ang kaklase kong si Hazel na nakatayo sa aking harapan.
Akmang sasagutin ko na sana ito nang biglang may nagsalita mula sa aking likuran.
"Naku, Hazel. Ako na ang napili ni Kristoffer, eh. Maghanap ka na lang ng iba. Dun sa mga lalake sa likod, mukhang wala pa silang partners."
Napalunok na lamang ako habang nagsasalita si Louis.
"G-ganun ba? S-salamat na lang, K-kristoffer..." Nakayukong umalis sa aking harapan ang kaklase kong babae.
Kaagad na inilipat ni Louis ang kanyang bag patungo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
"Ma'am! Partner ho kami ni Kristoffer." Biglang sigaw nito nang maupo sa aking tabi.
"Ok. Please write both of your names on a small sheet of paper then submit it to me."
"Ok po, Ma'am." Kumuha ito ng papel at ballpen at saka ay isinulat ang pangalan. Maya-maya ay napatingin ito sa akin.
"'Di ko alam spelling ng pangalan mo, eh. Here, ikaw na magsulat ng sa 'yo. Hehe." Nakangiti nitong banggit habang inaabot sa akin ang ballpen at papel.
Dahil paalis na rin ang aming guro ay wala na akong nagawa kundi ang tanggapin na lamang iyon at isinulat ang aking pangalan roon at muli nang ibinigay na sa kanya.
"Nice. Ah... So K pala starting letter ng name mo. Nasanay ako sa Ch, eh, haha." Saad nito habang pinagmamasdan ang maliit na papel.
"M-mahigit isang taon na tayong magkaklase, ah. H-hindi mo pa rin alam?" Nahihiya kong tugon dito. Ang totoo ay ayaw ko itong kausapin. Ngunit dahil magiging partner ko ito sa aming activity ay kailangan kong umpisahang makipag-usap dito.
"Bakit ko naman aalamin? Crush ba kita?" Banggit nito na tila natatawa.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon.
"B-bakit? C-crush lang ba ang dapat inaalam ang tamang spelling ng pangalan?" Pasaring ko rito habang hindi pa rin tumitingin.
"O, sige na. Crush na kita. 'Wag ka nang magtampo." Tumayo na ito at ipinasa sa aming guro ang maliit na papel.
Naiwan naman akong namumula. Hindi ko alam kung bakit medyo nagustuhan ko ang sinabi nito. Alam ko namang biro lamang iyon pero hindi ko pa rin naiwasang medyo mapangiti. Siguro dahil isa lamang iyong biro at nararapat lamang na pagtawanan. Isa pa ay ito ang unang lalakeng nagbiro sa akin ng ganoon.
+++
HABANG nasa byahe ay pansamantala muna kaming tumigil ng sinasakyan naming tricycle upang sunduin si Karl sa bahay nina Aling Sylvia. Pang-umaga lang kasi ang pasok ng bunso kong kapatid kaya buong hapon ay nasa bahay na ito ng kaibigan ng aking ina at nakikipaglaro sa mga batang naroon. Natutulog na naman ito kaya kinarga ko na lamang ito habang binabaybay ng sinasakyan naming tricycle ang daan pauwi ng aming bahay. Madali kasi itong mapagod kakalaro maghapon kaya madalas ay tulog ito tuwing kinukuha na namin kina Aling Sylvia.
Pagkatapos ng aming klase kanina ay dumiretso kaagad ako sa toda upang maghanap ng masasakyan. Mabuti na lamang at kaagad kong nakita si Mang Berto na madalas na naming sinasakyan ng kapatid ko simula pa man noong nagsisimula pa lamang kaming mag-aral. May kalapitan lang kasi ang bahay nito sa amin kaya ay ito na ang nagsisilbi naming tagahatid-sundo.
Tatlo lamang kaming pasahero dahil maliit lang din ang tricycle. Nakaupo sa bandang likuran ng driver si Kevin at napansin kong panay ang mga tingin nito sa akin. Hindi ko lamang ito pinapansin. Mamaya ko na ito kakausapin. Nakakahiya kasi kay Mang Berto sakaling mauwi na naman sa sagutan ang pag-uusap naming magkapatid.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa aming sitio. Hindi na tumuloy si Mang Berto patungo sa aming bahay dahil lubak-lubak ang daan patungo roon. Isa pa ay kaya naman namin iyong lakarin.
Iniabot ko na ang aming bayad at pumaharurot na ang tricycle palayo.
"Ingat ho kayo!" Paalam ko rito bago tumalikod.
Nagsimula na kaming maglakad. Karga-karga ko pa rin si Karl na mahimbing pa rin ang tulog.
Tahimik naming nilakad ang daan pauwi habang nasa likuran si Kevin. Maya-maya ay bigla na lamang nitong kinuha ang bunso naming kapatid.
"Ako na magbubuhat." Anito kaya ay binitawan ko na lamang si Karl upang ibigay sa kanya. Medyo nananakit na rin kasi ang aking mga braso.
"S-salamat." Nauutal kong sambit.
"Sorry nga pala sa nangyari kanina." Walang anu-ano'y bigla nitong nabanggit habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad.
Napatingin ako rito at kaagad rin iyong binawi.
Kaagad na natunaw ang kanina'y galit ko rito. Para akong nabunutan ng tinik sa aking puso dahil sa ginawang paghingi ng tawad ng nakababata kong kapatid.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at bigla na lamang akong naluha nang bahagya. Mukhang narinig naman nito ang aking paghikbi at kaagad na napatingin sa akin.
"Ayos ka lang ba, Kuya? Ba't ka umiiyak?" Tila naguguluhan at nag-aalala nitong tanong sa akin.
Hindi muna ako sumagot at napatawa na lamang habang naluluha pa rin. Maya-maya ay naisipan ko ring sagutin ang tanong nito.
"Ikaw kasi, eh. Huwag mo nang uulitin 'yun, ah? At mas lalong huwag kang papatol sa mga nagkakagusto sa 'yo sa bayan."
Sandali itong natigilan sa aking sinabi ngunit kaagad ring nagsalita.
"H-hindi ko na uulitin 'yun, Kuya. Pramis. At mas lalong hindi ako papatol sa mga nagkakagusto sa akin sa bayan."
Imbes na sumagot ay inakbayan ko na lamang ito at magkasabay naming tinahak ang masukal na daan patungo sa aming munting tahanan.
Pagdating namin sa aming bahay ay naroon na pala ang aming mga magulang. Pagkatapos kong magbihis ng pambahay ay kaagad akong uminom ng gamot upang hindi na lumala pa ang aking trangkaso.
Natutuwa ako dahil hindi tumagal ang aming hindi pagkakaintindihan ni Kevin. Hindi ko na kinailangan pang komprontahin ito upang humingi ito sa akin ng tawad. Patunay na isang mabuting tao ang aking kapatid.